Kabanata II: Ang Bayang Inakit

87 12 1
                                    

Puting Kalesa

Pilipinas, 1899

"Sigurado ka na ba sa iyong desisyon anak?" tanong ni Aling Rosa sa kaniyang unika hijo na si Pelisido.

"Sigurado na ho ako, Inay."

"Bakit mo naman naisipang makiisa sa plano ng mga Amerikano gayong hindi ka naman sigurado sa tunay nilang hangarin?"

"Alam ko ang hangarin nila, Inay. Alam kong bibigyan nila tayong mga Pilipino ng edukasyon lalo na sa hinahangad kong kaalamang pampulitika. Hindi lamang iyon dahil alam kong balang araw, sila ang sasagip sa'tin," sagot ni Pelisido sa ina.

Si Pelisido Guevarra ay mula sa mayamang angkan sa Binondo, Manila. Lumaki ito sa piling ng kaniyang ina-inahan na si Aling Rosa dahil sa isang kasong pampamilya. Binawi siya ng kaniyang tunay na mga magulang sa kabataang edad nito ngunit mas pinili nitong manatili sa piling ng nagpalaki sa kaniya na si Aling Rosa.

Madalang lamang ang pagbisita ni Pelisido sa kaniyang tunay na pamilya dahil sa galit na nakapaloob dito. Kadalasan lamang itong nagpapakita tuwing may pagsasalo o mahahalagang okasyon ang pamilya upang mapanatili pa rin ang koneksyon.

"Eh bakit hindi lahat ay kaanib ng iginigiit niyong magandang kalakaran ng mga Amerikano para sa Pilipinas?" nagtatakang tanong ni Aling Rosa sa kaniyang anak-anakan na tinuring na niyang tunay na kadugo, si Pelisido.

"Hindi kasi talaga lahat, Inay. Isang mahabang kuwento upang isalaysay sa inyo. Sige ho, magtutungo na ho ako sa merkado," tugon ng binata at humalik ito sa noo ng kaniyang ina sabay suot ng kaniyang salakot.

Sa panahon ng pananakop ng bansang Amerika, ginamitan nila ng sistemang pampulitika ang bansang Pilipinas. Ito ay ang patakaran ng pag-akit o policy of attraction. Inilalayon dito ng mga Amerikano na akitin ang mga pili na mga Pilipino; ang mga elite, partikular ay mga ilustrado na mas nais makipagtulungan sa bansang Estados Unidos o sa Espanya dahil sila ay mga rebolusyonaryo at hindi nakaanib sa Katipunan.

"Oh Sido ang aga natin ah," bati sa kaniya ng matalik nitong kaibigan na si Jepoy nang makarating ito sa merkado saktong alas-singko ng umaga. Dumaan muna ito kila Mang Kaloy upang bumili ng pandesal at mantikilya para may makain bago sumabak sa pagtatrabaho.

Ipinuwesto nito ang mga diyaryo na kailangan nilang ibenta ngayong araw. Ito ang kaniyang pinagkakakitaan tuwing lunes, miyerkules at sabado ng umaga. Kapag sumapit naman ang tanghali, nagtutungo si Pelisido sa puwesto ng kaniyang Tiya Marites upang tumulong naman sa pagbebenta ng mga sibuyas, bawang at iba pang gulay kapalit ng kanilang tanghalian.

"Kailangan ko itong mabenta nang maaga Jepoy, alam mo namang hinihintay ako ni ina tuwing sasapit ang tanghali," tugon ni Pelisido sa kaibigan.

"Nagtataka lang ako Sido. Mula ka naman sa mayamang angkan ngunit bakit nagpapakahirap ka pa ring kumayod?" tanong ni Jepoy kay Pelisido. Maari naman kasing humingi na lamang si Pelisido sa kaniyang mayamang pamilya ng salapi upang may makain sila sa pang araw-araw.

"Hindi na ako bata Jepoy. Alam mo namang laki ako sa hirap at mas sanay akong pinaghihirapan ang mga bagay bago ko makuha," tugon ni Pelisido sa kaibigan.

"At nahihirapan pa rin akong tanggapin ang ginawa nila sa'kin," dagdag ni Pelisido.

Setyembre, 1875

Hacienda De IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon