Kabanata VIII: Taksil ang Anak ng Punong Hukom

36 9 0
                                    

Kung Naniniwala Kang Pantay Ang Hustisya,
Hindi Ka Biktima

Pilipinas, 1882

Mayroong magandang naidudulot ang pagkakaroon ng matalik na kaibigan. Maaari ka nitong damayan sa bawat suliranin na iyong kinakaharap maging sa iyong pamilya, pananaw at sa mga pansariling problema ay magagawa nitong ihayag mo ang bumabagabag sa iyong isip. Sila ang apoy ng iyong kandila at sasamahan ka nila sa iyong dilim. Ngunit malalaman mo rin ang tunay nitong anyo kung ang pag-uusapan ay posisyon at kapangyarihan. Kung isa siyang hamak na suwail at handang sirain ang lahat para sa pansarili niyang kagustuhan.

"Santiago, natapos mo na ba ang iyong liham pamamaalam para sa iyong pamilya?" tanong ni Rene sa tinuturing niyang matalik na kaibigan.

Magkababata si Rene at Santiago sa loob ng mahabang panahon. Magkaiba man ang antas at mas mataas ang katayuan ni Santiago ay hindi ito naging hadlang sa pakikitungo nila sa isa't isa. Mula sa kilala at mayamang pamilya si Santiago. Ang kanilang angkan na kilalang Pamilya Alvarez ay sikat sa publiko gayong nagsisilbi ang pamilya nito sa gobyerno.

Ang kaniyang ama na si Don Juancho Alvarez ay nakapangasawa ng isang babaeng kastila dahilan upang mas mapabilis ang kanilang pag-angat. Nagkaroon sila ng limang supling at lahat ay ninanais ng Don at Donya Alvarez na magsilbi ito sa pamahalaan at pasukin ang pulitika. Ang magulong pulitika sa kamay ng mga Espanyol.

Si Rene naman ay anak ng isang magsasaka na si Mang Teodoro. Nag-iisa na lamang si Rene na natira sa piling ni Mang Teodoro dahil agad ding namatay ang kaniyang asawa na si Aling Teresa dahil sa panganganak nito. At ang kapatid naman ni Rene na lalaki ay ipinatapon sa malayong lugar dahil sa isang bintang na siya ay nagkasala sa batas kahit pa wala naman itong ginagawang mali.

Mahina na ang pangangatawan ni Mang Teodoro dahil na rin sa katandaan kaya't si Rene na lamang ang kumakayod para sa kaniyang ama. Aabot ang edad ni Mang Teodoro sa Patakarang Polo na inalalayon ng mga kastila. Sisenta-anyos na kasi ang ama ni Rene at bente-uno anyos naman ito.

Mahilig makiusisa si Rene sa mga usaping politika sa kadahilanang nais din nitong maglingkod sa bayan. Isa sa mga dahilan ay nais nitong ipaghiganti ang kapatid kahit pa abutin man ng ilang taon. Ang sakit at pagtataksil na kanilang naranasan ay walang kahit anong lunas kaya't pursigido si Rene na pasukin ang pulitika. Nais nitong maging abogado at ungkatin ang kaso ng kaniyang kapatid kahit pa ilang taon na ang nagdaan.

"Bakit ko naman gagawan ng liham pamamaalam ang aking pamilya gayong ligtas kami sa patakarang polo ng Espanya?" napagtanto ni Rene na hindi nga pala kasali ang Pamilya Alvarez sa patakarang polo dahil nagsisilbi ito sa gobyerno.

Ang mga mayayaman ay nakaliligtas sa patakarang polo sa pamamagitan ng pagbabayad ng falla o ang halagang ibinabayad sa pamahalaan para makaiwas sa polo.

Kinamuhian ng mga Pilipino ang patakarang ito dahil sa mga pang-aabusong konektado rito. Una ay ang mapuputing residente ng Espanyol ay hindi pinapasama ng mga awtoridad. Pangalawa, ayon sa batas ay makatatanggap ang mga Pilipinong manggagawa ng dalawang pesetas (50 sentimos) ngunit bahagi lamang ng halagang ito ang kanilang natatanggap. Ang masaklap ay wala pang natatanggang ang iba sa kabila ng kanilang paghihirap.

"Rene, nabalitaan kong nagpasa ka rin ng mga dokumento upang maging abogado at maging isang punong hukom," pagtatanong ni Santiago.

"Tama ka, Santiago. Alam ko kasing walang pagkakapantay ang pagpapatupad ng batas. Hindi pantay ang hustisya at para lamang ito sa mga mayayaman at may kapangyarihan," tugon ni Rene sa kaibigan.

Hacienda De IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon