Chapter 17

4.2K 173 54
                                    

Chapter 17

Nang pumasok kami sa bahay ay dumeretso na ako kaagad sa aking kwarto para makapagpalit na ng damit dahil nanlalagkit na ako.Hanggag sa aking pagbababad sa bathtub ay wala akong naisip kundi ang mga sinabi nila Avery at Ramon.

Para naman kasing nilagyan na nila kaagad ng finality ang buhay ko.Parang kailangan ay sa kauri at kalebel lang ako magkagusto.

But, anyway, it's not my priority, though.Kung makakapag asawa ako,eh 'di ayos...At kung hindi naman,ay ayos lang rin.As long as I live and enjoying my life, I'll be fine.

Nagpalit ako ng pajama ko na fatigue ang design.This is from Ramon,too.Binili niya ito noong nagkaroon kami ng summer camp last year para sa charity event na isinagawa namin.

Ang pantaas ko naman ay simpleng kulay puti na tshirt.

Lumabas na ako ng aking kwarto at nakasalubong ko naman si Lorain na galing sa kanya ring kwarto.She stared at me for awhile before offering her arms.

Mabilis akong lumapit sakanya at yumakap.She then kissed my forehead.

"May problema ba ang kakambal ko?"she asked in the sweetest way.

Naupo kami sa pinaka unang baitang ng hagdan mula sa ikalawang palapag.Rinig na rinig din namin ang tawanan at malakas na kuwentuhan ng mga bisita.

"Lor...is it really impossible that someone might like me?I mean,those who're in high profile?"tanong ko.

Parehas kaming umisod at sa sahig na naupo saka kami nag indian seat at humarap sa isa't isa.

"Sino ba ang mag iignore sa beauty mo?Saka sa lahat lahat sa'yo?"marahan niyang tanong.Alam na may iniinda ako."Tell me,Elle.May nasabi ba sayo si kuya?"

"W-wala naman—"

"You're still in love with him,do you?"tanong niya at ngumiti ng marahan.Nangunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi.

"Ha?Wala akong gusto kay Ram—"

"I know!Hindi si kuya ang tinutukoy ko,girl!"she said and giggled.

"Ha?Sino ba?"nagtataka ko nang tanong.

Tumayo si Lorain saka ako hinigit papasok sa kwarto ko.Dumeretso siya sa aking closet at may kinuha doon.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na kinuha kay Lorain ang leather jacket ni Jacos na matagal ko nang tinatago.They've been asking me about it pero wala ako ni isang sinasagot kapag tungkol sa jacket o sa kahit ano na may kinalaman kay Jacos.

"P-paano mo nalaman na nakatago pa ito?"tanong ko saka naupo sa kama at mabilis namang sumunod si Lorain.

She took the jacket from me and looked for something in it.Muli niyang iniharap ang jacket sa akin habang siya ay ngiting ngiti.

"See? There's an SSA here!"she pointed the upper right chest of the jacket.

Kinuha ko ang jacket at pinakatitigan ang initials doon na ngayon ko lang nakita.

"That's the jacket that SSA agents has been using for the past decades!May ganiyan si papa kaya alam ko!"she flipped her hair and let out another giggle."Galing iyon kay tito Alfonso."tukoy niya sa ama ni Jacos kaya napatango ako.

"Eh,paano mo nalaman na kay...Jacos ito?"tinuro ko pa ang jacket kaya nagulat ako nang magtatalon sa sahig si Lorain saka ako niyakap bago uli siya tumalon.

"Girl,hindi mo na talaga tinignan iyan dahil sa ka-bitter-an mo,ano?"pang aasar ni Lorain saka naupo uli sa aking tabi nang kumalma na."May initials ni Jacos sa may collar part."she said kaya bilis bilis kong hinanap ang parte ng collar.

Tangled In The Great Escape (Saint Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon