Chapter 7

4.6K 186 87
                                    

Chapter 7

"Table two!"sigaw ko at mabilis naman na nagsikilos ang mga waiter namin dahil sa marami ang inorder ng mga nasa table two.

Mga Louis yata sila.

"Jacos,type ka raw nitong si Michelle!"

Pasimple ako na napatingin sa gawi nila Jacos na naglalapag ng mga order ng table two.

"Napaka ingay mo,Echo!"inis na saway noong Michelle siguro.

Mukhang magkakaklase sila.She's familiar.

Nakita ko naman na nakitawa lang si Jacos sakanila saka umalis doon para kuhanin ang ibang order mula sa ibang table.

Ako ngayon ang naka assign sa pag aabot ng pagkain sa mga waiter.

Ilang order pa ang isinigaw ko sa mga waiter dahil paparami ang mga tao sa loob.Umalis na rin ang mga Louis at mga Agnes na may kasamang taga ibang school naman ang mga nagdatingan.Mga nagparinigan pa nga sila.

Agnas at Louto pala ang tawag ng mga Agnes at Louis sa isa't isa.How cute.

Malapit sila sa may counter pumwesto kaya rinig ang tawanan at usapan ng mga babae na obviously ay mga pinagtitripan lang naman ang mga Louis na mga triggered kaagad sakanila.

"Galit na galit sila sa mga Agnes,eh yung kapatid ng pinuno nila ay pinopormahan na ni Rore nang wala silang kaalam alam."tumawa iyong isang babae.

"The Little Louto."sabi noong isa."I actually like her for Romulo.I don't know why."she shrugged.

"Haynako,Liah!Sino ba namang aayaw doon? She's so cute at magaling sa volleyball!"sabi pa noong isang babae.

Sila iyong mga kaibigan nila Drake.

"Pahirapan ko kaya yon?Baguhan na libero diba?"

"Biancs,baka mag friendship over kayo nyan ni Rom!"tumawa yung isa.

"Hindi yan!Saka alam naman na noon.Sabi ay sige lang raw at bilib daw sya doon."

"Ikaw, Ericka,kailan mo balak magpapansin kay Martin?"

"No way,Gab!No way!"

Hindi ko na sila pinansin dahil may dumating na panibagong mga costumer kaya agad kong inasikaso ang kanilang order.

"Hi,Jacos!"

Bati noong mga magkaka ibigan na babae kay Jacos nang mapadaan ito sa harapan nila.

"Hi,Bianca,Ericka,Gab,and Liah!"

Buti pa sya magaling sumaulo ng mga pangalan.Ako hanggang ngayon ay medyo lito parin pagdating sa mga kasamahan ko sa club.

"Baste War nyo na pala ngayon,ano?"tanong noong Bianca.

"Yeah."tumango si Jacos.

"I always wonder how to be part of Baste War."Liah sighed."Sino housemate mo?"

"OMG,ang pagkakarinig ko ay babae raw.Tama ba, Jacos?"ngumisi si Bianca at nagkibit balikat naman si Jacos.

Bigla naman akong tinawag ni Gel para asikasuhin ang ilang costumer kaya kumilos na kaagad ako at hindi na narinig pa ang pinag uusapan nila Jacos.

Hindi rin kami nakapag early out ni Jacos dahil sa dami ng dumating na mga costumer kaya nang dumating kami sa bahay ay mabilis akong nagpalit ng shirt.

Kay Jacos pa ang nasuot ko dahil wala pa naman akong kahit isang Baste shirt.May Santiago pa tuloy sa likuran ng damit.

Naka leggings rin akong kulay grey.

Tangled In The Great Escape (Saint Series #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now