11: The Killer

12 4 2
                                    


Kim's PoV

Habang napapasarap ang pagkwekwento nareng si Mang Erning tungkol sa kanyang pamilya, bigla kaming nakatanggap ni Devyn ng isang text message galing kay Ash. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

From: Wolf

Go back to Fur. Now.

- - - - - - - -  - - - - - - - - - - - - -

Dalawa lamang ang ibig sabihin nito, maaaring may mahalaga silang nalamang impormasyon na magtuturo sa hinahanap naming killer o kaya alam na nila kung sino ito.

 

Kaya naman agad kaming nagpaalam kay Mang Erning na maglilinis ng kabilang building bilang palusot at patikar (dali dali) nang umalis.

Hindi rin biro ang itinakbo namin nareng si Devyn simula sa gate ng unibersidad hanggang dine sa Fur. At pagkapasok nga namin ng pinto ay sumalubong sa amin ang isang lamesang puno ng mga papel na mayroong mga hindi ko pa maaninag na mga nakasulat.

"Ano ang mga yan, Wolf?" tanong ni Devyn habang papalapit sa lamesa.

"Oh there you are. Those are the copies of death threats that Mr. Casper got these past few days. It looks like it's connected to his bodyguard's death. Knowing that Lily found a note that Rado left inside a book that Mrs. Casper owns." sagot ni Ash nang nakatitig sa mga papel sabay tingin kay Thea na seryosong nakaupo sa isang swivel chair habang may hawak na notebook at ballpen.

"Eh ano ba ang iniwang sulat ni Rado?" nagtataka kong tanong kay Ash.

"Western Turkey. That's the sulat na nileft ni Rado." biglang sagot ni Thea na dahilan ng lalo kong pagtataka.

Bakit sa dami ng pedeng niyang iwang sulat ay iyon pa ang naisipan niya? Hindi ko maintindihan.

"Mukhang may alam si Rado na nais niyang ipahatid kay Mr. Casper pero hindi niya ito maisulat ng direkta sapagkat natatakot siyang maunang makita ito ng isang tao bago pa ang chairman." sambit ni Devyn sabay tingin sa akin. Mukhang nahalata ng mokong na nalilito ako.

Kung ganoon, maaaring may mensaheng nakatago sa sulat na iyon.

"Oo nga pala. Nasaan na sina Foxglove at Phoenix?" tanong ko nang palinga linga.

"About them, Phoenix texted me awhile ago that they will be late because of Mrs. Casper. He told me that they heard her talking suspiciously to someone on the phone before her going to the chairman's office where we're at awhile ago." pagpapaliwanag ni Ash sa akin.

Hmmm. Mrs. Casper, huh?

"Wolf, nabanggit kanina nung janitor na si Mang Erning na nakita niya pa daw si Rado na kausap si Mrs. Casper nung araw na namatay ito."  panimula ni Devyn habang nakaupo na sa isang silya at nakataas ang isang paa.

Opposite AngelsWhere stories live. Discover now