Kabanata 8

13 2 0
                                    

Kabanata 8

Medyo gigil ah!

Pero kilala niya ako! Tinawag niya ako sa panagalan ko!

"K..Kilala mo ako? Bakit alam mo ang pangalan ko?" Sa sobrang gigil ko ay halos hilain ko na ang kwelyo niya.

Kumunot ang noo niya na para bang ang tanga ko dahil sa tanong ko. "Hangal lamang ang hindi makakakilala sa pamilyang Gualtierre sa ating lalawigan, binibini"

That's acceptable. Pero anong kinalaman niya sa nangyayari? Mukha niya ang huli kong nakita bago nangyari ang mga ito!

"Wala ka ba talagang ideya kung bakit ako narito?! Anong kinalaman mo kay Eleanor at bakit ikaw ang nasa outline ko? Paano ako babalik sa realidad? Ikaw lang talaga ang suspect ko and I'm going crazy every second at kaonti nalang ay masisiraan na talaga ako ng bait!" walang tigil na lintaya ko sa kanya, halos wala akong pake kung nasaan kami ngayon at kung sino ang nakarinig ng sinabi ko.

Hilaw ang ngiti niya habang nililingon ang mga tao sa paligid naming at nag bow pa 'to ng kaonti para banag humihingi ng sorry dahil sa aking ginawang pag sisigaw.

"Eleanor?! Ginoo... Ginoong Alejandro, paumanhin. Inyo sanang patawarin ang hindi maka taong itinuran ng aking naka babatang kapatid" parang konti nalang luluhod na si Ate Camila sa harap ni Alejandro. At hindi makakatakas sa akin ang pasimpleng pag higpit ng hawak niya sa braso ko!

Hinihila pa ako ni Ate Camila para yumuko bilang pag hingi ng sorry. No way!

Yumuko din si Alejandro. "Binibining Camila iyo nang itigil ang pag hingi ng paumanhin. Ako naman ay hindi madib dibing tao"

Napa smirk naman habang nakatingin ng diretso as mata niya. "Kung gayun ay salamat ginoo at kami ay mauuna na"

Walang katapusang hilaan ata ang matatanggap ko sa panahong ito! Dali dali akong pinasakay ni Ate Camila sa karwahe at inutusan na ang kutsero na uuwi na kami.

"Ano ba ang iyong ginagawa Eleanor? Hindi mo man lang ba naisip ang mga taong sa inyong paligid? Paano kung makarating kay ama ang iyong tinuran? At hindi na ako magugulat kung ang pangyayari ay magiging usap usapan sa buong bayan!" namumula sa galit ang Ate na ngayon ay naka upo sa harapan.

I wasn't thinking that time dahil ang mahalaga lang sa akin ay malaman kung anong kinalaman ng Alejandro na yun sa nangyayari. At nasaan ba kasi yung totoong Eleanor nayun?!

Ano ba ang pinuputok ng butsi nitong si Ate Camila, hindi ba uso ang sigawan ditto?

"Ang iyong tinuran Eleanor! Gawain ba iyan ng isang dalagang Pilipina?"

"Bakit ba parang galit na galit ka?" Naku! baka pag isipan kong may gusto ito doon sa kargador.

Nanlaki ang mata niya sa akin. "Bakit? Ang ginoong iyong pinag sisigawan ay kaibigan ni kuya Aquiles at anak ni Don Arturo Alvaro na kaibigan ni ama at kasyoso sa negosyo!"

What the Fudge! Alvaro ang isang yon?! Ibig sabihin siya yung hinahanap nila kahapon na ginoong hindi umattend ng misa!

"At talagang hindi ka humingi ng tawad! Naku! Humanda ka kay ama pag ito ay umabot sa kanya" pinagbantaan pa ako. Bakit ako matatakot?!

Hindi na ako kinausap ni Ate Camila hanggang sa makarating kami sa bahay. Matapos niyang batiin si Donya Elvira ay nag paalam itong aakyat na sa kwarto niya.

" May nangyari ba sa palengke at hindi maganda ang timpla ng iyong kapatid?" dinaluhan ko ng DOnya Elvira.

Umiling ako. "Wala naman po ina. Ano pong gagawin niyo?" tukoy ko sa mga dala. May dala kasi siyang gunting atsaka basket then may mga vases na naka prepare ditto sa sala.

"Mabuti pa at ako ay iyong daluhan sa pagpitas ng mga rosas nang sa gayon ay mag ka kulay naman ang loob ng ating tahanan" excited na sabi nito.

Harvesting is not my thing instead I do flower arranging. Pero dahil nga diba sabi ko mabait ako.

"Sige po ina" I should try it besides hindi ko pa pala nabisita ag garden.

Roses are my favorite flower pero hindi naman ako naka pagpitas ng bulaklak takot ko nalang pag natinik ako no!

Hawak ko ang basket habang naka sunod ako kay Donya Elvira, siya kasi ang pumipili ng bulaklak na kukunin. May mga naka sunod din sa amin na hardinero ng pamilya Gualtierre. Base sa observation ko mukhang mabait naman ang Donya, wala kasi itong pag aalinlangan na kausapin ang mga gardeners kahit na mayaman siya maganda ang trato niya sa mga ito nakikipagtawana pa nga siya.

Kanina rin bago kami umalis ni Ate Camila, nakita ko ang Donya na naghatid pa ng pag kain para sa mga hardinero.

"Donya El..Ay char! Ina hindi naman ba nakaka pagod itong pag-aalaga rosas?" totoo naman no. Feeling ko pahirapan ang pag maintin nito.

Nilingon ako ng Donya bago tumango. "Hindi ko lubusang maisip na lalabas iyan sa iyong bibig Eleanor" malumanay na sabi niya.

Tinignan niya ang mga roses sa paligid. "Ikaw, anak ang ka una unahang nag tanim ng rosas sa lugar natin Eleanor. Galing pa nga iyon sa manliligaw mong si Samuel. Sabi mo kasi noon ay gusto mong mag tagal ang ibinigay sa iyo ng ginoo. Nang nakita nang iyong ama na natutuwa at nawiwili ka sa pag aalaga nito ay kina usap niya ang mga hardinero na napalaguin at paramihin ang rosas. Kaya naman tignan mo ang ganda ng tanawin na ito"

ok, kay Eleanor kaya yung mga nakita kong painting sa third floor ng bahay ni lolo? Karamihan kasi roses ang subject doon.

"Pwede niyo po bang dalhin to?" tumango naman yung hardinero at tinanggap ang basket.

Kumuha na din ako ng gunting para tumulong sa pag pitas. Tinignan ko muna ang Donya kung paano ito gawin at nang makuha na ay nagsimula na ako. I received some scratches pero hindi naman dumugo or anything and I'm getting used to it.

I'm enjoying this.

Dinala na namin sa sala ang mga pinitas na bulaklak ready for arranging na! Mukhang hindi na naman nag susungit ang may dalaw ko atang kapatid dahil pag dating namin ditto sa loob ay may miryenda na siyang hinanda. Tutulong daw sa pag aarange.

"Natapos na rin"

Niyakap ako ni Ate Camila na siyang ikanabigla ko. "Paumanhin sa aking inasala sa iyo kapatid" maluha luha nitong sabi.

Now I'm guilty. Siya pa ang nag sosorry imbes na ako yung parang palengkera kanina. "Ayaw ko lamang na maging laman ka ng usapan sa bayan at alam kong hindi iyon magugustuhan ni ama" patuloy niya pa.

Niyakap ko siya pabalik at ngumiti. "Hindi mo naman kailangan mag sorry...hu...humingi pala! Humingi ng tawad. Hindi mo kaialangan humingi ng tawad Ate Camila. Naiintidihan ko"

"Naglalambingan kayo at hindi ninyo ako sinasali?" nagtatampong sabi ng Donya. Kaya hinila akong Ate palapit sa ina at nang mayakap na rin.

I miss mommy and daddy na.

+++++

J.N.L

@janelle_haven 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Strokes of the Past {On-going}Where stories live. Discover now