Kabanata 4

14 1 0
                                    

Kabanata 4

" O siya, nang tayo ay makapag almusal na. Eleanor, Ako ay ang iyong ina na nagngangalang Elvira at ang ama mo naman na kaslukuyang naka upo sa ating tapat ay si Emanuel Gualtierre" sabi ni Elvira na nasa tabi ko habang tinuturo pa ang sarili at yung ama ko raw!

"At ako naman ang iyong napaka kisig na naka tatandang kapatid, Aquiles Gualtierre ang ngalan Binibini" yumuko pa ito upang mag bigay galang.

"Camila Gualtierre, ang iyong napa kagandang ate" pakilala rin ni Camila.

Tumayo na yung Emanuel. "Tayo ay mag almusal na!Huwag ka nang mag ayos Eleanor nang tayo ay makakain na"

Sumunod namang tumayo yung Elvira at tumango. "Masamang pag hintayin ang grasya"

Tinapik ni Aquiles ang balikat ko at sumunod na sa mag asawa. "Hali na, Eleanor. Sigurado akong nagugutom ka lamang" inalalayan pa ako ni Camila hanggang sa makarating kami sa hapag.

I'm going crazy!

This is crazy!

Pag kumain ba ako ay babalik na ang lahat sa dati?

Nasa gitnang upuan si Mr. Emanuel nasa kanan naman nito ay ang asawa na si Mrs. Elvira na katabi ko. SA tapat ko ay si Camila habang katapat ni Mrs. Elvira si Aquiles. Ganito ang set up naming ngayon habang may lugaw o champorado at isdang tuyo? sa hapag.

"Eleanor, iyong pangunahan ang pagdarasal"

Literal na lumaki yung mata ko sa narinig. Shems! ako?! Bless us Oh Lord ba 'to?

Hinawakan ni Mrs. Elvira ang left hand ko at inabot naman ni Camila ang right. So in short magkahawak kamay kaming lima ngayon.Pinisil ni Mrs. Elvira ang kamay ko kaya nilingon ko siya with a big question mark on my face!

Umiling ito at napa hinga pa ng malalim. Ano ba ang gagawin ko? "Pangunahan mo ang pagdadasal, Eleanor" mahinang sabi niya.

Oh! Paano na to?!

Wait! Anong taon na ba ngayon? American period na ba? Pwede na ba ang Bless us O Lord? Pinikit ko ang mata ko total naka pikit naman din ang mga mata nila.

Sinimulan ko na ang Grace...

"Amen" sabi ko sabay bitaw sa kamay nila.

"Nasaan ang dasal, Eleanor?" tanong ni Mrs. Elvira na halos natulala pa ata sa ginawa ko.

Siyempre nagdasal ako pero sa utak ko lang. Play safe tayo! Konti na nga lang ay masisiraan na ako ng bait sa nangyayari. Halos wala man lang time intervention para maka pag isip ako at maklaro ang lahat, tapos kakain nalang kami bigla at ako pa ang pinagdadasal!

Aba! Hindi tama yun.

"Silent prayer" kibit balikat na sagot ko.

"Silent?..."umiling nalang ito at pinagsilbihan na kaming lahat.

I need to think of something. May nabasa na ako na ganitong libro pero Gosh! Hindi naman totoo ang ganun! Mamaya, mag tutuos kami ni Camila. Kailangan ko nang sagot sa lahat ng tanong na nasa utak ko. Awit naman! ang daming tanong sa utak ko pero kahapon halos wala akong mapinta!

Nilagyan na ng champorado ang plato ko. Tahimik ang lahat habang kumakain, kaya sinuri ko lang bawat galaw nila. Ngayon ko lang rin napansin na naka baro't saya sina Mrs. Elvira at Camila habang naka long sleeved polo naman ang mga lalaki. Tapos ako naka daster!

Matapos kumain ay tumakbo ako agad paakyat ng kwarto ko. Tinawag pa nila ako pero walang makakapigil sa akin. Sinara ko ang pinto pero di ko ni lock.

Halos i-umpog ko ang ulo ko sa pinto. Naiwan si Camila! I'm left with nothing, ginulo ko ang kwarto para mag hanap ng calendar at hindi naman ako nabigo.

1897?!

November 30, 1897?!

Naka bilog na pula pa ang November 29 sa calendar ibig sabihin kahapon... Celebration raw sabi ni Mr. Emanuel.

Celebration

November 29

Bente uno? 21

Birthday kahapon? Pero 21 daw ang sabi ni Camila. I was 22 yesterday, now I'm 21?!

Who is this, really! Pero pag tingin ko sa salamin ako naman ito. Si Eleanor Gualtierre, kamukhang kamukha ko. At tama! Gualtierre din ang apelyido ng pamilya sa baba. So ano yun? Ninuno ganern?!

Hindi ko na alam kung anong oras na pero wala pa akong ligo pero okay lang hindi naman masyadong mainit. No matter how much I want to roam around, hindi ko magawa dahil wala akong ka ide ideya kung ano ang nagyayari.

Binuksan ko ang pinto para malaman kung sino ang kumatok. Lord! mahal mo talaga ako.

Bigla ko nalang hinila si Camila papasok at dali daling pina upo sa kama habang katapat niya ako. This is it!

"H..Hindi ka pa ba maliligo, Eleanor? Balak mo bang mag suot ng pantulog hanggang mamaya?"

No! Wala akong pake kung mabaho ako o dugyutin sa paningin niya. I need answers!

"Camila, magtatapat ako sa iyo" sinserong panimula ko. Hinawakan ko pa ang dalawang kamay niya para talagang maniwala siya sa revelation ko.

Tumango ito. "Hindi ako si Eleanor" Teka, para naming mali! Ako si Eleanor pero hindi ako si Eleanor?

"Ganoon ba?" tuma tango tango pang tanong niya. OMG! na realize niya na ba? Naniniwala na ba siya?

"Oo! Uhm... Eleanor ang pangalan ko pero hindi ako ang Eleanor na ito! Hindi mo ako kapatid, hindi ako kasam sa pamilyang ito" desperadang sagot ko.

Kailangan niyang maniwala!

"Kung ganoon... Ikaw si Eleanor na tiyahin ko" seryoso man ang itsura halata naming nag pipigil siya ng tawa!

Aba, Loko to ah!

Hindi na nga niya napigilan ang tawa at talagang napahiga pa siya sa kama. "Oh! Tiya Eleanor, bakit nga ba kayo narito?" biro niya pa kahit hirap na hirap nang magsalita dahil sa kakatawa.

"Camila! maniwala ka!" napatayo na ako sa inis pero 'lang ho! tumatawa pa rin.

Sana all, kayang tumawa!

"Oo ito na at ako'y maniniwala na sa iyong kabalbalan" Pinakalma niya ang sarili. "Ngunit iyo nang itigil ito Eleanor kung hindi ay iisipin kong sinasapian ka nang demonyo"

Demonyo?! The guts!

Nakakapagod mag explain! Fine, I will not prove her about my personality. Pero kailangang malaman ko ang nangyayari.

"Ok, fine ganito nalang..." I walked back and forth in front of Camila para maka pag isip ng palusot.

"Iyo ngang itigil ang iyong ginagawa, Eleanor at ako ay nahihilo sa iyo" suway niya. OK!

"Ganito Camila... Sabihin nating nag ka amnesia ako tapos.."

"Amnesia? Aking napapansin ang mga lenggwaheng namumutawi sa iyong bibig Eleanor at sinasabi ko na sa iyo. Wala akong naiintidihan sa iyong mga pinagsasabi"

Of course! based on the calendar it is still 1897, which means Philippines is still under the Spanish period. Hindi pa nila alam ang salitang Ingles. Oh well! Next year 1898, may mga Americano nanamang darating sa PIlipinas. The guts!

+++++

J.N.L

@janelle_haven

Strokes of the Past {On-going}Where stories live. Discover now