0. The Unfair, Ordinary World

718 26 129
                                    

꧁༒R A I G E༒꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

꧁༒R A I G E༒꧂

"FUN FACT! My 18th birthday will be everybody's big day." Pinalobo ko ang chewing gum na kanina ko pang nginunguya, "Actually, my birthday has always been everybody's big day."

"So ano na nga palang plano mo para sa debut mo? Parang wala ka masyadong nababanggit sa'kin ah." tanong sa akin ni Eleanor. Sa kasalukuyan ay hawak namin ang tig-isang tray ng beef steak habang papunta sa tanging bakanteng table sa school cafeteria.

"Plano? Bukas? Hallmarking Day? Alam mo namang hindi pwede," sabi ko sabay lapag ng tray sa mesa. Tinuro ko ang TV screen na nakakabit sa pader ng cafeteria.

NEWS UPDATE: Official nationwide lockdown on the annual Hallmarking Day. Classes in all levels, public and private, will be paused tomorrow September 1, and will resume as soon as the ceremony ends.

"Oh," napamungot siya sa panghihinayang. "Sayang naman, 18 ka na eh. Hindi na ba talaga pwedeng mairaos yung celebration? Pa-blowout ka naman d'yan oh, kahit advanced."

"May pamahiin kasi samin na masama raw ang magcelebrate ng birthday nang advanced, dapat saktong araw palagi. Eh alangan namang ipacancel ko yung national ceremony diba?" bulong ko sabay pasimpleng kuha ng chewing gum mula sa bibig para idikit sa ilalim ng mesa.

After nearly 18 years of agony, tomorrow will be the day where we will finally find out whether we're surgents or dormants. Hindi ko talaga alam kung ano'ng dapat kong maramdaman, kaya pinipilit ko na lang na 'wag masyadong isipin, hanggat sa makakaya ko.

Nagsimula na akong lumamon. Walang ano-ano'y hiniwa ko na ang steak at agresibong hinukay ang kanin gamit ang kutsara. Kung buhay pa siguro si lola, siguradong mapapalo ako nun sa kamay. Ayaw na ayaw niyang hinuhukay ko ang kanin na parang basagulero.

"Our lives are going to change forever," Eli said.

Napatigil ako sa pag-nguya.

"My life has already changed so much. What more change does it need?" mariin kong sambit sa sarili ko kalakip ng sama ng loob sa mundo.

"Oh...sorry, Raige. I didn't mean to-"

"Uy hindi!" Hindi ko naman alam na narinig pala niya. "Okay lang, ano ka ba," pinilit kong tumawa para mawala yung awkwardness. Alam kong excited na siya para bukas, ayoko namang maging killjoy at manira ng araw. "What do you wanna be?" Tumuloy ako sa pagnguya ng pagkain.

Tila napaisip bigla si Eli, "Honestly, I could be a surgent...or a dormant. I wouldn't mind either way. If I were a surgent, edi cool, matututo ako kung paano magmagic at magpractice ng mystic arts. Kung dormant, ayos lang din, I'll study psychology and live a normal life."

Tumango-tango lamang ako habang lumalamon. "Cool beans."

"How about you? What do you wanna be?"

"I wanna be...a tutubi, nawalang tinatagong bato-"

Aethergarde AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon