Ikadalawampu't Tatlong Yugto

102 16 19
                                    

Dedikasyong Laan Kay:
IdlewildReaders

"IGNACIO.."

Hindi ko masukat kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko ngayon. Para bang hinahabol ako ng isang daang kabayo sa gitna ng walang katapusang kalsada.

Nakangiti itong lumapit sa'kin habang papalit-palit ang tingin sa amin ni Samuel.

"Hindi ko inaasahan na makikita ko kayo sa ganitong kalagayan." may bakas nang pagkamangha nitong turan.

Napalunok ako.

Kailan lang kami huling nagkita pero gustung-gusto ko na agad siyang ikulong sa mga yakap ko.

Habang patagal nang patagal ang pagtitig ko sa kaniya, mas lalo naman akong nahihirapang bumangon mula sa sakit na ito.

Paano ba ako makakaahon mula sa kaniya kung siya rin ang dahilan kung bakit nagugustuhan kong manatili sa panahong 'to?

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Samuel na may halong pagkabagot.

Sa kasabikan ko ay nakalimutan kong kasama ko nga pala si Samuel. Nakatingin ito sa dalawa at kahit hindi ko siya sulyapan ay ramdam ko pa rin ang pagkainis nito.

"Yayayain ka sana namin ni Ignacio na uminom ngunit mukhang nagkakasiyahan naman kayo ni Luisa." nakangising sagot ni Gabrielle habang nasa akin ang kaniyang mga tingin.

Muntikan pa akong mapairap dahil sa pagiging malisosyo nito. Kaya lang mas pinagtuunan ko nang pansin yung isa niyang binanggit.

"Nag-iinom ka na Ignacio?" dikit-kilay kong tanong.

"Uhm..Oo? Bakit?" nag-aalangang sagot nito habang nakahawak sa batok.

Mas lalo akong nainis.

"Wala ka bang trabaho ngayon? Mamaya? Bukas? Bakit ka mag-iinom ngayon?"

"Wala akong pasok ngayon hanggang sa susunod na araw. Pahinga ko muna." natatawa nitong sabi.

Marahas akong napabuntong-hininga. "Tsk. Paano yung pag-uwi mo mamaya? Lasing ka. Huwag ka na lang uminom."

Napalabi ito. "Ngayon lang."

"Ignacio, walang maghahatid sa iyo.." lumingon ako kay Gabrielle na pinaniningkitan ako ng mga mata. "..Oy, Gabrielle? Ihahatid mo ba 'to mamaya?"

"Ha?"

"Ang sabi ko ihahatid mo ba si Ignacio 'pag nalasing 'to?"

"Hindi, s'yempre? Ano ako? Hatid-kawad niya? Kay Samuel lamang ako naninilbihan." nakanguso nitong pagtanggi. Binalingan niya si Ignacio. "..maliban na lamang kung susuwelduhan niya rin ako."

Natawa si Ignacio at sinuntok si Gabrielle sa braso.

"Huwag na talaga."

"Ignacio." madiin kong tawag. Tumingin ito sa akin.

"Luisa, sige na. Minsan lang kami--"

Blanco Carnation [Mus-alonlymAward20]Where stories live. Discover now