Ikadalawampu't Dalawang Yugto

103 13 11
                                    

Dedikasyon Laan Kay:

MAAGA ako ngayong nagising dahil nagyaya si Isabelle na makipagkita sa akin.

Pinuntahan pa talaga ako ni Ignacio kahapon para lamang sabihin ang gustong mangyari ng kaniyang nobya.

'Sabroso Comienza'

Iyon ang pangalan ng restaurant na pinagkasunduan namin. Malapit lamang ito sa Santa Potenciana kung kaya't pumayag na rin ako. May pagka European-theme ang restaurant na hinaluan ng Spanish style.

Minabuti ko na lang na pumwesto sa may tabi ng bintana kaya heto ako ngayon, tamang emo lang habang pinapanood yung mga karwaheng dumaraan sa kalsada.

Mapait akong napangiti.

Hindi lang pala ako sa kalesa naunahan ni Isabelle, kundi pati na rin kay Ignacio.

"Luisa!" napalingon ako sa tumawag sa'kin.

Nakita ko ang aking hinihintay na fresh na fresh ang aurahan ngayon. Para siyang anghel na naglalakad ngayon sa harapan ko.

Napakaamo ng kaniyang mukha na binagayan pa ng kaniyang matamis na ngiti. Wala man siyang masyadong kakolo-kolorete pero hindi 'yun nakabawas sa kagandahan niya.

Kumaway ito sa akin.

"Isabelle." pilit ang ngiting bati ko.

"Kanina ka pa ba?" tanong nito nang makalapit na siya. "Pasensya ka na. May inasikaso kasi akong pasyente kanina."

"Ayos lang. Medyo kararating ko lang din naman."

"Buti naman kung ganoon. Nag-aalala ako na napaghintay kita nang matagal."

Nang umupo na siya ay bumalik na rin ako sa pagkakaupo.

Napakalumanay ng pagsasalita niya. Ang lamig sa pandinig. Pati pagkilos niya ay sobrang yumi. Ideal girl ika nga sa panahong 'to.

"Nakapili ka na ba ng ibig mong kainin?"

"Hindi pa."

"Sagot ko ngayon, ha?" nakangiti nitong pagpapauna sa akin. Tinawag niya yung waiter. "Isa nitong paella tsaka baguet"

Humarap ito sa akin.

Ang maliit at may pagkasingkit niyang mga mata ang isa kong napansin. Nabanggit ni Ignacio na may lahi palang Japanese itong si Isabelle.

Pati yung matulis sa munting ilong nito at ang katamtamang laki ng labi niya ang tunay ngang nakadagdag sa kaniyang beauty asset.

"..Ikaw, Luisa?"

Masyado akong natutulala sa itsura niya. Hindi na ako nagtatakha kung bakit siya nagustuhan ni Ignacio.

"Uhm..Ito na lang, pasta."

"Iyan lang? Pumili ka pa."

Napakamot ako sa noo. Tatanggi na sana ako kaya lang gusto ko nang umuwi.

Mabait naman siya sa akin pero ayoko nang patagalin 'tong pagkikita namin.

Blanco Carnation [Mus-alonlymAward20]Where stories live. Discover now