Kabanata X: Ang Paborito Kong Pagtatapos

27 11 1
                                    

Hindi Bala ang Kumitil sa
Buhay ni Rizal

Sa sobrang pagkaburyo ay naisipan kong magbasa ng aklat. At hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto nito sa akin. Ilang oras, araw, taon, at dekada na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin maaninag ang kasiyahan ng damdamin ng bawat kabataan sa ating kasarinlan. Mataimtim ko itong binuklat at sinimulang basahin.

"Handa ka na bang umaming nalinlang ka na rin sa mapanghalinang aroma ng bayan?"

Delubyo.

Iyan ang kapalit ng paraiso.

Pinaghaharian ng banal-banalang aso at mga itim na santong kabayo.

Natatawa ako.

Umusbong ang mga patalim na hinasa sa nagbabagang apoy.
Lumikha ng sugat at umukit ng pagtataksil.
Itinago sa sisidlan ang tamang hinanaing at nagbunga naman sa lupa ang maling panunupil.

Ganyan ang kalakaran ng kawawang bayan sa kamay ng naghahari-harian. Ganyan mamuhay sa ugat ng punong sukdulan.
Hitik sa bunga at malaking pwersa ng pag-aalsa.

Malungkot na pagpatak ng araw,
tahimik na pagsikat ng ulan.

Bangis ng kapos-dugong sagupaan ay ang digmaan gamit ang nag-aalab na pluma ng bayaning hahatulan. Nang minsang lumagapak ang dugo sa lupa ng silangan at nang minsang tumusok ang patalim na bunga ng hidwaan. Hindi kailanman tatangis ang bawat katipunero kung hindi maghahari ang mananakop na mga diyablo. Hindi sila kailanman tatangis kung tayo ang naghahari sa sarili nating palasyo.

Dalawang panig ang nagsimula sa pakikipagsagupaan. May iilang indibidwal na may hawak ng watawat ng Timog Silangan.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Susugod na tayo.

Tumalima ang bawat hinasang elemento mula sa pugon na nagparamdam sa akin ng dagitab. Nanlupaypay ang sumasakdal at nagpupugay ang may watawat na sinasagisag. Ngunit sa kabila ng pagtatagumpay ay mayroong bayaning tahimik ang pagkilos. Tanging pagdampi ng pluma sa malasutla niyang papel ang tiyak na magpapatumba sa kalaban at magpapadausdos.

Isinigaw ng bawat Pilipino ang kalayaan ngunit papatay muna ang mga sumasakdal ng taong tahimik kung lumaban.

Siya ay nagngangalang Rizal. Ang bayaning tinagurian na ang kamatayan ay ang pagdaplis ng matalim na bala habang nakatapak sa Bagumbayan. Ngunit hindi ito ang tunay na pumatay sa kanya. Dahil ang nag-ugat sa kamatayan ng pambansang bayani ay ang balang itinanim mula sa mga inaluspitang mga salita, mga ritmong sintunado at mga kalakarang nakakaputa. Ang pinakamabangis na balang tumama rito ay hindi mula sa baril kundi mula sa panunupil ng naghahari-harian at ng mga taong nagpalason at nagpabago ng aroma sa kanilang isipan.

Ngunit kasabay ng kamatayang iyon ay nag-ugat naman ito ng maganda at paborito kong katapusan sa lahat. Ang katapusan ng paghahari ng bawat dayuhang nananakop at nagpapatiwalag sa kalakaran ng pamamahala. Ang katapusan ng pagtataksil at pag aalipusta ng mga ibang kulay ng dugo sa maharlika. Ayon nga sa winika ni Sen. Miriam Defensor Santiago sa aklat niyang Stupid is Forevermore, "Bare the accidents of life with dignity and grace, making the best of circumstances." Hayaan nating sumiklab ang nag-aalab nating damdamin sa paraang walang maling inaangkin. Ang bawat insendenteng sinadya man o hindi na ating naranasan ay matutugunan nang maayos kung may tamang sangkap ng katalinuhan at pananampalataya ang pamamaraan natin.

Isinara ko ang aklat at nanalangin nang mataimtim. Tahimik akong bumulong sa masarap na haplos ng hangin at sinabing,

Muli tayong uukit ng kataga, ngunit hindi na sa bato. Magtatanim ng ugat ng mga salita ngunit hindi na sa matitinis at sintunadong mga tono.

At itatala sa mga bituin ang paalalang dapat magnining.

Huwag hayaang maghari ang kasakiman, katalinuhan ang dapat maghari sa lupa natin.

Hacienda De IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon