Kabanata VII: PPP: Pamamalakad, Pera, Posisyon

32 9 1
                                    

Kung Paano Makipaglaro Ang Nangangampanyang Diyablo

Pilipinas, 2017

Di niyo ba naririnig?
Tinig ng bayan na galit
Himig ito ng Pilipinong
Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab

Napahinto ako sa pakikinig sa mga pilipinong sabay-sabay umaawit sa telebisyon mula sa balita ng kwatro-bente oras. Ayon sa balita ay sabay-sabay itong inawit ng mga tao sa pag-gunita ng International Human Rights Day 20174 sa Kartilya ng Katipunan Park o Heroes Park sa Manila. Tila may nais iparating at ipaglaban. Ngunit hindi na nabaling sa panunuod ng balita ang aking atensyon nang marinig ko ang boses ni Amorsolo este Tito Amorsolo.

"Susuportahan niyo ba ang Tito niyo pagdating ng halalan?" pabirong pagtatanong sa amin ng kapatid ni Papa na si Tito Amorsolo. Mahigit tatlong termino na ang pamumuno ng kaniyang pamilya pero wala akong maaninag na magandang resulta.

Matagal nang tinapos ni Papa at ng pamilya namin ang koneksyon namin sa kanila dahil alam namin ang baho ng pamilya nila Tito Amorsolo. Ngayon ay muli itong nakipag-ayos sa amin dahil malapit na ang halalan para sa susunod na Mayor. Muli nanamang nagbabanal banalan dahil mayroong kailangan.

Sa pagiging kampante sa pagtakbo at dahil siya na ang ikaapat na termino ng kanilang pamilya, hindi niya alam na makakalaban niya si Papa.

"Kilala mo na ba ang isa pang tatakbong Mayor, Amorsolo?" pagtatanong ni Mama sa kaniya habang naninigarilyo ito sa loob ng bahay namin. Halos magsuot na kaming magkakapatid ng face mask dahil sa usok ng sigarilyo ni Tito Amorsolo sa loob ng bahay.

"Alam mo, wala akong pake kung sino mang matapang ang kakalaban sa akin ngayon. Hindi mo ba nakikita? sunod-sunod na ang termino namin ng pagkapanalo sa halalan. Ako na ang napiling hahalili ngayon kaya't alam kong mababasura lang ang pagod ng kalaban ko," napailing na lang kami sa sobrang kahambugan ng suwail naming bisita. Nagtataka lang ako dahil hindi naman siya dito naninirahan pero bakit ang lakas ng loob niyang tumakbo para sa halalan.

"Kapatid mo ang makakalaban mo. Si Pablo, ang asawa ko," halos ubuhin na si Tito sa hinihithit niyang sigarilyo. Naalibadbaran ako. Ayoko talaga siyang tawagin na Tito. Normal na sa kanilang gumawa ng karumal-dumal na krimen at takpan ang kanilang pangalan sa publiko. Para sa posisyon at para sa pera.

"Puta?! Anong kalokohan 'to? Nasaan si Pablo?" pasigaw niyang sambit at agad umalis nang bahay. Lumabas at akala niya'y mahahanap niya si Papa. Lumitaw din ang talim ng sungay dahil akala niya'y magagamit niya muli ang pamilya namin sa botohan. Tumakbo si Papa para itama lahat ng maling pinaggagagawa nila Amorsolo.

Nakapatay na siya ng tao. Nakita kasi siya nitong gumagamit ng shabu. Walang ibang nakaaalam kundi ang pamilya namin. Ginawa niya 'yon para protektahan ang imahe niya sa publiko dahil nga sa halalan na 'to. Sa isang nakakaputang halalan para lang sa mga bulok na trapong gaya niya.

Kinabukasan, nagsimula na ang pangagampanya ng kani-kaniyang partido. Matagal na namin itong pinaghandaan nila Papa at malinis ang aming layunin. At katulad ng mga nakikita sa pangangampanya, samu't saring mga banderitas, pamaypay na karton, key chain, ballpen, tarpulin at kung anu-ano pang gamit ang may mukha at pangalan ni Papa kasama ng partido at numero nito sa balota.

Sumasabay din sa paligid ang pambansang alarm clock ng lahat tuwing may nangangampanya. Ang nakakaengganyong musikang naglalaman ng mga liriko ng pangalan ng kung sino ang tatakbo at kung anong layunin nito.

Nangangamba lamang ako dahil minsan, sa sobrang bulag ng mga Pilipino ay kung sino ay may magandang music campaign, iyon agad ang iboboto. Ang mga alam nilang patok sa masa gaya ng budots o kung anu-ano pa. Para sa kanila, kung anong ang kanilang nakikita, iyon agad ang paniniwalaan nila. Wala silang panahon para usisain at litisin nang maayos kung sino nga ba ang tumatakbo sa likod ng maskara nito.

Nag-init ang dugo ko nang mapansin ang partido nila Tito Amorsolo. Kahit saan ako lumingon ay makikita ko ang pagmumukha nito. Wanted ba 'to? sabagay, kung alam lang ng masa ang pinagagagawa niya ay wanted nga talaga siya. Masyadong malaki ang pinaggastusan nila para sa pangangampanya, halatang babawiin rin 'yung malaking pera kapag nanalo na sila.

Miyerkules.

Matapos ang maraming araw ng nakakapagod na pangangampanya ay magaganap na bukas ang botohan sa kung sinong susunod na mamahala dito. Nag-aya si Papa ng munting selebrasyon sa bahay bilang pagpapasalamat na rin dahil tapos na ang nakakapagod na pangangampanya. Magsisimula na sana kaming kumain nang biglang dumating si Tito Amorsolo sa bahay kasama ang dalawa nitong tauhan.

"Good evening my dear family! Pwede bang makisalo?" halos lahat kami ay masamid dahil sa tinuran niya.

"Anong kailangan mo, Amorsolo?" tugon ni Mama. Si Mama na lamang ang humarap sa kaniya dahil nakapagtataka ang biglaan nitong pagdating.

"Gusto ko lang batiin ang aking kapatid. Nasaan si Pablo? Alam niyo, kahit sino naman ang manalo sa amin. Basta para sa bayan." Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya't alam naman niyang alam namin lahat ng baho niya.

Natapos kaming kumain at nag-aya si Tito Amorsolo ng inuman kay Papa kasama ang dalawa nitong kasama. Kaunting alak lang daw at hindi ito magpapakalasing. Para lang daw makapagrelax sa nakakapagod na pangangampanya.

Nasa itaas na kaming lahat at naiwan silang apat sa baba. Pinapakisamahan na lamang ni Papa si Tito Amorsolo gayong nais ni Papa na hindi nito isipin na magkakumpitensya sila. Balak ko sanang gumamit ng banyo at tahimik akong bumaba ngunit napansin kong hindi na nila kasama si Papa. Marahil ay nasa banyo ito. Dahan-dahan akong sumilip sa sala at inusisa silang tatlo.

"Ano 'to boss?"

"Pagbalik ni Pablo, pasimple niyo 'tong ilagay sa bulsa niya habang nilalasing ko."

"Teka shabu 'to ah?"

"Alam ko gago ba kayo? Malamang ano ba sa tingin niyo?" bulong ni Tito Amorsolo at may inilabas itong silencer sa kaniyang bag.

"Anong plano niyo boss?"

"Patutumbahin natin 'yung kalaban."

Hacienda De IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon