Kabanata 2

24 2 0
                                    

Disclaimer: Ang mga pangalan, karakter, pangyayari at ibang lugar na nabanggit sa istorya ay parte lamang ng imahinasyon ng author.

May mga lugar at pangyayari na binase sa history ng Pilipinas ngunit pinigyan naman ng eksplenasyon ng bida.

P.S mispelled words are everywhere dahil hindi ko pa na proofread ang story.

ENJOY

+++++

Kabanata 2

Psh! waley ang two hours ko. Di na nga ako naka tulog, di pa ako naka isip ng ipipinta. We have arrived to our ancestral house already.


Tiningala ko ang bahay ni lolo at talaga nga namang ang tibay nito. I don't even know how many decades or centruries itong nakatayo. Wala din namang pinapabago si lolo sa bahay, maybe to maintain its elegant-vintage look.


Nauna nang pumasok sina mommmy at daddy. Mula sa bulwagan ng bahay ay tinanaw ko ang gate na hindi naman kalayuan, medyo malawak ang bakuran ng bahay na ito at may fountain pa nga sa tapat nitong bulawagan eh.


" Elton, asan na ang aking apo?" I pouted as I heard my lolo talking to my dad.


Nakangiti akong pumasok sa bahay. " Andiy... Oh! ayan na pa" sabay turo ni dad sa akin.


" Hi lolo!" agad akong lumapit ditto at niyakap. May edad na si lolo pero nakakapag lakad pa rin naman.


Hinalikan nito ang no ko. "Happy birthday, iha" mahinang bati nito habang naka ngiti.


Isa-isa na rin akong binati ng mga pinsan, kaya naman puro salamat lang ang maririnig mo sa bibig ko.


At gaya nga ng sabi ko ay puro lalaki ang naka palibot sa akin ngayon, tanging mga tita ko lang at si mommy ang babae.


Ewan ko nga ba pero ako lang ang nag iisang babae sa pamilya na ito. Simula pa daw sa ninuno nina dad puro lalaki na ang mga anak at nag tuloy-tuloy na. Kaya laking tuwa daw nila nung ipinangak akong babae. I'm the queen of the Gualtierre, char!


Matapos naming ilagay ni mommy ang mga gamit namin sa sariling kwarto. Oo, may sarili akong kwarto ditto samantalang yung mga pinsan ko naman ay sama sama na sa iba pang silid. Inayos ko na rin ang canvas ko sa stand niya malapit sa bintana para makahanap ng inspirasyon.


"iha?" kasabay nito ay ang katok mula sa labas ng silid.


Dali-dali ko itong binuksan. "Lolo, may kailangan po ba kayo?"


Marahan nitong hinawakan ang kamay ko. "Halika, samahan mo ako" Well, wala naman akong gagwin kaya sumama nalang ako.


Umakayat kami sa ikatlong palapag. Hinid naman ito ang unang akyat ko ditto pero parang iba ang hatak ng palapag sa akin.


Mayroon lamang itong isang pinto at napapaligiran na ng mga pictures at ang iba ay mga self portraits paintings ng mga ninuno.


Tuloy- tuloy lamang akong hinila ni lolo papasok sa silid at talaga naming namangha ako sa mga nakikita ko.

Strokes of the Past {On-going}Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt