Kabanata 7

7 1 0
                                    

Enjoy reading the story guys. keep safe and have a nice Sunday!

-love Eleanor

Kabanata 7

Parang tangang naka ngiti yung babae kahit paalis na sila ng pamilya nila. Kaya ako naman chinika na ang kapatid. "Sino yung mga yun, Ate Camila?" mahinang tanong ko rito.

Nasa loob na kami ng karwahe at nasa tapat parin naka upo si kuya Aquiles pero naka tingin lang ito sa bintana sa kaliwa niya. Nanliliit ang mga mata ko tuwing napapatingin ako sa kanya. Naiintriga kasi ako sa kanila ni ate girl.

"Maari ko bang malaman kung ano-ano ang iyong mga nakain noong nagdaang gabi at nagiging makalimutin ka?" medyo gigil na si Ate Camila!

Niyakap ko ang braso niya at pinatong ko ang baba sa balikat niya para maglambing.

"Ang pamilya Alvaro. Nakakapag taka nga ang hindi pagdalo ni ginoong Alejandro sa misa" sumuko nga si Ate Camila pero kulang naman ang information. Ma try nga si kuya Aquiles.

"Kuya Aquiles, nagustuhan mo ba yung mga binurda ni ate girl?"

Ngayon palang gusto ko nang kutusan ang sarili ko dahil sa sinabi. Ni hindi ko nga alam kung nakuha nga niya talaga ang mga binurda na pinabibigay ni ate girl.

Medyo nagulat pa si kuya Aquiles sa tanong ko. Hmm..Fishy! "Ha? Ah... Oo, akin ngang nakaligtaan na pasalamatan ang binibining Athalia" sabay iwas tingin ang lover boy!

So Athalia pala. Athalia Alvaro, kaibigan ni Eleanor from the past at kinahuhumalingan ni kuya Aquiles!

Hinid pa rin kulang pa rin ang information! Bumaba kami ng karwahe ng makarating na sa bahay nila. Kaya dumikit dikit muna ako kay kuya Aquiles. Nagulat pa nga siya dahil talagang sumama ako hanggang sa loob ng kwarto niya.

"May maipaglilingkod ba ako kapatid?" taking tanong nito.

Tinignan ko ang buong kwarto niya at malinis. Umiling-iling ako at humingang malalim. Sorry Athalia, I need to do this.

"Ang ganda nung kapatid ni Athalia kuya no? mukhang mayaman ang pamilya nila"

Sumandig ito sa opening nung bintana niya habang nakatingin sa akin. Pinag krus niya rin ang kamay sa dibdib. At base sa kunot ng noo niya may iniisip siya.

"Isa ang mga Alvaro sa mayamang pamilya sa probinsiyang ito, Eleanor. At hindi ko maitatanggi ang kagandahang taglay ni binibining Ariella ngunit mas litaw pa rin ang ganda ng binibining may bukal na kalooban, Eleanor. Iyong pakatatandaan iyan"

Tumango ako at nag paalam na. So mabait yung Athalia then yung Ariella demonyita? Ang judgemental naman!

Excited na akong matulog sobra! Baka lang kasi paggising ko bukas wala na ako ditto. So kumuha ako ng blankong canvas na nadito lang din sa loob ng kwarto. Marunong rin daw kasi si Eleanor mag paint at hobby niya nga raw ito maliban pa sa pagsasayaw, pampalipas oras niya ito.

Nilagay ko ang canvas malapit sa bintana at sinimulan ko nang I outline yung mukha nung lalaki sa palengke. Minuto lang ang ginugol ko at natapos na rin. Sandali ko munang nilingon ang view sa labas. Open kasi ang bintana ditto kasi malamig ang simoy ng hangin at sariwang sariwa hindi tulad sa panahon ko o sa realidad na polluted na.

Naalala ko kanina habang nasa dinner kami talagang tinitigan ko ang mag asawang Gualtierre. Hindi naman nila kamukha sina mommy at daddy kaya na stress ako kung bakit mag ka mukha kami nung Eleanor na anak nila. Siguro nga may mga kamukha talaga tayo sa mundong ito.

Hawig ko kasi si mommy at tulad ko litaw ang pag ka mestiza namin dahil din sa lahing espanyol. Si daddy naman sa mga ninuno niya pa ang dugong espanyol.

Nang naramdaman ko na ang antok humiga na ako sa kama. At tulad nung gabing iyon tinanaw ko mula rito ang canvas.

"Ate Camila!" I screamed my lungs out dahil ang kupad kumilos nung isa.Naka bihis na ako't lahat at handang handa nang umalis. Yung isa nag Cr pa ata!

Wa epek ang ginawa ko! Andito pa rin ako. Kaya I decided na isama si Ate Camila sa investigation ko. Pupunta kami ngayon sa palengke kung saan ko nakita yung lalake kahapon.

Katulad kahapon ay isang magarang baro't saya ang suot ko with matching paypay at kasama na rin ang sketchpad ko. Dinrawing ko kasi yung lalaki para may maipakita ako sa mga tao sa paghahanap ko.

Pumayag naman ang mga magulang namin sa lakad namin. Maliban kay kuya Aquiles na gusto pa atang sumama buti nalang sinama siya ni Don Emanuel sa munisipyo. Simula kanina sinimulan ko nang tawaging ama at ina ang mag asawang Gualtierre. Baka ma shookt pa pag Don at Donya ang tawag ko.

Halos mabali na ang leeg ko kakalingon ditto sa palengke. "Ano naman ba ang iyong pakay Eleanor?" kanina pa tanong ng tanong to si Ate Camila parang sirang plaka. Well, hindi ko rin naman siya sinasagot.

"Basta! Mag tingin tingin ka nalang diyan. Babalikan kita dito" iniwan ko na siya doon sa shop na puro palamuti sa katawan. Ang hirap niya kasing kasama kailangan pang hilain.

Binalikan ko yung part kung saan ko nakita yung lalaki kahapon.

Dito!

Puro isda naman ang binebenta rito. Tinignan ko lahat ng mga lalaking nagkakarga ng boxes at kung ano ano pa pero waley siya!

"Excu... Maaari bang mag tanong?" tawag ko sa matandang nag titinda ng isda.

"Binibini, Ikaw ba ay ang nakababatang anak ng Don Gualtierre?" Tumango nalang ako bilang sagot.

Binuksan ko ang notebook na hawak ko at pinakita na sa kanya ang drawing. "Kilala niyo po ba ito?"Pinaka titigan niyang mabuti yung drawing at ngumiti.

"Ang ginoo. Si ginoong Alejandro ang iyong hinahanap binibini" medyo nagtataka pa yung itsura niya.

"Saan ko siya makikita?" nag uumapaw ang tuwa ko! OMG. Tinuro niya ang gawing kanan.

Ayun nga siya! Nakangiti pa ito akala mo nangangandidato. Matapos mag pasalamat walang pag dadalawang isip na lumapit na ako doon. Ito nanaman yung mga babae sa paligid na parang kiti kiting kinikilig. Bakit ba hindi nalang nila lapitan 'to.

Tulad ko. "Ano ang mga iyan?" Hindi naman siya yung nag titinda pero siya talaga ang tinanong ko. Nilingon ako nito at positive! Siya nga ito.

"Binibini?" untag nito. Nginuso ko ang boxes sa harap niya. Hindi siya ang nag buhat nito at base sa pormahan niya para namang hindi siya tag diskarga ng mga binibenta. Naka barong ito ngayon at pormadong pormado with matching kalo pa sa ulo.

"Sa iyong tingin binibini. Ano ba ang mga iyan?" tulad ng ginawa ko kanina ay nginuso niya rin ang box.

Tinignan ko ulit ang box at bunalik ang tingin sa kanya. "Isda" sagot ko naman.

Pilyo itong ngumiti. "Kung gayun ay isda ang mga iyan binibining Eleanor" Pang asar na sagot niya.

Aba! Gago 'to ah!

State the obvious Eleanor. Tatanga-tanaga naman ako pala ang nag tanong na may napaka obvious na sagot.

+++++

J.N.L

@janelle_haven

Strokes of the Past {On-going}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora