Chapter 5

5.1K 224 78
                                    

Chapter 5

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ni Jacos sa trabaho dahil hanggang lunch lang naman ang shift namin.Abala na kami kaagad dahil sa dami ng mga estudyante na may mga morning jog.Ang iba naman ay mga riders na napadaan lang para sa kanilang stop over.

"Table eleven!"I announced at agad na lumapit si Jacos at kinuha ang tray.

Si Gel ang nasa counter habang ako ang nag aabot ng order.

"Elle,makiki assist si Mazy sa labas saglit."sabi ni Rio nang papasok na sya sa kitchen.

Tumango ako at nagpaalam kay Gel na abala.She nodded quickly kaya lumabas na ako.Nakasalubong ko pa si Jacos na pabalik sa counter.Kumunot ang noo nya sa akin saka ako sinundan ng tingin.

Dumeretso ako sa labas na area ng lomihan at agad kong nakita si Mazy na hindi na halos maintindi ang mga tao dahil sa dami.

Maraming estudyante sa labas pumwesto.

Lumapit ako kay Mazy at agad syang napabuntong hininga nang makita ako.

"Pasensya na,ha.Paki kuha naman ng order ng iba.Thank you!"she told me kaya tumango ako at kinuha ang notepad sa bulsa ng aking apron na suot at lumapit na sa ibang table.

Napunta ako sa table ng mga estudyante.Mga taga St.Lucianna.Karamihan ay mga lalake kaya kinabahan ako dahil halatang mga...barumbado.

"Hi,Miss!Bago ka rito?"tanong ng isang lalake.

Maayos at mukhang matitino sila pero ramdam mo sa aura nila na may taglay silang yabang.

"Your order,Sir?"tanong ko.Avoiding the question.

Nangunot ang noo ng nagtanong sa akin.

"May tinatanong ako—"

"Will you cut it,Zach?"biglang pigil sakanya ng isang lalake na medyo familiar.

"Oh come on,Payton!"umirap yung isang lalake.

Huminga ako ng malalim at binalingan iyong Payton raw.

"Order,Sir?"tanong ko.

He looked at me intently bago ngumisi.

"Ten special,Roste—"

"Ten special lomi.What else,Sir?"tanong ko pero ngumisi lang sya saka nagtaas ng isang kilay at ngumuso saka siniko ang kalapit.

"What else,daw?"tanong nya dito.

"Three big Cokes."sagot ng katabi ni Payton.

"Alright!Coming right up!"nag bow pa ako sakanila saka tumalikod at doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Si Jacos na ang pinagdala ko ng order nila na halatang ipinagtaka nya pero hindi nalang nagtanong.

Dumaan ang oras ng aming shift hanggang sa dumating ang tanghalian kaya kumain na kami at naghanda na sa pag uwi.Hindi na ako nagpalit dahil doon nalang ako sa bahay maliligo.

Kinuha ko na ang aking gamit at sabay kami ni Jacos na pumirma ng aming out bago kami naglakad na palabas.Napalingon ako nang tawagin si Jacos ng isa sa mga Lucians.

"Hakos!"

Hindi ko alam na naroon parin sila.May mga hawak na libro o di kaya ay mga abala sa laptop.

Perks of being a Saint student,huh.Kahit gaano ka kayaman,kasikat,o kayabang...mga nag aaral parin naman ng matino.Being one of the Saints is indeed a big deal.

And iyon ang nakakabilib sa mga mag aaral nila.

"Oy,Zacho.Bakit?"lumapit sakanila si Jacos kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Tangled In The Great Escape (Saint Series #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now