CHAPTER X: Save Me from This Mess

1.5K 40 1
                                    

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


CHAPTER X: Save Me from This Mess


            "Okay ka na ba talaga?" tanong sa akin ni Jeff pagbalik ko sa station matapos kong magbihis para sa shift ko.

Ngumisi ako sa kanya. "Pangatlong beses mo na 'yang tanong ngayong araw. Okay na talaga ako. Kulang lang daw ako sa kain at tulog. Nakakakain naman na ako nang maayos at saka nakatulog din naman ako nang matiwasay kagabi."

Tumango-tango siya na tila nakukumbinse. Napabuntong-hininga na lang din ako sa tuwing maaalala ang mga nangyari nang nakaraang araw.

"Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Tuparin mo muna ang mga pangarap mo. Kung hindi mo kayang balansehin ang mga bagay-bagay, kailangan mong bumitaw sa isa. Kailangan talaga magsakripisyo kung para lang din sa kalusugan mo," paliwanag niya.

Wala akong naging kapatid. Nag-iisang anak lang ako ng mga magulang ko. Kaya sa tuwing kailangan ko nang matatakbuhan, wala akong malapitan kundi ang mga kaibigan ko lang.

"Naiintindihan ko. Pero kung hindi ko kasi magsusumikapan, kung hindi ako magdodoble effort, baka maging matagal ang paghihintay ko," wika ko.

Tinapik niya ako sa balikat at saka ngumiti. "Huwag kang masyadong magmadali. Hindi mo nakukuha ang mga bagay sa mabilisan. Ang bagay na mabilis makuha ay mabilis ring mawawala. Hinay-hinay ka lang sa buhay. Wala ka namang pamilyang binubuhay."

"Isa na naman ba ito sa words of wisdom mo?" natatawa kong sabi.

Nabatukan niya ako nang sabihin ko iyon. "Take it from your senior. Totoo 'yung sinasabi ko kaya ikaw," aniya at saka turo sa akin. "Kaya ikaw, huwag mo masyadong pinahihirapan ang sarili mo. Take one step at a time, okay?"

Tumango ako bilang tugon. Maraming beses na niya akong binigyan ng mga paalala pero madalas ay labas lagi sa kabilang tainga. Pero ngayon, hindi naman siguro kawalan kung maniniwala ako sa kanya.

"Teka, anong oras na ba?" tanong niya.

"May isang oras pa bago ang una mong subject," sagot ko.

"Ganoon ba? Sige, mag-aayos na ako. Ikaw na ang bahala rito," aniya habang tinatapik-tapik ang balikat ko.

"Kayang-kaya," nagmamalaking sabi ko.

Matapos 'yon ay dumiretso na si Jeff sa staff room para mag-ayos. Naiwan akong nakatayo sa counter habang nag-aabang ng paparating na customer.

Nagpalinga-linga ako upang tanawin ang mga customer na nasa loob.

"Wala pa siya?" bulong ko sa sarili nang hindi matagpuan ang isang customer na madalas sa ganitong oras ay natambay.

Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko 'yung mga sinabi niya nang isang gabi. Naguguluhan ako pero higit pa doon, bakit parang kinakabahan ako? Marami namang nagtapat sa akin ng nararamdaman nila pero hindi ganito ang naging epekto sa akin.

"Gusto ko rin ba siya?" tanong ko sa hangin.

Imposible. Isang beses lang ako nagmahal at ang isang beses na iyon ay ang huli na rin. Hindi na ako iibig pang muli – delikado at nakakasira ng pagkatao. Ayoko nang maulit pa ang nakaraan kung saan, nasira ko ang buhay ng isang tao.

Huminga ako nang malalim dahil sa matinding pag-iisip. Kung hindi lang dahil sa pera, sa hirap ng buhay, hindi ko naman gagawin 'yun. Gumuguhit pa rin ang alaalang iyon sa puso ko.

Mayamaya lang, bumukas ang pinto sa gitna ng aking pagpapalipas oras. Ngumiti ako sa taong pumasok at malugod siyang binati.

"Welcome," nakangiti kong sabi..

***

Unat-unat ang dalawang braso dahil sa pagod, pinatay ko ang ilaw sa loob ng coffee shop matapos maglinis. Madilim na sa labas at mangilan-ngilan na lang rin ang mga sasakyang nasa kalsada.

Alas-diyes na rin pala nang gabi kaya gano'n. Nasobrahan din naman 'ata ako sa trabaho kaya hindi ko na rin napansin ang paglipas ng oras. Kailangan ko rin kasing bumawi sa mga araw na hindi ko ipinasok. Ngayon pa't nagigipit na naman ako dahil sa dami ng gastusin sa school.

Isinara ko na ang coffee shop nang mapansing may isang sasakyan na naka-park sa kabilang gusali. Sarado na rin naman ang shop sa tapat no'n at ang nasa paligid nito kasama na ang sa amin. Marahil ay nakiki-park. Pero nasaan naman kaya ang may-ari nito sa ganitong oras?

Nang simulan kong maglakad, napansin kong nagbukas ang makina ng sasakyan.

"Nasa loob siguro 'yung may-ari," saad ko sa sarili.

Nakailang hakbang pa ako nang tumigil bigla sa harapan ko 'yung sasakyan. Nagbaba ito ng bintana pero hindi nito nagawang silipin ako mula sa loob.

Nagbaba ako ng ulo para tingnan ang nasa loob. Dahil sa gabi na rin, hindi ko magawang maaninag ang mukha niya. Ang tanging napapansin ko lang ay ang kumpas niya ng kamay, nag-aanyaya sa akin na pumasok ako sa loob.

Hindi ko na nagawang mag-isip nang mabuti at diretsong pumasok sa loob. Marahil isa ito sa mga kakaunting nakakaalam ng sideline ko bilang 'callboy'.

"Saan tayo?" aniya pero hindi ko pa rin tinitingnan ang mukha niya. Pamilyar ang boses pero hindi ko na masyadong pinansin.

Nagkibit-balikat ako. "Ikaw ang bahala."

Madalas kasi, sila ang pinag-iisip ko ng lugar kung saan kami pupunta. Karaniwan naman ay sa motel kami dumidiretso o sa lugar kung saan walang nakakakilala sa amin. Sila naman ang madalas na nagbabayad ng accommodation.

Umaalingasaw sa loob ng sasakyan ang suot niyang mamahaling pabango. Doon pa lamang, makikita ko na ang agwat ng estado namin sa buhay.

"Kumusta pala ang klase?" tanong niya.

Napakunot ako bigla ng noo sa tanong niyang iyon. Pilit kong inaaninag ang mukha niya. Doon ko lamang napagtanto kung sino siya.

"Sir Gomez?" bulalas ko.

"Kanina ka pa nasa sasakyan ko, ngayon mo lang napansin?" nangingisi niyang sabi.

Napakamot naman ako ng ulo sa sandaling iyon. Gusto kong bumaba ng sasakyan at tumakbo na parang walang nangyari. Bakit ba kasi nagawa kong sumama agad sa taong ito nang hindi man lang muna tinitingnan ang itsura niya?

"S-Sir, parang late na rin po 'ata. Pwede niyo na po akong ibaba r'yan sa tabi," pagdadahilan ko kahit nilulukob na ako ng kahihiyan.

Bigla naman siyang natawa na parang hindi napansin ang sinabi ko sa kanya. Patuloy lang siya sa pagmamaneho sa kahabaan ng kalsada.

"Ahm, sir. Maaga pa po kasi ang pasok ko bukas. Baka po pwedeng ibaba niyo na lang po ako sa isang tabi. Sasakay na lang po ako pauwi," muli kong pagdadahilan.

Huminga siya nang malalim, itinabi ang minamaneho at saka inapakan ang preno ng sasakyan.

"Sir?" mahina kong tawag.

"Alam mo bang ayoko sa lahat ay ang pasaway na estudyante?" paliwanag niya.

Doon ko lang bigla naramdaman ang kaba. Pakiramdam ko ay maling desisyon talaga itong nagawa ko. Base sa mukha niya, hindi siya nagbibiro.

Pleasure For Hire (BoyXBoy)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن