CHAPTER V: Henry

2.4K 51 6
                                    

CHAPTER V: Henry


          "Kian," pagsisinungaling ko habang hindi siya tinitingnan sa mga mata.

Ngumiti siya nang bahagya at saka kinuha ang isang kaha ng sigarilyo. Kumuha siya ng isa roon at sinindihan. Humihithit siya at saka niya pinakawalan ang usok mula rito. Kalmado siya habang tinatanaw ang mga nagkalat na usok sa kwarto.

"Alam ko namang hindi mo sasabihin ang tunay mong pangalan sa akin," aniya na patuloy pa rin sa paninigarilyo.

Naamoy niya siguro na nagsisinungaling lang ako. Hindi ko rin naman kailangang sabihin sa kanya ang tunay kong pangalan.

Naalala kong sinabi sa akin ni Emil na huwag kong ibibigay ang tunay kong pangalan sa kahit na sinong makakasiping ko. Kapag raw ibinigay ko, hinahayaan ko silang maging pag-aari nila ako. Sa tuwing aalamin nila ang tunay mong pagkatao, unti-unti mo na ring ibinibigay ang sarili mo.

Sa kabilang banda, pagkatapos naman nito, kung magkataong magtagpo ang mga landas namin sa kahabaan ng kalsada, aarte kaming hindi namin kilala ang isa't-isa. Isang makasalanang pagnanasa lang ang nagbubuklod sa amin. 'Yun lang at hanggang doon lang.

"I'm Andrew," wika niya at saka inabot ang kamay ko para makipagkamay. Hindi ako sigurado sa gusto niyang sabihin pero inabot ko pa rin. "Gusto kong malaman ng lahat nang naka-sex ko ang tunay kong pangalan. Gusto ko kasing maalala niyo ang isang gaya ko na walang ginawa kundi ang sirain ang buhay niya. Nasa akin na ang lahat pero wala, sinayang ko lang," natatawa niyang sabi.

Sa bawat ngiti niyang iyon, alam kong nasasaktan siya. Ngiti na hindi kailanman makakapawi sa sakit na nararamdaman niya.

"Kung anuman ang nangyayari sa 'yo ngayon, sana makuha mo ang tamang sagot sa lahat," saad ko. Hindi ko man magawang magpayo sa kanya, kahit hiling na lang na maging maayos siya ay siguro sasapat na.

Hindi rin nagtagal ay umalis din ako matapos niyang ibigay ang bayad. Halos mag-a-alas diyes na nang gabi. Gano'n pa rin ang dami ng sasakyan sa kalsada. Punuan pa rin ang mga pampublikong sasakyan.

Wala na talagang pag-asa ang Pilipinas sa isip-isip ko.

Naisipan ko na lang na maglakad-lakad muna hanggang sa makasakay. Hindi naman ganoon kadilim ang kalsada dahil sa tanglaw ng mga ilaw sa poste. May ilan din akong kasabay sa paglalakad kaya hindi ko alintana ang masasamang loob sa paligid.

Natigilan ako sa paglalakad nang matapat ako sa isang bar. Hindi rin kasi ako madalas bumabiyahe papuntang Alabang kaya hindi ako pamilyar sa mga bagong establisyimento rito.

"Black Pegasus," basa ko sa karatulang nasa labas ng bar. Walang mga babaeng nasa labas na nag-aalok ng extra service kaya hindi ako sigurado kung isa lang ba itong bahay paligayahan.

Nagsimula ulit akong maglakad nang may madapuan ang mata ko na isang lalaki sa gilid habang patuloy sa paninigarilyo. Malayo ang tingin niya na tila may iniisip.

Napalunok ako ng laway habang nangangatog ang mga binti. Pamilyar sa akin ang lalaking iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit sabihing dalawang taon nang huli kaming magkita, hindi naman ganoon nagbago ang kanyang mukha.

Naaalala ko pa kung paano niya ako titigan na tila nanduduro. Simula no'n ay ikinahiya ko na ang sarili ko. Siya lang ang taong tanging naniwala sa akin pero sinira ko.

Gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako sa pwedeng mangyari. Paano kung itakwil na naman niya ako at tapunan ng tingin na animo'y nandidiri? Sapat na rin siguro na alam kong nakalaya na siya sa kulungan.

Mariin kong ikinuyom ang kamao ko at saka huminga nang malalim.

"Magkikita pa tayo ulit," bulong ko sa hangin at nagpatuloy muli sa paglalakad.

***

Ilang minuto rin ang nakalipas bago ako nakauwi. Masakit na ang buo kong katawan dahil sa maghapon na trabaho. Pakiramdam ko ay kakalas na ang mga buto ko sa katawan dahil sa kirot. Idagdag pa ang sakit ng ulo dahil sa ilang baso ng alak na nainom ko kanina.

"Nandito na ako," bati ko nang makapasok sa bahay.

Patay ang ilaw sa sala at tanging liwanag lang mula sa telebisyon ang pinagkukunan ng tanglaw.

Mabilis na hinanap ng mata ko si Emil. Napansin kong nakaupo sa sofa si Emil habang abala sa pinanunuod sa telebisyon.

"Nanunuod ka na naman ng porn?" dismaya kong sabi.

Wala siyang suot pang-ibaba habang patuloy sa pagtaas-baba ng kanyang pag-aari. Isang amateur porn video ang kasalukuyan niyang pinapanuod. Walang ibang ginawa ang nasa video kung hindi ang magsiungol sa kalaswaang ginagawa.

"Samahan mo ako rito," pag-aalok niya at saka umusog nang kaunti para bigyan ako ng pwesto. "Bwiset kasi 'tong kliyente ko kanina. Pagkatapos labasan, iniwan ba naman ako?! Tangina lang. Sumakit tuloy pantog ko," reklamo niya.

Natawa na lang ako sa turan niya. "Hindi na. Kaya mo na 'yan. Gusto ko nang magpahinga," saad ko.

Dumiretso ako sa kwarto at iniwan siya. Inilapag ko ang mga gamit ko sa gilid ng kama at saka hinubad ang mga suot ko at iniwang tanging panloob pang-ibaba lang ang saplot.

Tumihaya ako sa pagkakahiga at tumingala sa kisame. Naaalala ko pa rin ang mukha niya. Gusto ko siyang yakapin ulit pero ramdam ko ang pagkasuklam niya sa akin nang araw na iyon.

Hindi ko namalayang unti-unti na rin palang bumabagsak ang luha ko. Naninikip na naman ang dibdib ko sa pag-iisip sa kanya. Walang gabi na hindi ko siya naaalala. Sinisisi ko ang sarili ko sa kahinaan ko. Kung nakaya ko lang sanang maging malakas nang panahong 'yun, siguro dalawang buhay ang nailigtas ko.

Sana buhay pa si Mama... At sana, magkasama pa tayong dalawa...

Suntok na nga lang ba sa buwan na patawarin mo ako sa mga naging kasalanan ko? Kahit ano, gagawin ko, mapatawad niya lang akong muli. 'Yun lang, sapat na sa akin para makahinga.

"Henry..." wika ko sa gitna ng mga luhang patuloy sa pag-agos dahil sa kalungkutan.

Pleasure For Hire (BoyXBoy)Where stories live. Discover now