Kabanata 5

11 1 0
                                    

Kabanata 5

"Sige, sige! Ipagpalagay natin na... na... nawalan ako ng alaala tapos lahat kayo ay siyempre hindi ko kayo maalala! At ikaw bilang nakatatanda kong kapatid at mahal na mahal mo naman ako diba? Kaya ikukwento mo ang lahat sa akin!"

Napakunot noo pa siya. Ok, it sounds weird but that's the best way I can think of!

"Ano nanaman ba ito, Eleanor?" sabay lagay ng braso sa dibdib niya.

"Pag..Pag ki nwento mo sa akin. Mag-aayos na ako!" alok ko pa. At wow ha! nakaka amaze naman yung alok ko. Ako lang rin ang makikinabang!

Camila let out a big sigh.

Tinulungan akong mag-ayos ni Camila dahil nag yaya si Donya Elvira na lahat kami ay mag simba. Suot ang eleganteng baro't saya, hinihintay ko nalang matapos ang kapatid sa pag aayos ng buhok ko.

Kung pwede naman kasing itali nalang kung ano-ano pang abubot ang nilalagay. "Natatangi talaga ang iyong kagandahan, Eleanor" yumuko ito nang kaonti para mag lebel ang mukha namin na nakaharap sa salamin.

Kahit nga kapatid ko siya ay may pagkakaiba naman sa mukha namin. Oo, inaamin ko na nandito ako sa panahon nila at hindi naman siguro sila mangmang para akalain akong kapamilya nila na si Eleanor kung hindi kami pareho nang hubog ng mukha.

Litaw na litaw ang kaputian ko dahil sa napaka itim kong buhok, mapupungay naman ang aking mga mata na may napaka itim na pupils at sa tulong ng makakapal na pilik mata ay mas nabibigyan ito ng depenisyon. Perpekto rin ang tangos ng aking ilong at siyempre ang aking pouty lips! Litaw ang aking pagka mestiza.

Samantalang si Camila naman ay may maamong mukha, para nga siyang anghel at pupurihin ko pa sana siya kung hindi lang ganito ang sitwasyon ko. Hindi rin sobrang itim ng buhok niya, yung parang nagiging color brown pag nasisinagan ng araw, mapungay pero may pagka chinky naman ang mata niya but all in all. Perfect!

Ngumiti ako sa pag puri ni Camila. Sabay kaming nilingon ang kumatok na si Aquiles. Sumilip muna ito sa loob bago pumasok.

Ito namang Aquiles na 'to. Kung hindi ko lang 'to kapatid sa panahon na ito for sure jowa ko na 'to ngayon! Tignan mo naman at napaka gwapo niya sa suot na Barong Tagalog at may pa kalo pa ang lolo niyo na hawak niya. Yung kalo na pang sinaunang panahon, ganern!

"Mga binibini, kung inyong mararapatin kailangan na nating humayo upang hindi mahuli sa misa" sabi nito habang pinag mamasdan kaming dalawa.

Ganito ba?

Ganito ba ang feeling ng may kapatid? May nag aalaga sa iyo, may nag aayos. And to be honest magaan na ang loob ko kay Camila matapos ng aming pag uusap.

"uhm! tayo ay humayo na kuya Aquiles" hinawakan na rin ni Camila ang kamay ko para mag sabay kami sa pag lalakad. Nagbigay ng daan si Aquiles para pa unahin kami.

Should I just accept na andito ako sa panahon na ito?

Ginawa ko na ang lahat. Pinilit kong matulog pero pag gising ko ito pa rin ang paligid ko. Sinampal ko na ang sarili para magising sa katotohanan. Naligo na rin ako, malamig pa yung tubig para talagang bumalik ako realidad. Inumpog ko na rin ang sarili ko sa wall pero wa epek!

Pero paano?

Bakit? Ano ba ang ginawa ko?!

Bumaba na kaming tatlo. Dalawang kalesa or should I say karwahe ang nasa harap ko ngayon. Kasalukuyang sumasakay ang mag asawa sa isang karwahe.

Elegante ang mga karwaheng ito kulay itim man it is still fully furnished. I have never rode such... maybe I'll enjoy it?

Binuksan ni Aquiles ang pinto ng pangalawang karwahe at tinulungang pumasok si Camila. Nang maka pasok ang kapatid inilahad nito ang palad para sa akin. Tinanggap ko naman ito pumasok na sa loob. Damn! These cushions are no joke!

Hindi na ako umusog palapit kay Camila dahil pagginawa ko yun, maiipit ako sa gitna edi hindi ko makikita ang view sa labas.

"Eleanor umusog ka nang ako ay makapasok na" suway ni Aquiles.

Tinaasan ko ito nang kilay. "Saan ka uupo? Dito ako uupo sa tabi ng pinto" at umupo na ako ng maayos.

"Ngunit kapatid, hindi mo hilig ang posisyon na iyan" palala ni Camila.

Well, I will not miss this moment. I'll go with the flow but I will follow my way, my terms!

"Pleasee" with matching beautiful eyes pa yan ah!

Umiling iling si Aquiles at pumasok na para ma upo sa tapat naming. Ganito kasi yan dalawang upuan ang magkatapat sa loob nitong karwahe. Kaya naman si Aquiles ay nasa tapat namin at ang makikita niya ay ang nasa likod namin ni Camila. May bintana naman so it's fine.

Humayo na nga kami. At dahil kabayo ang humihila sa amin, malamang sa malamang ay bumpy ang takbo namin. I still do believe na panaginip lang ito at sana panaginip lamang ito. Dahil hindi ko alam kung paano ako babalik sa panahon ko.

Kasalukuyan lang akong naka nganga habang naka tingin sa labas. Kitang kita ang linis ng buong lugar ng Pila, Laguna. Ang mga puno ay halos hindi ko mabilang sa dami, almost green lang ang nakikita ko. May mga nag lalakad din sa gilid ng kalsada na tulad ko ay naka baro't saya ngunit hindi tulad ng baro kong magara.

At gayun nga, nasa Pila Laguna rin pala ang lugar na ito pero ibang iba ito sa Pila na nakilala ko. Halos purong bahay at semento na ang makikita ko bago makarating sa bahay ni lolo pero ngayon Tatlong Bahay palang ang nakikita ko. The rest are trees and greeneries.

"Wow" there I said it.

"Ayusin mo ang iyong sarili Eleanor, kung maka akto ka ay parang ikinulong ka ng napaka habang panahon" masungit na suway ni Aquiles. Napa irap nalang ako at hindi na siya nilingon.

Unti unti nang nag kakaroon ng transisyon sa paligid at kita ko na rin ang maraming tao sa unahan. "Tayo ay nasa palengke na" pagpapaalala ni Camila. For sure it's for me, tinukoy niya rin ito kanina.

At mayaman naman pala ang pamilya Gualtierre. Sabi kasi ni Camila ilan sa mga binebenta rito sa palengke ay nag mula pa sa aming hacienda. Haciendera ang lola niyong si Eleanor! At marami pa raw lupain ang mga Gualtierre maliban sa malawak na bakuran sa bahay nila na may pa Rose garden pa.

Tinignan ko lang ang lahat ng mga namimili at hindi ko mapigilang mapangiti sa ganda ng nakikita ko. Napaka disente lang kasi tignan ng lahat suot ang mga baro nila. At isama mo pa na bago ito sa paningin ko.

Isang lalaki ang naka agaw ng atensyon ko. May karga itong box sa balikat, kargador ba talaga to? Kitang kita ko ang mga babae na nakatingin sa kanya. May pagka maharot din pala ang mga girls sa panahon na ito! Parang kiti kiti pang nag papaluan ang iba.

Teka!

"SANDALE!"

"IHINTO ANG KARWAHENG ITO!"

Char! Nakiki Tagalog ka gurl?!

+++++

J.N.L

@janelle_haven

Strokes of the Past {On-going}Where stories live. Discover now