P A G E - 10

107 23 3
                                    

Second kiss

6:28 A.M. - Saturday - B r i a n a 's P.O.V

Maaga akong nagising at tahimik na ginawa ang morning rituals ko. Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto at maingat na sinara ang pintuan. Paglingon ko sa sofa ay nagulat ako ng makita si Sayoko na nakahiga sa sofa at natutulog. The heck? Ang aga aga!

Tahimik kong tinahak ang daan papunta sa kusina at nagtimpla ng kape. Nilagyan ko din ang bowl ni Cherry ng gatas bago sinuot ang apron. Sinimulan kong kuhain ang hotdogs sa loob ng ref at hiniwa ito na pa-octopus katulad ng ginagawa sa Japan. Ininit ko ang pan at nilagyan ito ng mantika, minutes later nang uminit ang mantika ay nilagay ko na ang hiniwa kong hotdogs.

I was in the middle of mixing the hotdogs and the oil when I felt a strong pair of arms wrapping around my waist. His strong ambrosial smell started linger around my nose.

"Ohayo Gozaimasu, akachan." Good morning Mahina niyang sambit sa tainga ko. Medyo nakiliti ako sa init na tumama sa tainga ko.

"Morning, bakit ang aga mong nandito?" Mataray kong usal para iwasan ang kiliting nararamdaman.

"I was just resting at the sofa so I can cook breakfast, pero naunahan mo ako." Sabi niya bago kinalas ang mga braso niya sa beywang ko.

For some reason, the tingling sensation stayed. I gulped and licked my lips. What does that mean? I've never felt such sensation before.

Kumuha siya ng dalawang itlog at dahan-dahang ibinasag iyon sa platito. His graceful movements amazed me, the way his biceps flexed to reach the other pan for him to cook the eggs. I gulped again and focused my gaze to the hotdogs.

6:46 A.M. - S a y o k o 's P.O.V

I cooked some egg omelette before cutting it into small egg rolls. I placed the eggs to the table and helped Briana placed the other dish to the table. Hinanda ko na din ang mga plato at kubyertos na gagamitin.

Nagtimpla din ako ng orange juice at nilagay sa lamesa. Napatingin ako kay Briana na nakatitig lang sa akin habang tinatanggal ang apron sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin nang napatingin din ako sa kaniya. Hmm... is my soaghetti giving me hopes?

Nilapitan ko siya at kinulong siya sa island counter. Diretso ko siyang tinitigan sa mata pero umiiwas siya ng tingin.

"G-go away, S-Sayoko." Mahinahon ngunit nauutal niyang sambit. Ngumisi ako at nilapit ng dahan-dahan ang mukha ko sa kaniya.

"Push me away." Seryoso kong sabi.

Malakas niya akong tinulak na ikinagulat ko.

"Ba't tinotoo mo?" Gulat kong tanong.

"Tanga ka ba? Anong gusto mong gawin ko? Wag makinig tapos laplapin ka?" Mataray niyang sabi. Umalis siya sa harapan ko at pumasok sa kuwarto niya.

Dapat pala 'di ko sinabi 'yon!

"Potakte!" Ginulo ko ang buhok ko at natatawang hinugasan ang pinaglutuan namin. Takte! Masunurin nga pala siya.

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Riley.

"Man, can you handle the restaurant for me?" I requested.

"Sure, what happened? Dalawang araw kanang hindi pumapasok," he sounded worried.

"I'm courting Briana, my soon to be baby." Nakangisi kong sagot.

Stay With MeWhere stories live. Discover now