Ikalabing-Dalawang Yugto

175 37 106
                                    

Dedikasyong Laan Kay:
WriterHalo

HINDI ko alam kung ano nang itsura ko sa mga oras na 'to basta ang sigurado ko lang ay sobrang sama ng loob ko dahil sa mga salitang binitawan ni Samuel.

Sa bawat pagkikita talaga naming dalawa, hindi p'wedeng wala siyang masabi sa akin na pampainit ng ulo.

Para bang forte niya ang manakit ng damdamin ng ibang tao.

Wala man lang akong makitang kakonse-konsensya sa mga mata niya sa tuwing pinagsasalitaan niya ako ng kung anu-ano!

Ni hindi nga man lang muna siya mag-sorry sa akin pagkatapos niya akong saktan at pagbantaan! And take note of that, muntik pa n'ya akong patayin.

Para bang nabura sa isipan niya na sa aming dalawa - siya ang may mas malaking atraso sa'kin.

Mas lalo tuloy ngayon rumehistro sa utak ko ang lahat ng nangyari. Nagpupuyos ako sa matinding inis at mas nabubwisit ako kasi wala akong ibang magawa kundi ang manahimik dahil sa takot kong mapasama pa lalo ang sitwasyon.

Gusto ko malaman kung ano yung nagawa kong mali para hayaan ng tadhana na sa dinadami ng maaari kong p'wedeng mapuntahan ay dito pa.

O kahit sabihin nating dito, sana man lang ay ibang tao ang nakabili kay Luisa. Yung mabait-bait at madaling pakisamahan.

Halimbawa si Ignacio!

"Bakit tila yukot na yukot ang iyong itsura? Ang aking buong akala ay hindi ka pinagalitan ni Señorito?"

Napakurap ako at biglang pinlantiya ang mukha.

Diretso lang ako sa paglalakad nang ma-realize kong kanina pa pala nakasarado ang aking mga kamay.

"Hindi nga." normal kong pagkakasabi.

"E, bakit ganiyan ang iyong itsura? Nanlilisik ang mga mga mata mo at para bang ibig mong makapanapak ng tao."

Hinawi ko ang daliri niyang ipinangtuturo sa'kin.

"Hindi ah. Bakit naman ako maiinis? Napaka-abnormal ko naman kung magagalit ako nang wala man lang dahilan."

Sinuklay ko ang buhok ko.

Napatango naman si Luningning at binalik ang tingin sa daan.

"Sabagay. Namamalikmata lamang yata ako."

Sinulyapan ko siya.

"Oo, namamalikmata ka lang. Naapektuhan ka masyado sa naging pag-uusap n'yo ni Gabrielle."

Lumiit ang mga mata niya at humagikhik nang mahina. Payumi siyang lumundag. Pinagyapos niya pa ang kaniyang kamay sa tapat ng dibdib niya.

"Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kay Gabrielle? Bukod sa kaniyang itsurang mala-butuin sa kakisigan, malakas na pangangatawan - idagdag mo pa ang kaniyang buong pagkatao at pag-uugali !"

Napalabi naman ako. Buti pa siya, nag-enjoy ngayon. E ako? Pumunta nang masaya, umuwi nang bwisit.

Walang hiya talaga ang Samuel na 'yon! Kung p'wede ko lang talagang hilingin na sana mawala na siya sa eksena ay ginawa ko na. Kaya lang bawal dahil masama 'yon.

"Nakakapagpahulma pa sa kaniyang ka-gwapuhan ang peklat na nasa mata niya! Biruin mo, may marka na nga ng sugat sa kaniyang mukha subalit imbis na siya ay pumangit ay higit pa iyon nakapagpalalaki sa kaniya!"

Sa ngayon, isa lang ang maaari kong gawin. Ang pagtiisan ang ugali ng damuhong naninirahan dito hanggang sa matulungan ko na si Luisa na sagutin ang mga gumugulo sa isipan niya.

Blanco Carnation [Mus-alonlymAward20]Where stories live. Discover now