Prologue

4.6K 121 71
                                    

THE AETHERGARDE ACADEMY is not just a university for students with magical powers

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


THE AETHERGARDE ACADEMY is not just a university for students with magical powers. It's a haven, a harbour, an ark for the mystical youthㅡbut it's a refuge I didn't seek.

How the hell would I survive in this academy?

The answer is, I won't.

But if this means that I finally get to know who killed my sister, then I'm ready to die.

༻♛༺

Ang akademyang ito ay nagbubukas lamang nang isang beses sa isang taon, at sa buong buhay ko, isang beses lang din ako nakatagpo ng lalaking sobrang nagpakulo ng dugo ko.

"Kailangan pa ba kitang gamitan ng truth spell para lang umamin ka na crush mo talaga ako?" nakangisi niyang tanong habang pasimpleng sinusundan-sundan ako na parang aso sa hallway.

As I reached one point, I stopped walking away from him. Nilingon ko siya nang nakakunot ang noo at naniningkit ang mata sa sobrang inis.

"Eh kung ikaw kaya ang gamitan ko ng murder spell para lang manahimik ka na habang buhay?"

Binuksan ko ang aking kamao at agad pinaliyab ang isang pulang liwanag mula sa palad ko. Pinakawalan ko ito at ibinato sa kanya.

Patawa-tawa lang niya itong inilagan. He even watched as it flew past him, witnessing how the glowing red flames just disappeared in the air like a faint smoke.

"That was just a placebo fireball you threw at me! I know you won't hurt me!" sigaw niya na tila ba lalo pang nang-aasar.

Ah placebo pala ha? Sige.

Binuksan ko ang aking kamao at muli na namang pinaliyab ang aking palad. Hindi tulad ng kanina, mas matindi ang liwanag nito at 'di hamak na mas mainit; naglalagablab.

Walang ano-ano'y binato ko muli ito sa kanyang direksyon.

Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya habang ito'y paparating sa pagmumukha niya. Ngunit sa kagustuhan ko mang pasabugin ang mukha niya, imbes na tamaan siya ay iniba ko na lang ang direksyon ng bolang apoy at itinutok ito sa dragon's wall torch.

Halos maging paralisado na siya sa sobrang gulat dahil sa ginawa ko. Isang maling ilag lang sana ay siya na siguro ang nag-aapoy ngayon at hindi ang dragon na nakaukit sa pader.

"YOU COULD HAVE KILLED ME!" sigaw niya, tila hindi pa rin makapaniwala.

"Yeah! I've been practicing."

"Isusumbong talaga kita kay Supremo!" pagbabanta niya.

At ngayon, ako naman ang natawa.

"What are you gonna tell them then? That I set the dragon's torch on fire? Duh? It's called the Sconce of the Dragon for a reason," I hollered back, as a matter-of-factly.

"Oh? Bakit pati ilong mo umuusok eh yung torch lang naman ang pinaapoy ko?" dagdag ko pa.

"Isa ka talagang demonyo, Raíge Aragon!"

"At isa kang halimaw, Lysander Zekiel!"

༻♛༺

AUTHOR'S NOTE:

Ang plagiarism o pamamlahiyo ay isang krimen. Napasarado ko na ang mga accounts na nagduduplicate ng mga gawa ko, at kayang-kaya ko muli itong gawin. Kung may makita man kayo na nanggagaya ng titulo o nilalaman ng istoryang ito, maaari niyong i-report o ipagbigay-alam sa akin. Ako na ang bahala. Maraming salamat!

END OF PROLOGUE.

If you liked this story please
FOLLOW VOTE COMMENT

Aethergarde AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon