Prologue

10.1K 260 79
                                    

Prologue

"Kailangan na nila maikasal sa mas madaling panahon," a guy in a suit and tie said.

"We'll focus on that after this day," my father replied.

Nagmamadali akong bumalik sa kwarto ko matapos sumilip sa isang kwarto na may ilang men in back.

Halos hindi ko na ilapat ang aking paa na walang saplot sa sahig makabalik lang ng payapa sa kwarto.

Kabang kaba ako na dumeretso sa isang walk-in closet at nanginginig ang mga kamay na kumuha ng mga damit kong naka hanger at basta na lang iyon inilagay sa loob ng aking malaking maleta.

Mabilis kong itinali ang aking kulay caramel na buhok. Nagbihis ako ng pantalon mula sa night gown na suot ko. Nagsuot ako ng tshirt at pinaibabawan ko ito ng hoodie jacket.

Sinarado ko ang maleta ko at nagmamadaling kinuha ang wallet at cellphone ko.

"Yango! Let's go, Boy! Hop on my shoulder!" mahinang sigaw ko sa alaga kong hunyango na kaninang tulog sa aking kama.

Tamad itong bumangon sa kama at kahit walang alam sa nangyayare ay sumampa ito sa aking balikat.

Hinigit ko nang maingat ang aking maleta pababa sa kama ko at dumeretso sa balcony ng aking kwarto. Sinilip ko ang baba at saktong naroon na ang taong naghihintay sa akin na maghahatid sa akin sa bus station.

Wala nang pagdadalawang isip na inihagis ko ang aking maleta sa damuhan saka ako nag umpisang bumaba sa emergency ladder na nasa balcony ko.

Pagkababa ko sa damuhan ay inalalayan ako ni Nana Cely.

"Jusko kang bata ka! Noelle, ang mga habilin ko sa iyo ay huwag mong kalimutan, ha!" sinakluban pa nya ako ng scarf kaya tumango ako bago naglakad papunta sa gate ng backyard kung saan nakaparada na sa labas ang sasakyan.

"Opo, Nana! I promise that I will call you once I get a chance," niyakap ko si Nana bago ako lumabas ng gate. "Thank you. Keep safe, po!"

Sumakay na ako sa SUV na service ko. Tahimik ako sa loob at tanging si Virgo lang na syang bodyguard ko ang kasama ko sa loob.

Thirty minutes rin ang itinagal ng byahe bago ako nakarating sa bus station. Bumaba si Virgo para tulungan ako sa aking gamit. Si Yango naman ay pumasok na sa bulsa ng jacket ko.

"Make sure that Nana will be safe," habilin ko na tinanguhan nya.

"Be safe too, Noelle. Remember that you'll face different kind of people," pormal nyang sabi saka ako tinalikuran na.

Binalot ko ng scarf ang aking mukha at naghanap na ng bench kung saan pwede akong pansamantalang maupo dahil mamaya pang alas sais ang dating ng bus.

Dumating ang bus, kaya mabilis akong sumakay roon para hindi na ako mahirapang maghanap ng upuan mamaya.

Nilagay ko sa lagayan ng bus ang aking maleta at naupo na. Si Yango naman ay lumabas na sa bulsa ko at sa kamay ko na nagpahinga.

"We'll have a little adventure, okay? Stay with me," bulong ko sa kanya.

Ang kulay green nyang kulay kanina, dahil sa pagdikit sa jacket ko, ay naging kakulay na ng aking balat nang pumunta sya sa kamay ko.

I took at deep breath before looking outside the window.

Saglit lang ang naging byahe dahil sa malapit lang naman ako pansamantalang manunuluyan.

Kapag sa mas malapit kasi ako pumunta ay mas hindi nila pagdududahan na naroon lang ako. S'yempre, iisipin nila na sa malayong lugar ako pupunta dahil nga naglayas ako.

Tangled In The Great Escape (Saint Series #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now