7: First Mission

24 7 3
                                    


Ally's PoV

As I start my day, I knew this will not be like one of the past normal days that we've experienced. And so, I jumped out of my bed, showered, and get ready for school. Well, not exactly for school, but for our first mission.


"Ally, baby! Ready na ang breakfast mo." Mom yelled from downstairs.


"Okay po. Pababa na." I yelled back knowing that eggs and bacon are also waiting for me at the dining.


And the moment I saw my Mom waiting for me at the dining table, wearing her pink apron over her pambahay clothes, I gave her a good morning kiss and sat at the chair in front of where she's sitting.


"So how's school, baby?" she asked while waiting for my response.

"Okay lang po." I said while looking down at my food.

She knew that I am still affected. But then, she shrugged that off and started a new topic.

"But, how about---"


*kringggg*


By that noise, I knew I should already go to school. So I stand up, kiss my Mom goodbye, get my bag, and immediately drive my car to school. And yes, I have an alarm that will remind me that it's time to go to school. Don't judge me. It's just that I am always late without it.


Kim's PoV

Ang aga aga ko pala dine. Hindi naman halatang excited no?

Nandine na ako sa university at nakaupo sa isang upuan malapit sa labas ng office ni Master ay este Mr. Principal. May paonti-onti na namang  mga estudyante na naglalakad papunta sa kanilang mga classroom pero ang nakapukaw ng atensiyon ko ay ang isang janitor na may dala dalang isang tasa ng kape papunta sa opisina ng chairman ng university. Weird.


Pero bayaan na nga natin yon. Ang tanong eh kung nasan na ang mga kasama ko? Hindi ko pa rin nakikita ni isang anino eh. Jusmiyo, pag iintayin na naman ata ako ng mga yuon.


"Kim!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Luminga linga ako sa paligid ko hanggang sa makita ko ang tumatakbo papalapit na si Rex.


"Oh, Rex. Ang aga mo naman yata. Tsaka napansin ko di mo kasama ang mga may topak mong kapatid ah." oo, alam na din naming magkakapatid silang tatlo. Yun ba namang lagi kong kadaldalan itong si Rex, eh ewan ko na lang.


"Umuna na ako sa kanila. Ang babagal kumilos eh." sambit niya habang kung saan saan tumitingin ang mata na para bang may hinahanap. 


"Kow, sabihin mo, gusto mo nang makita si Ally. Palusot ka pang loko ka eh. Akala mo di ko mapapansin. Ay inako po naman. Ako pa ga ang iyong pagtataguan ng gay-an." sabi ko sabay sa batok ko sa kanya.


"Aray ko naman." daing niya habang hawak ang kanyang batok. Ay, napalakas ata. HIHI.

Opposite AngelsМесто, где живут истории. Откройте их для себя