Kabanata 6

10 1 0
                                    

 Kabanata 6

Nagulat man ang mga kasama ko sa sinasakyan, ok lang ang importante ay huminto ang karwahe. Dali dali kong binuksan ang pinto at wala nang pake kung masira ang poise basta ang mahalaga maka baba. Nang makbaba ako, ilang steps pabalik ang ginawa ko hinahanap ang lalake.


Hindi ako nag kakamali! Siya iyon!


Yung lalaki sa canvas bago ako naka tulog at napunta sa sitwasiyon na ito!


Damn! Nawala na siya. Siya talaga iyon! yung mata niya, yung ilong at labi. Kahit outline lang ay na picture out ko naman ang itsura niya. May kinalaman ba siya sa nangyayari? Kilala ko ba siya o ni Eleanor of the past?


"Eleanor, nawawala ka na ba sa iyong huwisyo?!" galit si Aquiles pero mas masama akong magalit pag di ko nahanap ang sagot sa mga ito. Lalo na at nakita ko yung lalaking yun!


Nag pahila nalang ako kay Aquiles hanggang sa mapasok na nga niya ako sa karawhe. Kung ano ano ang pinag sasabi ng dalawa, sinesermonan ako kung baga. Ok, binabawi ko na hindi rin pala nakakatuwa ang mag karoon ng kapatid lalo na kung parehong nakakatanda sa iyo!


Sa susunod ko na poproblemahin ang dalawang ito! Ang importante, narito lang ang lalaking iyon at kailangan ko siyang mahanap.


Matutulungan niya ba ako o siya ang nagdala sa akin dito?


Natapos ang mahabang sermon ng dalawa kong kapatid 'kuno' nang makarating kami sa sinsabing simbahan. Tiningala ko ang simbahan na sa aking harapan. This is the PIla church. I used to go here with mommy and daddy sa panahon ko. I can't belive that I am seeing it now, ganoon pa rin naman ang itsura niya pero mas mukhang bago ito ngayon at talagang makikita ang ganda sa kulay nito.


This church was founded in 1578 and is used to call as San Antonio de Padua Parish Church. This is one lucky church, imagine during the 2nd World War hindi ito nagalaw actually ang buong lugar ng Pila unlike Sta. Cruz and Pagsanjan.


"Napansin namin ang pagtigil nang inyong karwahe, nagkaproblema ba Aquiles?" tanong ni Don Emanuel.


Base kasi sa kwento ni Camila kanina hindi lang basta basta mayaman ang pamilya Gualtirre. Si Don Emanuel pala ang gobernadorcillo ng buong Pila. Kaya naman pala kanina pa nagbibigay galang ang mga taong madaraanan siya. HInid pala biro ang pamilya Gualtierre. Kaya naman I'm still wondering why am I here?!


At ito pa! May isang rason pa pala ang pag attend namin ng mass ngayon. Maliban sa siyempre para magpasalamat sa panginoon ay na wirduhan raw si Donya Elvira sa mga kinikilos ko kaya talagang pinilit ako kanina para umalis ng kwarto at nang makapag simba.


Hindi ko mapigil ang likot ng mata ko nang tuluyan na kaming makapasok sa simbahan. Medyo may pagkakaiba kasi ang itsura ng looban nito ngayon kesa sa panahon ko. At take note ah! Ang tahimik sa loob kahit may mga tao na. Hindi tulad sa present may gumagamit pa ng phone, may iyak ng mga bata. Ngayon talagang tahimik sila.


Pumwesto ang pamilya Gualtierre sa pinaka harap na upuan. Ganoon pa rin naman nag lilikot ang mga mata ko sa mga santo at sa lahat ng nakikita ko.

Strokes of the Past {On-going}Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang