Prologue

48 4 2
                                    

Prologue

Kasing gulo ng kwarto ko ang gulong gulo kong utak. Kaonti nalang ata ay masisiraan na ako ng bait. Ang naka bun kong buhok ay literal na messy.


Ang mga canvas na blangko at may kulay ay nagka halo halo na. Ang mga paint brush na kung noon ay naka organize base sa laki at kapal, ngayon ay nakalapat na sa sahig at halos hindi ko na alam kung ano ang dapat gamitin.


Ang napaka puti kong damit ngayon ay nagmistulang canvas na pinuno ng kulay. Ang mga paint na dapat ay nakalagay sa canvas, ngayon ay nagkalat sa aking noo, pisngi, braso at kamay.


Hindi alintana ang pagod at pawis na nagpapalagkit sa aking balat. Mga matang gusto nang pumikit para maka pag isip ay nanatiling bukas.


Kung noon ay mas gugustuhin kong matulog kesa magpinta, ngayon ako ay takot na. Hindi ko lubusang maisip na tuwing kailangan kong matulog ay kailangan ko pang makaramdam ng takot at kaba.


Takot na baka bumalik na naman ako sa lugar at panahon kung saan ay matagal nang nagdaan. Takot na baka ilang araw nanaman bago ako maka balik sa realidad.


Realidad na kahit ako ay hindi mapaliwanag kung ako pa rin ba ang may ari ng aking katawan, utak at kaluluwa.


Pero unti unti ko nang naiintindihan ang nangyayari. Alam kong tanging ako lang ang makakapag alis sa aking sitwasyon at mabalik ang dating tahimik kong buhay.


Ngayon ko naintindihan ang sinasabi nilang may sarili tayong demonyo.


At sa atin nakasalalay kung paano natin ito tatalunin upang gawin ang tama. Labag man sa kalooban, sa pangalawang pagkakataon ay kailangan ko pa ring sundin ang nakatadhana.


Ngunit mananatili at mag tatagal ang tinta ng nakaraan sa aking puso at isipan.


+++++

Leave a comment or message guys. I would really appreciate it.

J.N.L

@janelle_haven

Strokes of the Past {On-going}Where stories live. Discover now