Kabanata 10

15.4K 533 14
                                    

Kabanata 10


Pabiling-biling ako sa higaan ko. Ilang oras na mula nang makauwi kami ni Zayden ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya kanina.

'That enchanting smile of yours make me crazy.'

Parang boses niya mismo ang naririnig ko sa isip ko kaya mas lalo akong hindi mapakali.

Kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha ko.

Argh! Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Kanina kung hindi pa tumawag si Tito Zach ay baka nadala na ako ng emosyon na hindi dapat talaga mangyari.

Napabuntong hininga ako at napaisip.

Paano kaya kung hindi kinasal sina Mama at Tito Zach? Pwede ko kayang itolerate ang nararamdaman ko kay Zayden?

Nagbalik sa isip ko ang ginawa niyang paghalik sa akin kanina at wala sa sariling inalis ang unan sa mukha ko at hinaplos ang labi ko.

Alam ko na ginagawa niya lang ito dahil ayaw niya sa amin. Ginagawa niya lahat para masira ang pamilya namin.

Kaya hindi ko maiwasang isipin kung gagawin niya pa rin ba ang mga ginagawa niya kung hindi kami magkapatid.

Posible kaya na magustuhan niya akong talaga kung hindi ko siya step brother?

Napailing na lang ako. Kung ano-ano na ang naiisip ko. Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto. Kukuha ako ng gatas. Kailangan kong makatulog dahil maaga pa ako bukas.

Pagdating ko sa kusina ay mabilis din akong gumawa ng gatas at diretso iyong ininom. Hinugasan ko ang pinaggamitan ko at nagpasyang lumabas muna ng bahay para makapagpahangin.

Naglakad lakad ako sa may baybaying dagat at pinakiramdaman ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa dalampasigan. Pumikit ako at lumanghap ng hangin.

Alta Tierra. I really love this place. Tahimik at payapa. Muli ay dumaan sa isip ko ang araw nagkita kami ni Zayden dito sa baybayin. That Day. That specific day.

"What are you doing here? Hatinggabi na." tanong ng pamilyar na tinig kaya napamulat ako at gulat na napaatras.

"Z-Zayden.." bulong ko.

"I-Ikaw anong ginagawa mo dito?" nauutal na tanong ko nang makabawi ako. Biglang pumasok sa isip ko ang eksena kanina sa may burol kaya mabilis na nag init ang pisngi ko.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya ngunit hindi nakaligtas sa akin ang walang emosyon niyang mga mata na matiim lang na nakatingin sa akin.

Ilang sandali siyang walang kibo bago ako talikuran at humarap sa dagat.

"Nagpapaantok." aniya bago nahiga sa buhanginan.

Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa kanya. "Umupo ka." wika niya na nasa tinig ang pag uutos.

Ayoko sanang umupo ngunit tila may sariling utak ang katawan ko at kusang sumunod. "Bakit nandito ka sa labas?" tanong niya muli.

"N-Nagpapaantok din." sagot ko bago tumanaw sa dagat.

Hindi siya nagsalita kaya lumingon ako sa kanya. Nakatingin siya sa langit kaya tumingala din ako.

Marami ang bituin sa langit.

Kagaya ni Zayden ay humiga ako sa buhanginan at pinanood ang mga bituin.

"Zayden." tawag ko sa kanya matapos ang ilang minuto.

Heartless Society 1: If our Love is wrong (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя