Kabanata 3

22 1 1
                                    

Kabanata 3


Dahan- dahan kong nilibot ang paningin sa kwarto ko. Hindi! hindi ganto ang ayos ng kwarto ko. kahapon lang ay halos higaan at cabinet lang ang laman nito pero bat ngayon ang daming abubot?!

At may pa kurtina pa sa paligid ng higaan ko!

Ang cabinet! Nilapitan ko ang cabinet na luma ang itsura, inopen ko ito.

Kanino to?! Ano to?!

Baro at saya? Maria Clara?

Pabagsak kong sinara ang pinto ng cabinet. Parang baliw akong tumatawa hanggang sa maka upo ako sa higaan.

Of course! A dream. This is just a dream!

Nagtalukbong ako ng kumot at madiin na pinikit ang mga mata. 1,2,3! Tinanggal ko ang kumat at ganun pa rin ang itsura ng paligid!

huhuhuhu! Help me. What is this? What is happening to the world?

"Mommy, daddy" umiiyak na sambit ko.

Tama!

"Mommy! Daddy!" binuksan ko ang pinto ng kwarto at talagang hindi ako tumigil sa katatawag kina mommy hanggang sa makababa na ako ng hagdan.


"Mommy!"

Ok na sana eh! nakababa na ako at ngayon ay nakatayo sa sala pero iba ang natanaw ko sa dining. Dalawang babae at dalawang lalake. Ang isa sa lalake at babae ay may ka edaran na samatalang ang dalawa ay medyo bata pa.

At yung isang babae, yun yung pumasok sa kwarto ko kanina!

"Eleanor?... Camila, diba't sabi ko ay gisingin mo ang iyong kapatid upang mag ayos at nang tayo ay maka pag umagahan na?" tanong nung medyo may edad na babae.

"Ina, iyon naman po ang aking ginawa" magalang na sagot naman nung babaeng pumasok sa kwarto ko kanina, Camila ata ang pangalan base sa tawag sa kanya.

"Kung gayon, tayo ay mag agahan na" sabi naman ng may ka edaran na lalake at tumalikod na para dumiretso sa hapag.

What's wrong with their accent?!

Bakit ganyan sila magsalita?

At ina? Kapatid? Ako? Eleanor kapatid nung babae?!

Dzuh! Only daughter kaya ako!

OK! breathe in, breathe out. Breathe in...

"AHHHHH!" malakas na sigaw ko habang tinatakbo ang daan palabas ng bahay ni Lolo!

Hindi ako huminto kaka sigaw kahit na nakita ko ang fountain sa harap ng bulawagan ng bahay ni lolo na gumagana, eh hindi nanaman yung nag lalabas ng tubig ah!

Tumakbo lang ako, bahala na! Pero ang lawak naman ata ng bakuran ni lolo ngayon?! At totoo ba itong nakikita ko? May pa garden of roses pa! Eh wala naman akong maalalang ganyan ah!

Huminto ako sa kakatakbo. Nasaan ang gate? Bakit wala na yung gate ni Lolo?!

"Eleanor, anak! Mag hunos dili ka, ano ba ang iyong sinisigaw?" hinawakan ng babaeng may edad ang braso ko at inayos ang buhok ko.

"Ano ba ang kabalbalang iyong ginagawa Eleanor? Tignan mo ang iyong suot baka Makita ka ng mga trabahador!" bulyaw naman nitong medyo bata na lalaki, habang sinusuot sa akin ang... Ano to? Cardigan?

"Aquiles, huwag mo nang sermonan ang iyong kapatid. TAyo ay bumalik na sa loob" suway naman nung babaeng may edad.

Aquiles? Kapatid nanaman?

What is going on, really?!

Nagpadala nalang ako sa hila ng dalawa hanggang sa maka pasok kami sa loob ng bahay ni lolo. Pina upo ako nito sa sofa, habang yung Camila ay may dalang tea cup palapit sa amin.

Nilibot ko pa ang paningin ko at na ubatan ang nag tatakang tingin ng may edad na lalaki sa akin.

"Ito, inumin mo ang tsaa Eleanor upang kumalma ka" sabay bigay ni Camila sa akin ng tea cup.

Nag dadalawang isip kung tatanggapin ko ba yun. Baka may lason pa yun! Siya na mismo ang nag lagay ng tea cup sa kamay ko. At hindi ko ipagkakaila ang bango ng tsaa, in fairness!

"Inumin mo na Eleanor" sabi nung Aquiles na naka tayo sa gilid ko.

Tumango ako at dahan dahang nilapit ang tea cup sa bibig ko. Hmm... Ok lang naman pero di pa rin ako kumakalma! Ilang minute pa akong tinitigan ng apat kaya nag lakas loob na akong mag tanong.

"Who are you guys?" seryosong tanong ko sa mga ito. Sige, hindi ko itatanggi I have a feeling na sina unang panahon 'to pero sa tanda kong to hindi ako maniniwala na nag time travel ako! Dahil isang malaking imposible.

"Sino ba kayo?" ayan! tinagalog ko na para mag kaintindihan kami.

Mga 2 seconds siguro silang nag lag bago tumawa. Tumatawa nga ang dalawang babae pero ang hinhin pa rin habang ang dalawa namang lalaki ay napapa iling. Nahihiya naman ang tawa ko sa mga 'to!

"Ano bang nakaka tawa?" naka pout na tanong ko sa mga ito. Kahit papano hindi pwede masira ang reputasyon ko!

Dapat cute lang in times of disaster.

"Ikaw ba ay lubusang napagod sa handaang ginanap kagabi, Eleanor?" tanong nung may edad na lalaki sabay higop sa tsaa nito.

Naka upo ito sa tapat ko katabi yung Camila habang yung Aquiles at may edad na babae nasa mag kabilang tabi ko. May lamesa sa pagitan naming na de kahoy pero kamangha mangha naman ang disenyo. Hawak ng may edad na babae ang right hand ko habang naka ngiting tumitingin sa akin.

Yung Aquiles naman ay nag pipigil ng tawa sa tabi ko.

"Handaan?" teka!

Tama birthday ko kahapon, tapos nag celebrate kami kagabi! Napagod ba ako? Peron aka pag outline pa ako kagabi diba?

Yung outline!

Nilingon ko yung Aquiles at walang hiyang hinawakan ang mukha niya para Makita ko ang kabuuan nito. Pero hindi niya kamukha! Mapungay din ang mata at matangos ang ilong nitong Aquiles pero hindi siya yung nasa canvas.

"Eleanor, bente uno ka na at ngayon ka pa nagbalak na mag laro" nakangiting sabi nung Camila.

Tinaasan ako ng kilay ni Aquiles kaya tinanggal ko ang kamay ko sa mukha niya. At talagang nag taka ako sa sinabi ni Camila.

Bente uno? 21?! Yesterday was my 22nd birthday!


+++++

Leave a comment or message guys. I would really appreciate it.

J.N.L

@janelle_haven

Strokes of the Past {On-going}Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora