Ikaunang Yugto

1.1K 187 634
                                    

March 14, 2010

"RAIN, rain, go away, come again another day, little children wants to play, rain rain go away.." nagkatinginan kami ni Alexa habang sabay naming kinakanta ang aming favorite song.

Sinasabayan namin iyon ng ugoy ng ulo na may ngiti sa mga labi.

Marahan kong inabot ang maliit niyang talampakan at hinaplos ito habang nakangiti ako sa bunso kong kapatid.

Nakatingala ako sa kaniya ngayon habang inaalalayan ko siya sa pagkanta. 6 years old pa lang kasi si Alexa kaya medyo bulol pa siya magsalita at may ibang lyrics siyang nakakaligtaan.

Binagalan ko ang aking pag-awit para makasabay siya.

"Naku pa, ang lakas naman ng ulan! Bumalik kaya muna tayo sa loob?" dinig kong sabi ni mama habang hawak ako sa isa kong kamay at si Alexa naman ay karga-karga ni papa.

Nakasilong kami ngayon sa isang waiting shed, may kasama kaming ibang mga taong nakasilong din na kagaya namin ay wala ring dalang payong.

Napanguso ako nang makita ko ang bakas ng pag-aalala sa mukha nina mama at papa. Medyo ginalaw nga lang ni Alexa ang paa niyang hawak ko kaya tinuloy ko ulit ang aking pagkanta.

Mula sa kinatatayuan namin, nilabas ko ang palad ko at sinalo ang mga patak ng ulang nahuhulog.

Napangiti ako nang maramdaman kong nababasa na ang mga ito. Binawi nga lang ni mama ang kamay ko nang mapansin niyang nilalaro ko na ang tubig.

"'Wag na ma, may bus na." pigil ni papa kay mama na pasulyap-sulyap sa mall na pinanggalingan namin kanina.

Nang tumigil ang bus sa harapan namin, una kaming pinasakay ni mama pagkatapos ay si papa naman.

Medyo nahirapan pa ako sa paghakbang dahil maliit pa ako at di ko pa abot ang tungtungan ng bus. Madaming tao ang nasa loob nang makapasok kami kaya medyo masikip na yung dinaanan namin.

Hindi ko napansing binuhat na rin pala ako ni papa sa kabilang braso niya at nakita kong hinawakan iyon ni mama patungo sa pwestong uupuan yata namin.

Nagkatinginan kami ni Alexa at ipinangpunas ko ang suot kong sweater sa pisngi niyang nabasa dahil sa ulan. Ngumiti siya sa akin at humagikhik nang mahina.

Nang makarating na kami sa uupuan namin, pinaupo ni papa si mama at pinasa muna sa kandungan niya si Alexa.

Si papa naman ay nakatayo sa harapan ni mama habang nakahawak sa may bakal. Karga-karga niya pa rin ako.

Nakita kong pinupunasan ni Mama si Alexa na basa ngayon pagkatapos ay yung binti ko naman ang sinunod niyang punasan. "Okay ka lang ba, Let?" dinig kong tanong ni papa kaya napalingon ako sa kaniya.

Tumango ako nang sunod-sunod habang nakangiti. Ipinakita ko pa ang thumbs up ko sa kanya. "Nag-enjoy ka ba ngayong birthday mo?"

Lumapad ang ngiti ko. "Super papa! Ganito kasaya!" nai-muestra ko pa ang paggawa ko ng malaking hugis bilog sa hangin. "Thank you so much!" masaya kong sabi sa kaniya. Napalingon naman sa amin si mama at napangiti na rin. Marahan niyang hinaplos ang braso ko.

Totoo naman talaga. Kahit ang lakas ng ulan ngayon pero super happy ko pa din dahil tinupad ni mama at papa ang birthday wish ko ngayong 10 years old na ako!

Dinala nila ako sa Intramuros, ang dream place ko! Dati rati sa libro ko lang nakikita yung tungkol sa Intramuros at sa school ko lang napapakinggan ang tungkol dito pero ngayon - nakapunta na talaga ako!

Sigurado akong mananabik ding makapunta doon ang mga kaklase ko kapag kinwento ko sa kanila 'to.

"Pakiramdam ko, magiging matalino sa history itong anak natin, Ma." nakangiting komento ni papa. Hindi ko gaanong naintindihin ang ibig niyang sabihin doon.

Blanco Carnation [Mus-alonlymAward20]Where stories live. Discover now