VIII. Catching The Culprit

282 15 24
                                    

꧁༒R A I G E༒꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

R A I G E

"FIRST LEAGUE ASSEMBLY?" pag-uulit ko, pilit na binubutones ang uniform ko habang tumatakbo. Sa kasalukuyan ay hila-hila nina Saint at Isagana ang braso ko sa pasilyo ng academy.

Ayon sa kanila, malelate na raw kami sa pinakaunang assembly ng school year. At ayon ulit sa kanila, ang rason kung bakit hindi raw nila agad ako nagising ay pinagbantaan ko raw ang buhay nila noong nilapitan nila ako sa kama.

"Ako? Pagbabantaan ang buhay niyo? I would never!" tanggi ko.

Sumabat naman si Isagana, "Alas seis y medya ng umaga, tumunog ang wake-up bell sa buong tower ng Dragonheart. Hindi ka nagising. Pinuntahan kita at..."

Raige, gising na.

Mmm...mamaya na...five more...

Five more minutes?

Five more hours.

Ay! Dios mio. Hindi pwede at ngayon ang kauna-unahang league assembly. Kailangan mo nang bumangon kundi sabay-sabay tayong malalagot kay Supremo.

Mmm...i...

I...?

I...aalay kita sa demonyo
'pag lumapit ka pa ulit sa'kin...

"At biglang tumirik ang mga mata mo," kwento ni Isagana habang tila ba kinikilabutan.

"Sigurado ba kayo? Baka mali lang kayo ng rinig?"

Nagsalita naman si Saint, "6:40 am, Isagana made me climb your bed. Sinubukan din kitang gisingin, pero sabi mo susunugin mo ang buong tower ng Dragonheart 'pag hindi ka namin tinigilan."

Hindi naman malayo sa katotohanan.

"Hahaha," tawa ko na lang. "Baka joke ko lang yun?" Wala talaga akong maalala na ganun. Tinali ko na lamang ang necktie ko.

"Joke? Alam mo bang halos kalahating oras kaming nagbato-bato pik para lang mamili kung sinong babalik sa kama mo para gisingin ka?"

Isagana, ikaw na please.

Saint, okay lang sa'kin, huwag ka na mahiya. Ikaw na.

Hindi ako nahihiya! Kinikilabutan ako!

Mas lalo naman ako! Nakita mo ba yung mata niya kanina? Tumitirik!

Hindi kaya nasapian siya ng
masamang espiritu? O kaya dark magic?

Aethergarde AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon