P A G E - 15

92 15 0
                                    

Pagbunyag

8:40 A.M. - Monday - B r i a n a 's P.O.V

Umagang-umaga ay maganda ang naging gising ko. Nakangiting naliligo ako na may pa kumakanta kanta pa habang hawak ang bote ng shampoo. This feeling is new to me and I love it! Pagkatapos kong maligo ay tinitigan ko ang nangingiti kong mukha sa salamin habang nagsusuot ng saleslady uniform ko. I put on some light make up at buti naman ay wala na ang kissmark na nilagay ni Sayoko.

Bago pa ako makalabas ng kuwarto ay tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Amber kaya sinagot ko ito kaagad at lumabas na ng kuwarto.

"HOY BESHIE!" Sigaw na bungad ni Amber. Nilayo ko sa tenga ko ang cellphone ko at nilagay nalang sa speaker mode. Megaphone nga pala ang boses ng babaeng 'to.

"Bakit 'yon?" Tanong ko nang makaupo sa kaharap na upuan ni Sayoko. Ngumiti lang siya sa akin at ni-mouthed ang 'Good morning'. Nginitian ko din siya at nagmouthed ng 'Good morning'. Diba? Ang landi ko na!

"SI TYLER MAGPAPAKASAL NA!" Tumili-tili pa siya ng sinabi niya iyon. Nanlaki ang mata ko sa nalamang balita at napatingin kay Sayoko na tahimik na ngumunguya ng hotdog.

"Oh? Kailan daw?" Tanong ko ulit bago sumubo ng hotdog.

"After one week! Tapos one week na hindi magkikita si Tyler at si ate ghorl!" Ani Amber.

"And?"

"Pinagbigyan tayo ni madam Reysil na magbakasyon ng one week!" Tumili ulit siya. So walang pasok ngayon? Every students wish is being granted to us saleslady.

"That's so sudden... nakabihis na ako, e." Saad ko. Narinig ko ang tawa niya bago siya tumikhim.

"Kanina lang kasi 'to sinabi, nakabihis na din kaya ako!"

Tinapos ko ang pagkain bago uminom ng tubig. Tinititigan lang ako ni Sayoko habang nangingiti siya, nakaramdam ako ng paghaplos sa may puso ko ng walang kadahilanan. Is it because he's staring at me like I'm his one and only? Sounds pretty weird but that's how I feel.

"Hoy bruha! Hindi ka na nakikinig!" Pag-agaw ni Amber sa atensyon ko. Niligpit na ni Sayoko ang pinagkainan namin kaya kinuha ko na ulit ang cellphone ko at pumasok sa kuwarto.

"Sorry, kumain kasi ako." Palusot ko.

"Tse! Ewan ko sa'yo! Nakakapagod magsalita dito, kaya bye na!"

"Sige, sa text mo nalang sabihin yung mga nakaligtaan ko." Saad ko.

"Oki, bye bye muah!" Paalam niya at pinatay ang tawag.

Nag simula na akong tanggalin ang light make-up ko at nagbihis na ng komportableng damit. A plain white oversized t-shirt and my puma shorts, with my wallet inside my pocket. Sinuklay ko ang buhok ko bago talian ng ponytail. Lumabas akong kuwarto at nakita si Sayoko na nakaupo sa sofa at nakatitig lang sa akin.

"What?" Tanong ko. I find it weird when he stares at me like that.

"Nothing, it's just that your lips looks kinda lonely, wanna befriend with mine?" Sabi niya sabay sandal sa sofa at sinuklay ang buhok niya.

Stay With MeWhere stories live. Discover now