Chapter 3

5.8K 217 153
                                    

Chapter 3

"You sure you're still going?"tanong ni Jacos nang nasa parking lot na kami.Saktong dating ng ilang sasakyan ng mga estudyante.

Nakapagsabi na sya sa boss nya na ipapasok nya ako at pumayag naman.Basta raw ay magpapasa ako ng resume sa lunes

Pasakay na dapat kami sakanyang sasakyan nang maglapitan sakanya ang mga estudyante kaya ako nalang ang sumakay at baka may makakilala pa sa akin.

"Ikaw,Jacos,may babae ka nang kasama ngayon sa sasakyan mo,ha!"biro ng isang babae.

Lima silang babae.

Medyo bukas ang bintana ng sasakyan kaya rinig ko ang kanilang usapan.

"Ah,hindi.Kasamahan ko lang sa school."

"Hoy,ikaw,Natasha,issue ka talaga!"siniko noong babaeng kulot yung nagsalita kanina.

"Stupid! I'm just asking,you know?!"

"That's enough,girls!Ayon na sila Reego!Tara na!"pigil sakanila noong isa.

"Basta,girls,behave ha!He might ignore me again!"sabi noong kulot.

"Tara na nga! Ang gagang ito push na push sa lalakeng kasusungit na iyon!"

"Bye,Jacos!See you!"

"See you,girls!"sagot ni Jacos saka pumasok na sa driver's seat.

Ngumisi sya sa akin nang makita nyang sinusundan ko ng tingin yung lima.

"Those are some of the girls of Javier and Regidor.They're close and...sosyal."he said na tinanguhan ko nalang.

So,girls mo sila?

Tinignan ko uli ang side ng lomihan.

"Anong mayroon doon?"tanong ko nang may van na tumigil at may nilabas silang gamit.

Bumaba doon ang apat na lalake na may kanya kanyang dala na gamit.Puro matatangkad at makikisig lahat.

"Gig tonight.Kasama doon yung Reego na sinasabi nila."he shrugged and started the engine.

"Iyong bassist?"

"Yep.Interested?"sumeryoso sya saka ngumisi uli.

Tumango ako.

"Interested.To their music."ngumuso ako saka tumango tango.

Nakarating kami sa Sebastian at pagpasok palang sa gate ng ay ang daming Baste na mga naglalaro yata  dahil naghahabulan sila sa kalsada.

"It's Saturday it's playtime."he informed me kaya tumango ako."You want to join them?"tanong nya.

Sinilip ko ang bintana at nakita na wala akong alam sa nilalaro nila.

May mga guhit sa kalsada tapos naghaharangan sila doon.Mukhang masaya kaso wala akong alam doon.

"I don't know that."umiling ako."Next time na lang."

"Whatever you like."ngumiti sya saka ipinasok na ang sasakyan sa gate na bukas sa hindi ko alam na kadahilanan."Seriously,where do you used to live?In a tower?"ngumisi sya at nag uumipisa na mang asar.

Bumaba na ako sa kotse at ganoon rin sya.

I shrugged."In a white palace."diretso kong sagot na ikinatawa nya.

"Oo nga pala."he shook his head saka kami sabay na pumasok sa pinto na bukas rin."I'm pretty sure that Feliciano's here."he whispered.

Dumeretso kami sa loob at hindi nga kami nagkakamali dahil nasa sala nga si Feliciano at nakaupo sa sahig habang tinititigan si Yango na nasa center table.

Tangled In The Great Escape (Saint Series #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now