Ikalabing-Tatlong Yugto

134 33 15
                                    

Dedikasyong Laan Kay:
Sacredname

TULALA kong pinagmamasdan ang sarili ko sa harap ng malaking salamin.

Unang samayad ang aking paningin sa nakasiil kong labi. Ang bibig na maraming gustong itanong ngunit 'di maaaring magsabi ng katotohanan. Ang bibig na nais sumigaw ng tulong pero nagiging pipi pagdating sa kasinungalingan.

Umakyat ang mga mata ko sa sinasabi nilang bintana na kung saan maari mong mabasa ang nilalaman ng kwentong nakasulat sa isipan ng tao. Nakipagtitigan ako doon, sa mga mata kong isa lang ang ninanais na maging katapusan ng lahat.

At 'yun ay ang makabalik na sa kung saan talaga ako nagmula.

Sa bawat pagsipol ng hanging kumakatok sa tainga ko ay siya ring pag-ihip ng napakaraming agam-agam sa'king utak.

Isa na 'ron ang naganap kahapon.

Bagsak ang talukap ng mga mata ko dahil sa matinding puyat. Magdamag ko kasing inisip ang tungkol sa nangyari. Lagi akong naalimpungatan sa tuwing napapaginipan ko ang dugo at kutsilyo na nakita ko sa sarili kong mga kamay.

Kahit ilang beses ko pang kumbinsihin ang sarili ko na namamalikmata lang ako pero sigurado talaga ako na totoo ang lahat ng mga 'yon.

"Ayos na ba iyan?"

Napakurap ako dahil sa boses na nanggaling sa aking likuran. Tumagos ang paningin ko sa reflection ni Luningning na nakatayo sa likod ko habang hinahaplos ang aking buhok.

Bahagya kong itinagilid ang aking ulo para ma-check ang pagkakaayos ng tirintas niya.

Ngumiti ako. "Oo. Ayos na."

Tumayo na ako at ilang sandali pa ay lumabas na kami ni Luningning ng bahay.

Ilang beses kaming binilinan ni manang na kahit na anong mangyari ay 'wag na 'wag kami gagawa ng kalokohan.

Bakas ang pag-aalala sa mukha niya pero at the same time gusto niya rin na palayain kami ni Luningning kahit papaano.

Nanghihinayang nga lang ako dahil kung wala sana akong iniisip na ibang bagay ay edi sana excited ako ngayon sa party na 'to.

Nakarating kami sa venue pasado 3:30 PM na. Tanaw ko mula dito sa gate ang iba't-ibang naggagandahang mga palamuti sa loob at mga taong nagkakasiyahan.

Nakasuot ako ngayon ng asul na saya na may nakadesign na pa-geometric style. Yumuko ako para kapain ang kwintas na nasa leeg ko.

Nahuhubad ko na ulit 'to kaya lang simula kagabi ay 'di ko na naman matanggal-tanggal. Hindi ko alam kung bakit.

"Hindi pa ba tayo papasok?" tanong ni Topacio.

Nakatayo siya sa baba habang kami ni Luningning ay nanatiling nakaupo sa kalesa.

"Hihintayin pa natin si Natividad. Isa sa mga kasambahay dito," napakunot ang noo naming dalawa. "Siya ang susundo sa atin. Wala naman kasi tayong opisyal na imbitasyon."

"Ano?!" halos magkasabay na react namin ni Topacio.

"Hindi pala talaga ikaw kinumbita ng selebrador ngunit bakit ka pumunta? At sinama mo pa talaga si Luisa?"

Inismiran ni Luningning si Topacio at nahuli kong nginitian niya ng pagkatamis-tamis ang isang banyagang dumaan sa gilid namin.

"Opisyal akong inalukan ngunit wala akong sulat na natanggap dahil para lamang iyon sa mga Ilustradong dadalo. May bukod na kasiyahan ang mga na taong kagaya natin."

Tinitigan ko s'ya para madiskbure kung totoo nga ba ang sinasabi niya.

"Hay nako, Luningning. Iyo pang ilalagay sa kahihiyan ang pangalan ng ating Señorito," iiling-iling na saad ni Topacio.

Blanco Carnation [Mus-alonlymAward20]Where stories live. Discover now