Kabanata 1

33 3 5
                                    

Kabanata 1

" Ok class, tomorrow is Saturday for sure alam niyo na.." hinid na namin pinatapos ang prof namin sa pag sasalita dahil talagang alam na alam na naming ang susunod niyang sasabihin.


" Fill in the canvas!" sabay- sabay na putol namin dito na siya naming ikinatawa niya.


Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng classroom nahinto lamang ng mapatingin ako sa orasan. 11:29


Shems! kaya naman pala gutom na gutom na ako.


Kanya- kanyang ligpit na ang lahat ng kaklase ko kaya naman sinimulan ko na ring ayusin ang mga paint brush ko. Nubayan! gigil na pinulot ko ang dalawang piraso ng lapis na nahulog ko.


"Birthday girl! San tayo?" ani Tanja habang inaabot sa akin ang lapis ko.


"Sa susunod nalang tayo gumala Tan, uwi kaming Pila ngayon eh" nilagay ko na sa bag ang canvas ko.


Ano nanaman kaya ang ip-paint ko?


"Tsk! Happy Birth day nga pala" saby yakap sa akin nito. Halos siya nga ang pinaka unang bumati sa akin eh!


Madaling araw ng binati niya ako kanina!


"Siya sige una na ako, diyan na si bebe ko" umiling nalang ako habang tumatawa, dali- dali na itong lumabas at..ugh! kitang kita ko pa ang paghalik nito sa labi ng jowa niya.


"Eleanor Gualtierre" halos malaglag ang bag ko sa gulat.


Di ko man lang namalayan na di pa pala umaalis si Prof sa classroom.


" Prof, 'diyan pa pala kayo" umayos ako ng tayo at hinarap ang prof.


Bata pa naman si Prof. Alvarez, mga nasa early 30's, makisig at yung dimples niya mga besh!

Take note: SINGLE!


tumango ito at ngumiti. " Ang gaganda ng mga plates mo, kaya naman mataas ang expectations ko sa gagawin mo"


Awit naman! Eh halos wala na nga akong maisip eh.


"Bakit kasi malayang pag pinta ang balak mo Prof, wala akong maiisip" hilaw na ngiti ang ibinigay ko rito.


Umiling ito at nag kibit balikat sa aking harapan at nilagpasan na ako.


Sarap hampasin ng canvas si Prof! Pasalamat siya gwapo siya Hmp! Ako nalang pala ang natitira ditto.


Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, huling taon ko na ditto sa UST, di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi pero at least matatapos na ang kalbaryo ko.


Paglabas ng Beato bldg. dali dali kong hinanap ang sasakyan ko sa parking at nag drive pa uwi dahil sobrang init ng panahon! Parang katabi lang ng Pilipinas ang araw ah.


" Hon, narito na ang birthday girl!" dinig kong sigaw ni mommy mula sa loob ng bahay.


"Hi, my" humalik ako sa pisngi nito at siya ring ginawa niya.


Kinuha niya ang ilan sa mga bitbit ko at hinila na ako sa dining.


"Hindi naman halatang gutom ka niyan Eleanor" humalik si daddy sa pisngi ko mula sa aking likuran dahil busy na ako sa mga hinanda ni mommy.


Ngumiti lang ako ditto bilang tugon dahil punong puno ng pagkain ang bibig ko. Sabi ko naman eh gutom ako.


Umupo na si dad sa pwesto niya hbanag katapat ko naman si mom na inaasikaso ang kakainin ni daddy.


"It's November 29 and my baby is already 22 years old" malungkot na sbi ni mom habang nakatingin sa akin.


Hinawakan naman ni dad ang kamay niya. " Ang tanda mo na iha" sabay sabi nito.


Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni daddy, how dare he! Natawa naman ang dalawa dahil sa nagging reaction ko


"Dzuh! kahit papaano baby face pa rin ako!" sabay subo ng chicken curry.


Naligo muna ako at nag ayos bago ako bumaba, simpleng plain white shirt at maong shorts lang suot ko pinarisan na rin ng rubber shoes. Dala ko ang konting damit para sa dalawang araw na stay naming sa Pila, Laguna.


"Nasa sasakyan na ang mga gamit mo, baby" ani ni dad, tukoy sa mga paint brush at canvas.


Kahit papaano kailangan kong tapusin ang pinapagawa ni prof na kailangang ipasa sa Monday. Goodness gracious! wala pa rin akong maisip na ipinta.


Sana naman makatulong sa akin ang sariwang hangin sa Laguna at mag ragasa lahat ng ideas sa utak ko mamaya agad- agad!


Si daddy ang mag mamaneho kaya sa nasa shot gun seat si mommy habang solong solo ko naman ang back seat.


" My, bakit kailangan sa Laguna pa tayo mag celebrate ng birthday ko?" matagal- tagal na rin kasi mula ng naka bisita ako doon kahit na mahigit dalawang oras lang naman ang biyahe mula Manila hanggang Pila.


"Baby, gusto ka nang makita ng lolo mo and don't worry andun naman ang mga pinsan mo" si daddy na ang sumagot. Tumango-tango nalang ako bilang tugon.


Sinalampak ko ang earphones ko sa aking tainga. Almost two hours din ang biyahe kaya mag rerelax muna ako.Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang..


Damn! ngayon ko lang na realize. Andon ang mga pinsan ko! Shems, wala naman din akong makaka usap doon dahil lahat ng mga pinsan ko lalaki!


I just let out a big sigh.


It's just me, my paint brush and my canvas.


+++++

Leave a comment or message guy. I would really appreciate it.

J.N.L

@janelle_haven

Strokes of the Past {On-going}Where stories live. Discover now