CHAPTER XVIII: This Shall Pass

1.1K 31 9
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


CHAPTER XVIII: This Shall Pass


          "Ang lalim 'ata ng iniisip mo?" tanong sa akin ni Emil habang abala sa pagkalikot ng kanyang cell phone. Bukas ang telebisyon pero parehong wala roon ang atensyon namin. Abala na naman siguro 'to sa mga hookup niya.

Hindi na rin naman kasi bago sa akin ang gabi-gabi n'yang pagpaparaos sa kung kani-kaninong makilala niya. Hindi na lang siguro maituturing na parttime job ang bagay na ito para sa kanya kundi isang regular job.

"Bukas na kasi nang gabi 'yung acquaintance party namin," saad ko at saka bumuntong-hininga. Pagod na ako mag-isip kung itutuloy ko ba ang pagpunta o hindi na lang. Pero nanghihinayang kasi ako sa ibinayad nina Arjay at Peter. Paniguradong madidismaya ang dalawang 'yun.

Pero maliban pa roon, alam ko sa sarili kong may masa malalim pang dahilan.

"Ano'ng gagawin ko?!" iritable kong sabi.

Nilingon naman ako ni Emil at saka masama akong tiningnan. Duda ang mga mata niya na tila nangungutya. Ano na naman bang nakain ng taong ito at kung ganoon na lang makatingin sa akin?

"Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil lang d'yan? Acquaintance party lang naman 'yan. Hindi ka pa ba nakakapunta sa gano'n? Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw, matakot ka na lang sa tao," aniya habang ganoon pa rin ang pagkakatingin sa akin.

Napailing na lang ako. "Hindi mo kasi naiintindihan kung gaano kahirap para sa akin pumunta roon. Basta! May iba rin kasing dahilan kung bakit nagdadalawang-isip akong pumunta," reklamo ko at saka muling humugot nang malalim na hininga.

"Ano bang mahirap doon? Eh, pupunta ka lang naman sa party? Pera ba ang problema mo? Wala kang pambili ng damit? Pwede naman kasi kitang pahiramin kung gusto mo kaysa nagmumukmok ka r'yan na parang bata," nangangamot-ulo niyang sabi.

Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha dahil sa lubos na pagkadismaya. Akala ko kasi ayos na ako matapos ang ilang taon. Akala ko kaya ko na siyang harapin ulit nang walang pag-aalinlangan. Pero hanggang sa akala lang pala ang lahat.

Hindi ko pa rin pala kaya. Wala pa rin akong lakas ng loob. Gaya pa rin ako ng dati – ang dating ako.

"Nandoon kasi si Henry," malungkot kong sabi.

Nangunot siya ng noo. "Sino si Henry?"

"'Yung sinasabi ko sa 'yong lalaki na tinakbuhan ko dati. Nandoon siya sa party. Kinuha sila ng school. First time ko sana a-attend pero parang ayaw kong pumunta. Wala pa rin kasi akong mukhang ihaharap sa kanya," dismayado kong sabi.

Pleasure For Hire (BoyXBoy)Where stories live. Discover now