4: Wolf, Lion, and Phoenix

29 3 2
                                    


Kim's PoV

Di ko man aminin pero kinakabahan pa rin ga ako. Training na bukas at simula na rin ng panibagong mundong haharapin namin. Nak ng kalabaw, wala na ngang jowa tapos maaga pa atang mamamatay rine sa agent agent na are. Jusmiyo.

*ting*

Oh, sino ga naman kaya areng nagchat sa gc namin, hating gabi na eh.

-------------

Thea:

Ghorls, dala your pinakacute na pangtraining ha. Love you both. Keri natin to.🥰💯

-------------

Paniguradong kabado rin yang gagang yan kaya napachat. Alas dose na, gising pa. Eh, madalas yuon eh tulog na ng alas dyis. Hayy, gabayan nawa kami ng Panginoon. Makatulog na nga at ayaw kong magmukhang bangag bukas.


~~~~~~~

Thea's PoV

Shux, di ako nakasleep ng maayos kagabi kaya I'm so lutang ngayong klase. Buti na lang at areng si Mr. Delurio ang nagcla-class. By the way, yes, he is the teacher na talambuhay ang puhunan.

"So gets niyo ba class? F=ma ang simpleng formula sa force ha. Basta yun lang yun. Alam niyo ba--"

Here we go na. Magstart na ang story niya.

"Nung bata pa ako, mayaman ang pamilya namin. Nabibigay ng mga magulang ko, lahat ng kailangan at gusto ko. Higit sa lahat, buo at masaya kami. Kaso nga lang, sa hindi inaasahang pagkakataon ay namatay ang mga magulang ko at lahat ng aming mga ari-arian ay napunta sa bestfriend na business partner ng Papa. Kaya kayo dapat ay ---"

*kriiingggg*


"Okay, class dismiss." banggit ng Sir with his sad eyes kase nga dun ata sa ini-story niya.


Pero O-M-G! Sa wakas, break time na. I can take nap na kahit onti lang.


"Thea, Ally, tara na ga kumain bilis at nagugutom na ako. Gusto ko ng siomai, shawarma, at iced gulaman. Pero pede na din namang maglunch na tayo para paglabas natin mamaya, diretso na tayo sa training at nang di tayo atayin sa training at bagong kain."

"Oo nga." -Ally

Hay kalerki, oo nga no. We should kain na para paglabas namin mamayang 12:00 noon, ready to train na kami. And yes, half day kami today kase nga may something meeting daw ang teachers.

Sige babye na muna at nang maka-eat na kami. Hihi.



Master Michael's PoV

Opposite AngelsWhere stories live. Discover now