CHAPTER XIII: Everything Will Be Fine

1.2K 30 1
                                    

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.


CHAPTER XIII: Everything Will Be Fine


          "Wala ba tayong gamot para sa sakit ng ulo?" tanong ko kay Emil na abalang nanunuod sa may sala ng balita, hawak-hawak ang isang baso ng mainit na kape habang nakapatong ang paa sa mesa sa harapan ng sofa.

"Hindi bibig ang pinanghahanap. Tingnan mo d'yan sa medicine kit sa cabinet, bandang lababo," aniya na hindi maabala sa panunuod.

Hilot-hilot ang nananakit na ulo, mabilis kong kinuha ang medicine kit at saka kumuha roon ng paracetamol para inumin.

Hindi ko magawang makakain ng almusal dahil sa iniindang sakit ng ulo. Mabuti na lang ay Sabado kaya hindi ko kailangang pumasok nang maaga at magtrabaho pagkatapos.

Sinaluhan ko sa sala si Emil at tinabihan siya sa sofa. Nag-angat ako ng paa na halos abutin si Emil sa pwesto niya. Wala pa sa kalahati ang nababawas niya sa kapeng iniinom. Marahil ay dahil sa sobrang abala siya sa panunuod ng balita, hindi na niya nagagawang pansin ang kape na mayamaya lang ay lalamig na.

"Ano ba 'yang pinanunuod mo at seryoso ka?" nagtataka kong tanong.

"Wala naman. Balita lang. Wala namang ibang pagkakaabalahan, e," sagot niya.

Tumango na lang ako at saka nag-unat ng katawan. Pakiramdam ko ay dahil lang sa kulang ako sa tulog kaya panay ang pananakit ng ulo ko. Anong oras na rin kasi ako nakauwi kagabi kaya ito, puyat na naman. Kagagaling ko lang sa sakit. Ayoko na ulit mangyari pa 'yung nakaraang araw.

"Maiba ako. Bakit late ka na pala umuwi kagabi? Mayroon ka na naman bang naging raket?" tanong niya na tila hinuhusgahan ako mula sa bitaw niya ng salita.

Tumango-tango ako. Wala namang dahilan para tumanggi ako. Lalo na't siya naman ang nagpakilala sa akin sa ganitong trabaho.

"Nag-sex ba kayo?" walang paligoy-ligoy niyang tanong.

Bahagya akong nagulat sa tanong niya. "T-Talaga ba? Tinatanong mo talaga 'yan?" nag-aalangan kong sagot.

Tiningnan niya ako nang matalim na lalo kong pinagdudahan. Ano bang nasa isip nito at bigla na lang nagtatanong ng mga ganyang bagay?

"Sagutin mo na lang ang tanong ko!" inip niyang sabi.

"Bakit mo ba kasi tinatanong?!"

Nangamot na lang siya ng ulo at saka iritableng tiningnan ako. "Basta! Ang kulit mo naman!"

"Hindi! Okay na?" mabilis kong sagot.

Napasandal siya sa sofa at saka tinitigan ang kisame. Nakailang buntong-hininga siya na tila may malalim na iniisip. Hindi ko madalas na makitang ganito si Emil. Madalas kasi magbibiro lang 'yan. Makikita mong tahimik lang 'yan kapag tutok sa panunuod sa telebisyon o pagkalikot sa cellphone niya.

"Ano kasi... Hindi naman kami nag-sex pero binayaran niya ako. Bakit mo ba naitanong?" naiilang tanong ko.

Nakita kong napakagat siya ng labi habang tulala pa rin sa kisame na animo'y malayo na ang nararating. Hindi ko buong mabasa ang nasa isip niya pero kung nagkakaganito siya, malamang ay problema ang dahilan.

"Naaalala mo ba 'yung nakwento ko sa 'yong sugar daddy ko?" tanong niya.

"Oo, 'yung nakilala mo sa bar," sagot ko at saka nagtatango.

Nagpakawala siya ng hininga at saka nangangamot ng ulo.

"Kagabi kasi, naghiwalay na kami. May nahanap na raw siya na bago, mas bata. Ang sakit sa puso. Ilang taon pa lang ba ako? Nasa kalendaryo pa naman ang edad ko. Pero ang sabi niya, estudyante pa raw ang bago niya at kaedad mo kaya naisip kong itanong," litanya niya.

Nakakunot lang ang noo ko habang sinasabi niya 'yun. Medyo naguluhan ako kung paano naging related ang tanong niya sa akin sa naging kwento niya.

"Teka lang. Hindi ko masundan ang kwento mo, e," naguguluhan kong sabi.

"Bago kasi siya magpaalam sa akin, ang sabi niya makikipagtalik daw siya doon sa bago niya kagabi. Mas wild at maraming alam daw na position 'yung bago niya. Kung ako lang, kaya ko rin naman gawin 'yung sinasabi niya. Natatakot lang akong atakihin siya habang nagtatalik kami. Mabuti nga ako concern pa sa kalusugan niya," kwento pa niya.

"Kaya mo ba naisipang itanong kung anong ginawa ko?"

"Oo. Bakit? Baka sakali kasing ikaw ang nakabingwit. Hindi ko lang alam. May iba pa bang dahilan?" Kita sa mga mata niya ang pagtataka. Kahit kailan talaga, hindi mo malalaman ang nasa isip nitong taong 'to.

"Wala naman. Kaya ba ganyan ka kaproblemado?"

"Mahihirapan na naman ako nitong maghanap ng sugar daddy, e," pagmamaktol niya at saka tinungga ang natitirang kape sa baso. "'Yung mga nakikita mong gamit dito, halos lahat 'yan ay sustento ng mga naging sugar daddy ko. Bibigay ko lang 'yung gusto nila, bibigay naman nila ang gusto ko. Ganoon umiikot ang mundo ko."

Napansin ko ngang madalas ay may bagong gamit si Emil. Hindi na rin naman kasi ako nag-aabalang magtanong pa sa kanya dahil may kaya naman ang pamilya niya.

"Pero kung titingnan, may trabaho ka naman. Part time nga lang bilang barista. Hindi ka naman na nag-aaral din. Wala ka namang pamilya na dapat buhayin. Bakit kaya hindi ka mag-settle sa isang stable job at itigil na 'yan?" suhestyon ko sa kanya.

Bumalik na naman siya sa kanina niyang ginagawa, malayo ang tingin at malalim ang iniisip.

"Alam mo, tama ka, e. Hindi naman kalakihan ang kinikita ko bilang barista dahil hindi naman sila nagbibigay ng full-time job. Pero, sa tingin ko kasi, hanggang dito lang talaga ako. Ang kaya ko lang gawin ay ibenta ang laman ko," aniya at saka mapait na tumawa.

"Graduate ka kaya," pagpapaalala ko.

Tinapik niya ako sa balikat. "Graduate nga, may laman ba 'to?" tanong niya at sabay turo sa ulo. "Hindi ako tatagal sa isang propesyon. Grumadweyt lang naman ako dahil kaya kong magbayad ng pera at katawan. Mahina ang utak ko pagdating d'yan. Ang alam ko lang ay kumambyo gabi-gabi para kumita. 'Yun naman na rin ang tingin sa akin ng pamilya ko."

Napailing na lang ako. Alam kong mababa talaga ang tingin niya sa sarili niya dahil na rin siguro, successful na ang mga kapatid niya kaya madalas siyang naikukumpara.

"Pero alam mo, hindi pa rin naman ako sumusuko maging mabuting tao, e. Hinihintay ko lang talaga 'yung tamang oras para maipagmalaki rin ng iba. Kaya ikaw, huwag kang susuko muna sa pagiging callboy, ha?" natatawa niyang sabi sa huli.

Maging ako, natawa rin sa turan niya.

"Seryoso kasi. Hindi ako nagbibiro. Kapag ikaw naging successful, taas noo mong ipagmalaki na naging callboy ka! Ta's hubo't hubad mong sasabihin 'yun para makita nila kung ano ba 'yung pinagmamalaki mo," pagbibiro pa niya.

Tama siya. May tamang oras para sa lahat. Kung hindi ngayon, baka bukas pwede na.

Pleasure For Hire (BoyXBoy)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα