Chapter 8

4.7K 199 36
                                    

Chapter 8

Nakarating kami sa long table na nakahanay sa Sebastian road.Ilang long tables iyon na magkakahanay.

Si Cheryll at River naman ay hindi na ako nilayuan.

I don't know what's with River pero I'm curious about him.Biglaan ang kanyang sulpot sa eksena.Lagi ko syang nakikita dito sa school pero ngayon lang sya namansin.

Or maybe, he's just really like that.

Humanay na rin kami.Magkakatabi kaming tatlo nila River at Cheryll at iba pang kasamahan ko sa club habang sa tapat namin ay sila Jacos kasama sila Lily at ang buong archery team.

"Groufie!"Lily announced at nagpicture nga sila doon.Si Jacos naman ay tahimik na tumingin lang sa camera bago nya ako nilingon at ngumuso pa sya kaya tinitigan ko sya.

"Pwedeng tumawid dito,Hakos,kung miss mo na kaagad."biglag sabi ni River kaya doon naputol at titigan namin ni Jacos.

Umiwas ako ng tingin at tumingin nalang sa unahan dahil naroon si tita na katabi na ngayon sila Romulo,Chano,Jonah,Chris,at Drake.

May mga plastic gloves na rin sila sakanilang kamay at mga mas handang handa pa sila sa amin.Si Romulo naman ay halatang nahigit lang nila dahil mukhang bored na bored na.

Nagsimula na kaming kumain matapos ang kaunting speech ni tita.Nagulat pa ako nang biglang tumabi sa akin si Drake at pinaisod si River na nananahimik lang naman.

Sila Romulo naman ay nasa tapat namin katabi nila Jacos at Lily na hindi mapaghiwalay.

Madami rin palang chicks kahit mabait sya.Nakakaloko naman.

"Ano to?"tanong ko kay Cheryll saka tinuro iyong parang bilog na may harina yata.

"Calamares yan,Elle.Masarap yan!"she smiled at me kaya tumango ako at hinawakan ang pagkain.Bigla namang hinawakan ako ni Drake sa kamay.

"Ano?"bored kong tanong dahil kanina pa sya nanggugulo.

Lahat yata ng kinain ko ay nakagatan na nya.

"Food check muna.Baka kalbuhin ako ni Miks."he reasoned out kaya inirapan ko sya talaga.

Napalingon ako kay Jacos na nakatitig sa akin at nakanguso na akala mo ay nagpipigil ng ngiti.Nakita ang pag irap ko.

Ano bang problema ng isang ito?

"Here."biglang sabi nya at may nilagay sa tapat ko na Cordon Bleu.

"I know this food already."sumimangot ako kay Jacos at tumango naman sya.

"Kaya nga iyan ang kainin mo.Para hindi na i-food check."seryoso nyang sabi saka tumingin saglit kay Drake na nakataas na ang isang kilay sakanya.

Hindi umimik si Drake pero tumawa lang sya ng mahina at nagkibit balikat saka nagpatuloy na sa pagkain.Hindi na chineck ang pagkain na galing kay Jacos.

Natapos ang pagkain namin at saglit pa silang naglaro doon na sinalihan ng grupo nila Drake na panggulo sa mga Baste.Syempre si Romulo ay hindi manlang nag abala na makisali at nakipag usap nalang kay tita.

Natapos kami doon at bumalik na sa kanya kanyang bahay habang sila Drake ay sumama kay tita sa Homer's B.

Nang makarating sa bahay ay dumeretso kaagad si Jacos sa kanyang kwarto.Sinarado ko muna ang pinto bago ako pumanhik paakyat sa second floor.

Mabilis lang ang naging pagligo ko at saktong labas ko sa bathroom ay nakita ko si Yango na tumalon sa bintana kaya bilis bilis akong tumakbo pababa ng first floor at hindi na nag abalang magbihis kahit nakatapis lang ako.

Tangled In The Great Escape (Saint Series #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now