CHAPTER 143

357 15 2
                                    


"Jay Tara sa cafeteria."aya nila Vincent sa akin.

Tumango ako at sumunod nalang ako sa kanilang mag lakad.

"Himala Hindi ka yata tulaley?"pang aasar sa akin ni Christine.

Tumigil ito ng sinamaan ko siya ng masamang tingin.

Tumingin Naman ako Kay Anna na tumabi sa amin.

"Sinong kausap mo kagabi?"tanong nito na siyang nag pa gulat sa akin.

"H-huh si a-ate lang."I lied.

Mabuti nalang at Hindi nila masyadong nahalata.

Kumakain lang kami sa may cafeteria.

Nahinto ako sa Pag nguya nang Makita ko sa di kalayuan si sam Kaya mabilis kong kinuha Ang aking bag.

"Girls,pag hinahanap ako ni Sam sabihin niyo may ginagawa ako.i need to go,bye!"natataranta Kong Sabi sabay takbo palayo sa Cafeteria.

Nang mapansin kong nakalayo na ako ay hinihingal akong huminto sa pag takbo.

Pag katapos Kong mag pahinga ay nag umpisa na akong mag lakad.

Mag di-ditch muna ako ng klase hehe.

Pinag titinginan ako ng mga estudyante sa may hallway.

"Hi, ms.campus."bati sa akin ng isang matangkad na lalake.

In fairness gwapo.

Ngumiti ako dito."hello."

"I'm ken."sabay lahad nito sa kaniyang kamay.

"And I'm ----"

"Jay Thompson."Pag tutuloy niya sa sasabihin ko.

Sabay kaming tumawa.

"It's already time.Bakit hindi kapa pumapasok ?"tanong nito.

Napakamot tuloy ako sa aking ulo.

Dapat pala iniwasan ko nalang siya.

Mag sasalita na Sana ako ng Makita ko si sam na Parang may hinahanap kasunod niya si Owen at Alex na naka foker face ang mukha.

Dali-dali kong hinila ito palayo.

Nang makalayo na kami ay agad ko din itong binitawan.

Napag pasyahan Kong umakyat na muna ng rooftop.

Nang makarating ako sa may rooftop ay kusa akong Napangiti ng maalala ang nakakatawang nangyari sa amin dito.

"Anong gagawin mo dito?"tanong ng nasa likod ko.

Kanina pa pala siya naka sunod sa akin.

Mukha siyang amerikano dahil sa mga mata niya.

"Tatalon Sana ako eh."sarcastic Kong sagot.

"Napaka ganda mo para sayangin ang buhay mo."nakikisakay niyang Sabi.

Pansin ko ang pag tingin nito sa aking hita na siyang nag pa taas ng balahibo sa aking katawan.

Lumapit ako sa gitna at umupo Doon.

Pinag mamasdan ko Lang ang kalawakan ng umupo ito sa aking tabi.

"Sikat ka sa campus."saad niya na siyang nag palingon sa akin."maraming nakakita sa pananakit sayo ni Stephanie at Isa ako don."

Tahimik akong tumango.

"Pero paano mo nakakayang pumasok sa ganitong klaseng paaralan?"he asked

"Simple lang kase may pangarap ako.hindi Kona Lang pinapansin ang mga Sinasabi nila.papasok sa kaliwang  tenga at lumalabas sa kanang tenga.haha"Tumatawang Sabi ko.

[Book 2]I FOUND MY LIFE:THE TRUTH (Completed)Where stories live. Discover now