Ikalabing-Apat na Yugto

117 27 21
                                    

Dedikasyong Laan Kay:
risendreams

Nang makabalik na ako sa loob ay doon ko lang ulit na-realize na hindi nga rin pala ako makakapasok sa mansyon dahil wala naman akong official invitation.

Mabilis akong nag-isip ng plano sa kalagitnaan nang kaba na aking nararamdaman.

Dali-dali akong humakbang. "Kailangan kong mahanap si Luningning," nagpalinga-linga ako hanggang sa tumama ang aking balikat sa katawan ng kung sino. "Pasensya na po--"

Naputol ang sasabihin ko nang sumalubong sa akin ang isang pamilyar na lalaki.

Hindi ko siya pwedeng makalimutan dahil kakakita ko lang sa kaniya kanina. Umagos ang takot sa puso ko nang aking maalala ang pinag-usapan nila nung babae.

Inayos niya muna ang kaniyang salamin at mapangmata akong tinignan.

Bakas ang inis sa mukha nitong nananalantay ang dugong Kastila. Tumikhim ako at umayos ng pagkakatayo para yumuko.

"Pasensya na po.. Hindi ko po sinasadyang mabangga kayo.." pinagyapos ko ang dalawa kong kamay sa harapan.

Tumama ang paningin ko sa relos na suot-suot niya. Partikular na sa pin na nakadikit dito.

Isang bulaklak na kulay rosas sa ilalim ng celtic knot pattern.

Naningkit ang mga mata ko at pilit hinahalungkat sa aking isipan kung saan ko nga ba huling nakita ang pamilyar na logong iyon.

Napahigit ako ng hininga.

Umatras ako sa biglaang panlalambot.

"Sandali.."

Hindi ako pwedeng magkamali. Ito rin yung markang nakita ko sa kutsilyong hawak-hawak ko kahapon!

"P-papaanong.." wala sa sarili kong bulong.

Humakbang palapit sa akin yung matanda at halos magsitaasan ang balahibo ko sa katawan nang magsalita siya.

"Kung magpapakalat-kalat lamang ang isang basurang kagaya mo dito ay mabuti pang lumayas ka na."

Naputol lang ang aking pagmamasid sa kaniyang relos nang itago niya sa kaniyang likuran ang dalawa nitong kamay. "Anong titingin-tingin mo d'yan?"

Lucia, umayos ka. Baka makahalata 'yan sa'yo.

Napalunok ako at nag-angat ng tingin sa kaniya.

Hindi ako makapaniwala na kaharap ko ngayon ang taong gustong pumatay kay Samuel.

"Ang ganda-ganda po relos n'yo. Saan n'yo po 'yan nabili?" tanong ko sa kainosentehang tono.

Tinaasan niya ako ng kilay at mayabang na humalukipkip.

"Inangkat pa ito sa ibang bansa kaya hindi kailanman mabibili ng isang dukhang katulad mo ang relos na ito."

Nakatulala lang ako at hindi ko masyadong naunawaan ang kaniyang sinagot hanggang sa lampasan niya na'ko.

Anong ibig sabihin ng markang 'yon? Bakit dalawang beses ko na 'yon nakikita? At sa mga ganitong pagkakataon pa?

Pinilig ko ang ulo ko.

"Lucia, mamaya mo na 'yan isipin. Kailangan mo pang babalaan si Samuel.."

Nagmamadali akong pumunta sa aking pinanggalingan kanina.

"O, Luisa, bumalik ka?" bungad sa akin ni Mila na nakikipagkwentuhan sa kapwa kababaihan.

Natatandaan ko pa yung ilan sa kanila pero may iba na hindi ko naabutan kanina nung nandito pa ako.

Blanco Carnation [Mus-alonlymAward20]Where stories live. Discover now