CHAPTER 142

378 21 0
                                    


Natapos ang klase na lumilipad ang aking isip.

"Tapatin mo nga kami.Nag away ba Kayo ni Sam at kanina kapa tulala?"Biglang tanong ni candy.

Kasalukuyan kaming naka upo sa may cafeteria.nag paalam na din Sina reign na uuwi na dahil marami daw silang dapat gawin.

Nakapangalumbaba akong tumingin sa kanila.

"Sorry may iniisip Lang."

"Pwede ba naming malaman Yan?"Anna asked.

I sigh."namimiss ko Lang Sina mommy."I lied.

Yes namimiss  ko sila pero Hindi iyon ang rason Kung Bakit buong araw ako naging tulala.

"Napansin ko lang kaninang umaga Bakit Hindi mo kasama si Sam?hindi kaba niya hinatid?"Christine asked.

"May importante Lang siyang pinuntahan."

Tumango lang ito na Parang Alam na niya.

Saan Kaya sila pupunta?

Sobrang close nila siguro.

Mabilis Kong iniiling ang aking ulo sa aking naisip.

Bakit ganiyan ang mga naiisip mo Nathalie?ayts....

Bumalik ako sa wisyo nang marinig Kong nagsisi bulungan ang mga kaibigan ko.

"Hindi Naman siguro nauntog sa ulo ang kaibigan natin ng nahimatay siya?"bulong ni Christine.

Mag kakadikit sila habang ako ay nag kukunwaring nakatingin sa malayo.

"Ipatingin na Kaya natin siya?"Anna said.

Pigil ang aking tawa habang kunwaring nakatingin sa malayo.

"Kanina pa siya ganiyan...b-baka nawawala na siya sa kaniyang-----OMG!"Saad ni angel na Parang may naisip sabay hawak nito sa kaniyang  bibig.

"Ay kabayo!"

"Waaaaaaa!"

"Omg!!"

Sigaw Nila dahil malakas Kong hinampas ang mesa dahilan para gumawa ito ng ingay.

Masama kaming tiningnan ng mga taong nasa loob kaya mahina akong tumawa sabay hawak sa aking bibig.

Pag angat ko ng tingin sa kanila ay nakahawak sila sa kanilang dibdib dahil sa gulat.

Binigyan Nila ako ng masamang tingin.

Nang maka get over na ako sa aking pag tawa ay umayos na muna ako ng upo sabay peace sign sa kanila.

"Kayo kase binaback stab niyo ko."kunwaring malungkot na Sabi ko."akala niyo hindi ko kayo na rinig ah."

"Eh paano ba naman buong mag hapon Kang tulala.anong gusto mong iisipin namin?na trip mo Lang?"Inis na Sagot ni angel.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya.

"Kita mo gabi kanang natapos diyan sa pagkatulala mo."dagdag nito.

Natapos kaming kumain sa may cafeteria ng Hindi maalis-alis ang ngiti sa aking labi.

Buong araw ko ding Hindi nakita si Sam.

Hinihintay ko pa naman siya akala ko ihahatid niya kami.

Pag pasok namin sa may dorm ay nag paalam muna sa Amin si Christine na maliligo Lang ganon din ako.

Pag pasok ko ay agad Kong tinanggal Ang aking sapatos sabay tapon ko ng aking mga gamit sa aking Kama.

"Psst"

[Book 2]I FOUND MY LIFE:THE TRUTH (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon