P A G E - 11

110 20 1
                                    

Let's play

7:40 A.M. - S a y o k o 's P.O.V

After showering, nagsuot ako ng grey t-shirt at cargo shorts. Nilapag ko ang madumi kong damit sa isang timbang may lamang tubig at lumabas para puntahan si spaghetti.

Natagpuan ko siya sa kusina at basang-basa ang mukha niya na nakasandal sa lababo. Ang katawan niya ay nakatalikod sa lababo at nakasandal siya doon. Pinagmasdan ko siya na malalim na nag-iisip at nakapikit ang mga mata.

"Spaghetti." I called her name.

Mabilis niyang idinilat ang kaniyang mga mata at nagpunas ng mukha.

"What?" Mataray niyang sagot.

"Sorry to disturb you, my spaghetti, gusto ko lang naman itanong kung na saan ang sabon panglaba mo."

"Sabon? Hmm... PANGLABA?!" Natataranta niyang chineck ang kabinet sa ibaba ng lababo pero walang naroon.

"I forgot to buy one! Arghhh!! Ang aga-aga kasing nanggulo ng isa diyan!" Bahid sa boses niya ang pagka-irita na ikinatawa ko. Masama niya akong tinignan pero patuloy lang ako sa pagtawa.

"Shut up, Sayoko."

"Hahaha, Sorry spaghetti, it's just that- hahaha!"

"Shut. Up. Sayoko. Takahashi." Mariin niyang sambit kaya huminto na ako sa pagtawa.

"Let's buy one?" Tanong ko. Sumimangot siya at tumango.

"Okay, go change." Sabi ko at sumandal sa island counter. Napatingin siya sa damit niya at binalik ang tingin sa akin.

"My clothes are fine."

"No it's not."

"Huh? Gago ka ba?" Pagmura niya sa akin.

"Your skin is getting exposed." I looked at her with disbelief eyes.

"I don't care, let's go now." Umirap siya at hawak ang wallet pati cellphone.

"Spaghetti-"

"Kung ayaw mong sumama sabihin mo, hindi 'yong pinagtutuunan mo ng pansin ang suot ko." Seryoso niyang sabi. I closed my eyes and took a deep breath to control my irritation. This girl is really testing my patience.

"Fine, just stay by my side." I retorted.

Pumasok siya sandali sa kwarto para ipaalam kay Christian na may bibilhin kami sa malapit na store. Tinanong niya din kung anong gusto nila bago kami nagtungo sa labas para bumili.

"They want cookies & cream ice cream." She happily said.

"Okay, what about you?" I asked while we're walking to my brother's car. I opened the door for her and let her in.

"Anything's fine" she answered as I entered the driver's seat.

I started the engine listened to her directions for the nearest supermarket.

"Magpapa-laundry ka ba?" Tanong niya.

"Nope, maglalaba ako."

"Wow, marunong ka? Sa kamay?" Manghang tanong niya.

"Hindi." Tipid kong sagot. Try ko lang naman e.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon