CHAPTER 151

383 20 3
                                    


Parang bumibigat ang bawat Pag akbang  ko papalapit sa Lola ni Alex.

Dumaretso kami sa morgue.

Habol-habol namin ang aming hinininga ng Makita si Alex na dahan-dahang pumapasok sa isang room habang ang mga magulang niya ay umiiyak na...

Bago ako nag patuloy sa Pag lalakad ay tinignan  ko muna sina kuya at nag lakad na papalapit sa mga magulang ni Alex.

Yumakap ng mahigpit sa akin si tita at sa balikat ko siya humagulgol.

Ito ang napakasakit na part ng buhay,ang mawala ng tuluyan ang mga taong Mahal mo.

"T-tita...Alam Kong mahirap tanggapin pero parte ito ng buhay natin....nandito lang po kami.for you and for your son."pigil ang iyak na Ani ko.

"Hija,puntahan niyo na si Alex.kailangan niya Kayo ngayon."malungkot na wika ni Tito.

Nag paalam na kami sa kaniya at pumasok na ng morgue.

Pag pasok namin ang unang bumungad sa amin ay ang malakas na hagulgol ni Alex na siyang mas Lalo nag pahina sa akin.

Nag patuloy lang ako sa aking pag lalakad habang Sina Sam ay tumalikod.

Alam Kong mas nasasaktan sila para Kay Alex.

Huminto ako at sunulyap sila.

Sinenyasan ako ni dustine na lapitan ko si alex.

Alam kong hindi nila kayang lumapit dahil sa oras na iyon ay hindi na Nila makakayang pigilan ang sakit na nararamdaman nila.kaya sapat na ang kanilang lugar para Makita ang bangkay ni lola at ang kawawang si alex.

Nag patuloy na ako sa aking pag lalakad habang naka'y Alex Lang ang aking tingin.

Yakap-yakap nito ang kaniyang Lola na Wala ng buhay.

"You promise me na pupunta tayo ng ibang bansa sa christmas vacation ko para mag b-bonding....l-lola mommy miss na Kita..."umiiyak niyang wika.

Alam Kong umaasa pa si Alex na mag sasalita pa ang kaniyang Lola mommy....

Lumapit ako dito at hahawakan ko Sana ang kaniyang balikat na ng bigla niya akong itulak dahilan para ma paupo ako.

0_0

Pansin ko ang mabilis na pag lapit sa akin Nila sam Kaya agad akong tumayo para sabihin sakanilang okay lang ako.

"PLEASE LEAVE ME ALONE!"galit nitong sigaw.

"But---"

Lalapitan na Sana siya ni Sam nang mabilis Kong hinawakan ang kaniyang kamay para pigilan ito.

"I SAID LEAVE ME ALONE!I DONT NEED YOU..."Huminto ito at nag simula na namang umiyak."Kahit n-naman anong gawin niyo h-hindi niyo na m-maibabalik ang buhay n-ni l-lola m-mommy...."napipiyok niyang tugon."S-so please k-kahit ngayon lang ako naman ang pakinggan niyo."napayuko ito dahil sa panghihina.

I nodded my head.

"O-okay...if that's what you want..."wika ko.

Malungkot akong tumalikod  at tumingin sa mga kasama ko.

"Let's go..."aya ko sa kanila.

Sumunod naman sila sa akin ng tahimik.

Hanggang sa makabalik kami ng campus ay wala paring nag sasalita sa amin.

Bumalik ako sa wisyo nang may yumakap sa akin.

"Kamusta si Alex?"tanong Nila Christine.

Ngumiti ako ng peke at pasimpleng sumulyap kina Sam.

[Book 2]I FOUND MY LIFE:THE TRUTH (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon