Chapter 28

4.1K 151 31
                                    

Chapter 28

"So,anong plano for today?"tanong ni Lorain saka naupo sa sahig.

It's been a week since that 'mission failed' happened.Narito kaming lima ngayon sa veranda at pinatawag pa talaga kami ni Amanda para sa kasunod na plano.

"Well,based on Lucas' sched,their team will be having a duty at the palace for today."she said while holding Lucas'phone.

Napailing ako.Ang cellphone ni Jacos ay hindi ko na alam kung saan ko ba nailagay.Hindi ko na rin kasi nagamit matapos noong sa eroplano.Probably deadbatt.

"O,tapos?"tanong ni Avery na naka bra at panty lang kaya nginiwian ko s'ya at hinagisan ng towel.She rolled her eyes.

"Tapos pupunta ta'yo kung saan naroon si Jacos!Ang alam ko ay s'ya raw ang mag e-escort sa anak ng business tycoon from Japan."Amanda shrugged and looked at me.

"Ang he-heavy ng kalaban mo, girl!Si Heather na prinsesa,tapos ngayon naman ay anak ng Hapon na business tycoon!"ngumiwi si Avery.

I shrugged.

"Ako ang minahal."pagyayabang ko.Humalakhak si Cara.

"Na ngayon ay ayaw na kausapin?"

"Bunganga mo,Sis,madumi."umirap ako sakan'ya kaya mas natuwa ang babaeng ewan.

"Eh,ano nga ba kasing plano?"tanong ni Lorain saka dumungaw sa railings.Mabilis ding bumalik sa dati n'yang pwesto na para bang nagulat s'ya."Nariyan si Brigs sa baba!"she announced.

"Eh,ano?Kagabi pa iyan d'yan. S'ya ang bantay."dull na sagot ni Cara.

Nailing nalang ako sa aming lima na walang ginawa kundi ang magbarahan pero heto at magkakasama parin naman.

I think, friendship doesn't always require to be sweet to each other to let them feel that you care.Being there through thick and thin is all that matters.And of course, being real.

"Here's the plan for today..."panimula ni Amanda kaya sakan'ya na natuon ang aming atensyon."If Lorenzo didn't work out,then let's do something different."

"Different like what?"tanong ko.

"Hindi ba't matinik sa chicks si Jacos?"she replied and I shrugged.I don't know exactly.

"Oo at pati ta'yo ay attracted sakan'ya.What is it?"balewang sabi ni Avery na para bang wala rito ang ex ng pinag uusapan nila at para bang wala silang boyfriend.

"Expected na pasimpleng lalandiin iyon 'nung haponesa.Based kasi sa sinabi ni Bebe ko,iyong babae pa raw talaga ang nagrequest na si Jacos ang gawing escort."mahabang paliwanag ni Amanda kahit wala parin doon ang thoughts ng kan'yang plano.Nice."So,ang gagawin natin,manggugulo."she added and smiled like we all get what she just said.

"O...kay?Paanong panggugulo?"tanong ni Lorain.

"Panggugulo.Pipigilan natin si Jacos na lumandi!"confident na sagot ni Amanda.Tumango ako saka sumandal kay Cara.

"Babalik ba si Jacos n'yan sa akin?"

"Well,baka mainis s'ya at kausapin ka para tigilan na s'ya pero baka pwedeng maisisingit mo doon ang balikan n'yo."she said.Tumango nalang kaming apat kahit para walang mangyayare sa sinasabi ni Amanda.

Matatapos na yata ang love story namin,heto ako at hindi pa s'ya nakakausap ng matino.

Nakakapagtaka nga na hindi n'ya pa pinapa announce kay daddy na called off na ang engagement,eh.Ewan ko ba naman kasi sa isang iyon at sumuko na ng tuluyan.

Sabagay,shit happens kasi.Kung noon ay umayaw rin ako at hindi n'ya ako iniwan,then I think I should do the same thing.Hindi naman pwedeng s'ya nang s'ya ang lalaban, 'di ba?

Tangled In The Great Escape (Saint Series #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now