Chapter 1

7.2K 219 57
                                    

Chapter 1

"You, boys, how many times do I have to tell you that archery is not allowed in de Dark during night times?!" galit na sigaw ng dean.

Narito kami ngayon sa main office at kaharap ko iyong apat na lalake kanina na nag a-archery.

Sino ba kasing nagsabi na doon sila? Saka gabi na, 'di ba?

"We are sorry, Dean. Hindi na mauulit," pormal na sabi noong nakasira ng maleta ko.

Nabutas lang naman. Mabuti nalang at hindi ko doon inilagay si Yango kanina. Kun'di, baka patay na s'ya ngayon. Of all things, si Yango ang hindi ko kakayanin mawala.

He's my only friend and a memory that my mom left me.

"Oh, s'ya umalis na kayo!" galit na sabi ng dean kaya mga nakayuko silang apat na nag alisan palabas ng pinto ng office.

Sinilip pa ni Dean ang pinto bago s'ya nag aalalang lumapit sa akin.

"Nako, pasensya ka na talaga, Noelle—"

"You can call me Elle here, Tita," putol ko sa kanya at nag aalala s'yang tumango.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo? I mean, you can go back in the palace right now," hinaplos n'ya ang buhok ko.

Napahinga ako ng malalim bago dahan dahang umiling.

"Tita, hindi pa ako handang sa pagpapakasal," mariin kong sabi.

Naiiyak na ako sa nangyayare sa buhay ko pero ayaw ko naman maging mahina. Sarili ko na nga lang ang kakampi ko tapos susuko pa ako? Saka... nandito na ako, eh 'di papanindigan ko na.

"Buweno, ayos na ang lahat ng sa enrollment mo dito," bumuntong hininga si Tita Raquel bago iniabot sa akin ang folder ng credentials ko. "Pwede ka naman sa bahay na muna habang hindi ka pa uuwi sa inyo,"she offered na inilingan ko.

"Thanks, Tita. Malaking tulong na ang lahat ng ito," tumayo na rin ako nang tumayo na si Tita mula sa kanyang swivel chair.

Hinaplos ni Tita ang buhok ko bago ako tinitigan nang may lungkot sa mga mata.

"You really looked like my sister," she whispered kaya napangiti ako.

"Kayo rin po."

Sabay kaming natawa sa aming usapan.

Of course she looks like my mom. They're twins, anyway.

Pinakuha na nya sa tauhan ng school ang bagahe ko at dadalhin iyon sa lobby ng main dorm.

Nagulat pa ako nang makita ko si Drake sa labas ng main building at kasama nya doon ang kaibigan nya na madalas nyang kasama.

"Ayan layas!" pang aasar na nya sa akin kaya nakatanggap sya ng masamang titig kay Tita.

"Saan sya tutuloy? Baka pwedeng sa atin?" ngumisi iyong kaibigan ni Drake kaya siniko sya ng pinsan ko.

"Jonah, manahimik ka kung wala kang magandang suggestion!" umirap ito saka ako sinamaan ng tingin. "Kapag ikaw bata ka nahuli ni Tito ay pare-parehas tayong lagot!"

"Hay nako, Drake, tigilan mo nga itong pinsan mo! Tara na at anong oras na."

Sumakay kami sa sasakyan ni Drake na nakaparada lang sa tapat ng main building at bumaba kami sa main building para sa mga dormitory.

Nagulat pa ako ng makita doon si Romulo na kausap iyong lalake kanina na sumira ng gamit ko.

Dumeretso kami ni Tita sa desk ng namumuno sa mga dorm at bigo itong umiling nang magtanong kami kung may space pa.

Tangled In The Great Escape (Saint Series #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now