Kabanata I: Ang Dilim ng Modernong Panahon

99 13 4
                                    

Dalawang Kaluluwang Ibiningit Sa Kamatayan

Ang pag-akyat sa unang palapag.

Pilipinas, 2015

"Kinginang buhay to!"

Galit na nagsisisigaw mula sa telepono ang kaibigan kong si Paulo. Hindi nanaman daw siya tinirhan ng ulam ng kaniyang ina bago ito pumasok sa trabaho. Eh pa'no, buong araw lang nakahilata sa namamanghi nitong kwarto.

Kulang na lang ay laplapin ang unan at buntisin ang higaan sa buong araw niyang pagpatong dito.

Sa aming magkakaibigan ay siya ang pinakabarumbado sa lahat. Mula pagkabata ay kung anu-anong kalokohan na ang nagpapaikot ng makina sa utak niyang si Paulo. Puro kabulastugan ang nasa isip kaya siguro'y hinayaan na lamang siya ng kanyang ina na huminto sa pag-aaral at maging tambay na lang sa buhay.

Mayroon itong mga kapatid ngunit hindi niya kilala dahil hindi naman niya nakakasama. Half-brother at half-sister kung tawagin dahil ang mga ito ay kapatid niya lamang sa ama mula sa ibang nitong pamilya.

Nakapag-asawa ang tatay niya ng mayamang babae sa China. Inaasar pa nga niya na mang-aagaw ang mga putang ching-chong na kabit at pamilya ng tatay nito. Bukod daw kasi pang-aagaw sa West Philippine Sea, pati pamilya inaagaw din nila.

Hindi niya tanggap ang sariling ama ngunit pinapadalhan pa rin ito ng pera para sa pag-aaral niya. Pero dahil nga nahinto sa pag-aaral, ang kanyang ina na lamang ang nakikinabang sa malalaking padala ng kaniyang ama. Pang gastos din daw kasi 'yun sa bahay.

"Alam mo pre, may kamay ka naman. Magprito ko na lang ng hotdog," sabat naman ng isa pa naming kaibigan na si Diego. Naka group call kami at nakikinig na lang ako sa kanila dahil nakakapagod magsalita kapag itong mga ulupong ang kausap mo. Kasama rin sa group call ang kaibigan naming si Reynald. Apat kaming magkakausap.

"Hotdog amputa! ikaw lang mahilig dun eh," sambit nito bago magpakalawa ng nakakalokong tawa.

"Gago!" sigaw ni Diego sa kanya bago namin tapusin ang usapan.

Simula pagkabata ay matalik na kaming magkakaibigang apat. Walang sinong nakapagtapos sa amin ng high school. Halos lahat kami puro kalokohan. Nagawa nga ni Diego na manigarilyo habang nagkaklase ang teacher namin. Kaming dalawa naman ni Reynald ay nakapagdala ng alak at nalasing sa school. Paano pa si Paulo na laging nanunuod ng porn at inaaya pa kaming magparaos nang sabay-sabay.

Nagawa na namin 'yun nung walang teacher sa isang subject namin. Pare-pareho kaming nagtungo sa banyo ng eskwelahan at tahimik na pumasok dito.

"Pre huwag ka ngang mag earphone hindi ako nililibugan!" sambit ni Reynald kay Paulo dahil sinosolo nito ang panunuod ng porn nung nasa banyo na kami.

"Gago maririnig tayo!" asik ni Paulo.

"Hinaan mo na lang tabi-tabi na lang tayo," sabat naman ni Reynald bago alisin ni Paulo ang pagkakasaksak ng earphones.

Si Paulo naman ang pinakamatagal labasan. Halatang hindi na tinatablan ng porn dahil inaaraw-araw ang panunuod.

Natawa na lang ako at napailing habang iniisip lahat ng kalokohan namin simula pagkabata hanggang ngayon. Nabaling ang atensyon ko nang makatanggap ako ng text message mula kay Paulo.

"Mga pre inom tayo"

Agad akong ginanahan nang mabasa ang text mula sa tropa.

Basta inuman, walang tanggihan.

Alas-singko ng hapon nang magpunta kami sa bahay nila Paulo. Hindi raw kasi uuwi ang mama niya kaya agad-agad nag-aya ang gago. Sabay na kaming nagpunta ni Reynald dahil kanina pa raw nakatengga doon si Diego. Kanina pa raw nagpapalaki ng bayag eh wala namang pumapalag.

Hacienda De IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon