Kabanata IV: Polo Y Servicios

103 10 6
                                    

Hanggang Sa Muli Nating Pagkikita

Pilipinas, 1883

At sa kabila ng pagsasakripisyo ng lalaki para sa kaniyang sinisinta, muling nagbunga ng supling ang pag-iibigan nina Danilo at Sara.

Ang wakas.

"Binibini, may nagpadala ho sa inyo ng sulat mula sa isang estranghero. Wala hong kahit anong pangalan na nakalagay bukod sa inyong ngalan," agad kong isinara ang binabasa kong aklat gayong tapos ko na rin naman ang kuwento. Dali-dali kong tinanggap ang liham sa aming kasambahay na si Cecilia.

"Bakit tila abot tainga ang inyong ngiti
Binibini?" pangingilatis ni Cecila sa akin.

"Huwag ka na lamang maingay Cecilia. Ilihim na lamang natin na galing ito sa pinakamamahal at iniibig kong lalaki sa buong kalawakan. Ang nagsilbi kong gasera sa madilim kong mundo," saad ko habang yakap-yakap ang liham ni ipinadala sa akin ni Orlando.

"Tila yata lumalawak ang inyong bukabularyo Binibini. Tunay ngang nahuhumaling na kayo sa Ginoong nagpapadala sa inyo ng liham. Ngunit bakit ayaw niyo ho itong ipabatid sa inyong mga magulang?" tanong sa akin ni Cecilia.

Sa aming tahanan ay si Cecilia lamang ang madalas kong nakakausap araw-araw. Hindi lamang isang kasambahay ang turing ko sa kaniya kundi isang matalik na kaibigan. Mas kilala niya ako kaysa sa aking mga magulang gayong puro negosyo at lupain lamang namin ang kanilang pinagtutuunan ng pansin.

"Hindi ko ito maaaring sabihin sa aking mga magulang, Cecilia. Iba si Lando. Alam kong hindi siya tanggap ni Ama o kahit pa ni Ina, kaya't lihim lamang ang aming pag-iibigan," saad ko sa kaniya nang may bahid na malumbay na tono.

Kasalukuyang malakas ang ulan noong gabi sa San Ildefonso. Hindi magkamaayaw ang kabayo ng kalesang aking sinasakyan na kahit pa ang kutsero ay hindi ito magawang pakalmahin.

Ang kutsero ay galing sa "cochero" na salitang Kastila na ang ibig sabihin ay carriage driver

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang kutsero ay galing sa "cochero" na salitang Kastila na ang ibig sabihin ay carriage driver.  Ito ay ang taong nagpapalakad ng kalesang hila ng kabayo. Sa Ingles, ito ay tinatawag na coachman.

Ako lamang ang lulan ng kalesang iyon at kung hindi titigil sa pagwawala ang kabayo ay baka mapahamak kami. Patuloy akong sinisigawan ng kutsero na tumalon na lamang ako kaysa mas lumala pa ang mangyari sa akin. Hinawi ko na ang kurtina at binuksan ang kalesa ngunit agad akong napahinto nang may palad na nakalahad sa aking harapan.

Bumungad sa akin ang lalaking basang-basa sa ulan at mabilis na pinapatakbo ang kabayo na kasalukuyan niyang sinasakyan. Inabot ko ang kaniyang palad at kasabay ng aking pagtalon ay marahas niya akong hinila pasakay sa kaniyang sinasakyang kabayo.

Akala ko ay mga kuwento sa aklat lamang nagaganap ang mga ganitong pangyayari ngunit ngayon ay ako na mismo ang nakararanas nito. Hindi naman ininda ang malalaking patak ng ulan at hinatid niya ako sa kanilang munting tahanan upang magpahinga bago ako ihatid sa amin.

Hacienda De IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon