CHAPTER 169

369 22 1
                                    

Sam's POV

Sobrang saya nang nakikitang masaya ang mga kaibigan ko at lalong-lalo na si Nathalie.

Sumasayaw lang kami nang biglang namatay ang mga ilaw.

"I love you so much."wika ko.

"Mahal din Kita."tugon niya.

Masaya lang kaming sumasayaw sa gitna nang biglang isang putok ng baril ang  kumuha ng aming atensyon.

Nataranta ako nang biglang mabitawan ko si nathalie ng may Kung sino ang humatak sa kaniya.

Dinig ko ang sigawan ng lahat ngunit mas nangibabaw sa akin ang kaba.

Nagkakagulo na ang lahat.

"Bitawan mo si jay!"sigaw nila candy.

"Jay!"

"Nathalie!"

Sigaw namin nila Ethan.

Please,huwag siya...

Pilit namin siyang hinanap hanggang sa mabuksan ang ilaw ng buong auditorium.

Unang hinanap ng aking mga mata si jay ngunit nabigo akong Makita siya.

"Jay,where are you?!"sigaw ko.

Halos lahat ng estudyante ay nakayuko at bakas sakanila ang takot.

"Nasaan si Nathalie?!"takot na tanong ni Ethan.

Kinuwelyuhan niya ako.

"Where's my sister?!"

Wala na siyang pake kung may makarinig man.

Napahawak nalang ako sa aking buhok.

Nanlalabot ang aking mga tuhod.

"Kanina hawak ko Lang siya....naka hawak siya sa akin...mahigpit ang pag kaka-hawak ko sakaniya..."Hindi Kona mapigilan ang aking pag iyak."P-parang may humila sa kaniya.."

Hindi Kona mapigilan ang nararamdaman Kong galit at takot.

Nanghihinang tinanggal ni Ethan ang kaniyang kamay sa aking kwelyo.

He's now crying.

"Damn!Hindi ko man lang naisip na maari nilang kunin si Nathalie!"bulalas niya.

Hinihingal na lumapit sa amin sina dustine.

"N-nawawala ang mga girls."utal na tugon ni Alex.

Napapikit nalang ako dahil sa galit.

_____

Candy's POV

Masaya lang kaming nag sasaya habang sumasayang ng mga love songs.

Napangiti ako nang biglang namatay ang ilaw.

Ang ganda naman ng plano nila may pa effect-effect pa.

Ngunit nawala ang aking ngiti nang may marinig akong isang putok ng baril.

Napabitaw ako Kay Nash.

Unang pumasok sa isip ko si jay...

Nang marinig ko mahinang boses ni jay na satingin ko ay may pilit itong tumatakip sa kaniyang bibig.

Pilit kong kinakapa ito dahil alam kong malapit lang siya sa akin.

Nang mahawakan kona ito ay agad ko din hinila si jay ngunit masyadong malakas ito.

"Bitawan mo si jay!"takot man ay pilit kong tinatapangan ang aking loob.

Nagulat nalang ako nang biglang may humawak sa akin at hinatak ako.

[Book 2]I FOUND MY LIFE:THE TRUTH (Completed)Where stories live. Discover now