Kabanata 20

15.3K 548 19
                                    

Kabanata 20

"Tumusok ka lang diyan tapos isawsaw mo dito." turo ko kay Zayden.

Tapos na kaming mamili at ngayon ay nandito na kami sa may turo-turo. Siyempre kailangan maexperience niya turo-turo.

"Is it safe to eat?" bulong niya kaya natawa ako.

"Syempre. Safe yan. Ipapakain ko ba sayo kung hindi. Dali na tikman mo na." wika ko at inumang sa kanya ang kwek-kwek.

"What do you call that?" tanong niya na kunot na kunot ang noo.

"Kwek-kwek." sagot ko at ngumiti sa kanya.

Napalunok siya at tumingin sa akin bago binaling ang tingin sa kwek kwek na hawak ko.

"Ayaw mo ba?"

Tumingin siya sa akin at ilang sandali bago sumagot. Mukhang pinag isipan pa ang isasagot niya.

"I'll eat it." aniya bago sinubo ang kwek-kwek na hawak ko.

Napangiti pa ako ng matigilan siya matapos malasahan ang kwek-kwek.

"Hmm. Its good." aniya bago kumuha ng sariling stick at tumusok doon sa may lalagyan ng kwek-kwek.

"Sabi ko na sayo e. Tikman mo din ung fishball at saka kikiam promise masarap." suhestiyon. Ganon nga ang ginawa niya.

"Its good." aniya ulit at kumuha pa kaya natuwa ako. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang mag ring ang cellphone niya. Mabilis niya iyong kinuha at tinignan ang tumatawag.

Napasulyap din ako doon at nakita ang pangalan ng caller.

Sweetheart.

Mabilis kong inilihis ang paningin ko ng tignan ako ni Zayden. Lumayo siya ng konti sa akin at sinagot ang tawag.

Para bang may kirot sa dibdib ko dahil sigurado ako na si Zaira yon.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at nagkunwaring abala sa pagkain pero ang isip ko ay lumilipad. Iniisip ko kung ano ang pinag uusapan nila.

Huminga ako ng malalim at inubos ang kinakain ko kahit na tila ba may nakabara sa lalamunan ko.

"Are you done?" tanong niya na nakalapit na pala ulit sa akin.

Tumango ako at uminom ng gulaman.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko na pilit itinago ang lungkot sa tinig ko.

"You? May gusto ka pa bang puntahan?" tanong niya.

Wala na akong gustong puntahan pero parang ayokong matapos ang araw na ito. I want to have this day with him.

"Its okay. Kung busy ka ay pwede na tayong umuwi." sagot ko. I want to have this day with him but I cant let him stay with me, knowing that someone is waiting for him.

"Its okay. Where do you want to go?" tanong niya.

"Si Z-Zaira ang tumawag hindi ba? Kung may lakad kayo pwede na tayong umuwi."

"Xena. I said its okay." aniya na ngayon ay nagsalubong na ang kilay.

Hindi ako sumagot kaya muli siyang nagtanong. "Saan mo gustong pumunta?" ulit niya.

Nanahimik ako at napaiwas ng tingin. Hindi ako makapagsalita dahil ayokong magkamali ng isasagot. I want to be with him but I dont want to be selfish.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago niya kunin ang kamay ko at hilain paalis.

"I know where to go." wika niya matapos kunin ang mga pinamili namin.

"H-Huwag na. Umuwi na lang tayo."

Heartless Society 1: If our Love is wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon