Chapter 9

4.8K 197 74
                                    

Chapter 9

"You know I can...uh,do some magic tricks using Yango."ngumiti si Jacos nang makaparada sya ng kanyang sasakyan.

Inalis ko ang seatbelt ko at tinignan sya ng masama.Katitila lang rin ng ulan.

"Magic like what?Like changing his colors in no time?"nakasimangot na sagot ko sakanya kaya natawa sya.

"Loosen up kasi!You can show yourself up there kanina,Noelle.You just didn't do it."sabi nya at sabay na kaming bumaba sa kanyang sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

"I can't and you know it."

"I don't.You're not telling me."ngumuso si Jacos kaya napailing ako at naupo na muna sa couch habang sya ay dumeretso sa kusina para ihanda ang pagkain.

Nakita ko naman si Barbara na pababa ng hagdan...at nasa ulo nya si Yango na nakasakay roon na akala mo ay hari sya.

Napailing ako at sumenyas kay Yango na lumapit sa akin kaya mabilis itong tumalon pababa kay Barbara na pinapanood lang ang paggalaw nya.

Manang mana sa amo.

Pinatong ko si Yango sa ibabaw ng lamesa habang si Barbara naman ay naupo sa tabi ko saka sumiksik sa loob ng uniform na suot ko.I laughed at her saka sya hinaplos doon.

Nakipagtitigan lang naman sakin si Yango hanggang sa dumating na si Jacos.

Naiilang sya na ewan habang pinapatong ang mangkok sa lamesa at nakatitig nanaman sya kay Yango.

Nag umpisa na rin kaming kumain habang sila Yango at Barbara naman ay magkasamang pumunta sa kusina.

Buti pa alaga ko may kaibigan na.

"Taga saan parents mo?I mean,ano pala ang business nyo?"tanong ko sa gitna ng katahimikan naming dalawa.

"Agency."tipid nyang sagot saka nagkibit balikat.

"Agency ng?"

"Agents."

Dahil parang ayaw naman nyang pag usapan ang kanyang personal life ay hindi nalang ako nagtanong pa.He's avoiding the topic and I respect that.He has the right not to answer and he's not obliged about it and so am I.

Kahit naman kung ako ang tanungin nya ay hindi rin ako magsasabi ng kung ano.It's my privacy.Siguro,kaya may idea sya na anak ako ng presidente ay dahil sa mayaman sila at nakita na nya ako sa iilang gathering na napuntahan ko.

Sadyang hindi lang siguro talaga sya mausisa.

Matapos namin kumain ay nanood muna kami ng TV dahil hindi pa naman daw sya inaantok kahit first game na nya bukas.

Hanggang alas dose yata kami nanood bago ako sumuko at natulog na.

Kinabukasan ay maaga palang ay nambubulabog na si Jacos dahil hindi raw nya makita ang kanyang medyas na tinangay raw ni Yango kagabi.

"Marami kang medyas,Javier Cohen."sabi ko habang naka pwesto sa may pinto ko at pinapanood si Jacos na hanapin si Yango na hindi ko rin alam kung nasaan.

"Marami nga,Noelle."hinarap nya ako,looking problematic."Pero wala ang mga kaparehas lahat!"he hissed at inis na inis na sinilip ang ilallim ng kama ko.

Gusto kong matawa pero baka mas mainis lang sya."Teka nga,eh,bakit ba si Yango agad ang sinisisi mo?"

"Sinong sisisihin ko?Ikaw na wala sa bokabolaryo ang manghimasok?"umirap pa sya sa akin kaya natawa na talaga ako at umiling.

"Bahala ka riyan."kinuha ko na ang tuwalya ko."Maliligo na muna ako.Pasabay pag alis mo—"

"T-teka!Patapusin mo muna akong hanapin ang medyas bago ka maligo!"para syang nataranta kaya napatango nalang ako at tinulungan na lang rin sya.

Tangled In The Great Escape (Saint Series #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now