Chapter 22

29 29 0
                                    

'Kiely POV'

"I do Love you, Archer"

Ngumiti siya sa narinig niya mula sa akin at unti unti siyang humakbang papalapit. Napalunok ako ng inilapit niya ang mukha niya sa akin.

Bakit feeling ko siya yong ng fli-flirt saming dalawa? Bakit Feeling ko ako itong unti unting nahuhulog sa plano na dapat ay sa kanya?

"I think I am too"

Napangiti ako ng sabihin niya iyon, hindi ko alam kung bakit ansaya ng nararamdaman ko, feeling ko nga there's a butterfly inside my stomach. Naramdaman ko ang labi niya sa mga Labi ko. Siniil niya ang aking mga labi hindi alintana ang mga taong nakatingin sa amin dito sa mall.

Kasalukuyan kaming nasa restaurant dahil sa nagsuggest akong pumunta muna kami dito kasi nga nagugutom ako. Madaming pagkain ang ini-order ni Archer may balak yata siyang gawin akong baboy jeezzz.

"Keep staring huh?"

I chuckled, at muling sumubo ng ice cream.

"I just can't help to stare your fvcking face"

"Bunganga mo ka babae mong Tao, nagmumura ka"

I rolled my eyes, this is me! This is my attitude how can control it? Ganto ako maka express ng damdamin.

"Pakiilam mo? Nakikinig ka na lang, umaangal ka pa wag mo nga akong bwesitin Archer"

"Wow! Ako pang nang bwebwesit sayo ngayon? Kiely?"

I drink the one glass juice bago nagsalita.

"Oo, kasi nga normal lang yon sakin na magmura, it's my way of expressing my Feelings, kaya walang masama don"

Kumuha ng table napkin si Archer at pinunas ito gilid ng Labi ko.

"Fine, if it's your way of expressing yourself"- hinayaan kong gawin iyon ni Archer sa akin, pampadagdag Feelings para sa kanya hihihi.

Kinuha ko uli ang kutsara at sumandok na naman sa Cake, daming sweets na pagkain kaya lalantakan ko na, hulog to ng langit na dapat ay hindi iwasan o sayangin. Isinubo ko ito agad sa bunganga ko.

"So what are we now?"

Lumingiw ng tingin si Archer.

"Friends"

Agad kong nabitawan ang kutsara kong dala, anong Friends! May kaibigan ba na nag-aaminan ng feelings? Ay! Mukhang meron nga.

"More than Lovers?"- ngingiti kong saad

"No"-tipid nitong saad at uminom ng juice, Ugghh! Pati sa pag-inom niya ang sexy ng Adams Apple niya omeyged!

"Eh? Wag mo nga akong inisin"

"Wait until I court you Kiely"

"Kelan pa yon! Nakabored mag antay, tsaka ako na lang kaya manligaw sayo! I can give you flowers, chocolates, go on a date, anything everything, everywhere just for you I can do it all"

"Sounds like possessive girl"

Tumawa ako, yaks! Muka mo possessive, dapat ikaw yong Maging possessive para Maging madali na itong trabaho ko sayo.

"I am"- pagsisinungaling ko

"Unbelievable!"

"Unbelievable chicken joy!"

"What? Seriously chicken joy?, Gutom ka pa ba?"

Umiling ako.

"Ambobo mo, pogi sana. It's a way of expressing kasi yon, pakinggan mo kasi ako, ituon mo attention mo sakin ha! Sakin lang! Para maliwanagan kang hindi ako gutom, busog ako! Busog! Takti mo"

"Tsssss"

Napapailing na lang si Archer sa akin.

Kinabukasan binalitaan ko na naman ang dalawa kong bruhang kaibigan.

"Talaga!!! Owemjines! Na amin mo na kay Archer na gusto mo siya?"-kinikilig na saad ni Valerie

"Ashushu krokro, sa tingin niyo ba Seryoso si Archer don sa sagot niya? Mukha yatang impossibleng kumagat siya agad e"-aniya naman ni Livvy

Tama nga naman siya, mahirap Paniwalaan pero may kung anong parte sa puso ko na totoo yong mga pinagsasabi ni Archer

"Impokreta, Malay natin totoo, si Kiely lang naman ang makakapagsagot kung totoo ba o hindi yong kay Archer kasi, araramdaman niya yon sa sensiridad ng pagkakasabi ng tao. Ikaw Kiely what do you think? Totoo yong kay Archer o hindi?"

Napaisip naman ako ng saglit sa tanong ni Livvy sa akin, Tama naman siya mararamdamdan ko kung totoo ba yong mga pinagsasabi ni Archer o hindi, lalo na at nakaka eye contact kaming dalawa, Sabi nga nila, Eyes speak louder than your mouth, Tama ba ako? Ah bahala na nga kayong intindihin yan.

"Sa tingin ko naman kumagat na siya eh, kasi nakikita ko sa mga Mata niya na nagsasabi siya ng totoo, tsaka ano ba kayo! Wala kayong tiwala sa akin? Sa ganda kong ito? Sa sexy kung ito hindi siya mahuhulog lintik na Mata na talaga yun kung hindi"

"Ay wao! Sexy daw siya kamo? Kapal ng apog mo"

Sinapak ko naman si Livvy

"Anak ka ng tansan! Ano bang tingin mo sakin? Hindi sexy, ew! Naka diet kaya ako palagi, sa kurba kong ito! Hindi ako sexy! My gudnes ano ba yang mata mo. Bulag ka! Bulag?"

"Hoi! Kiely hindi ko din naman sinabi na hindi ka sexy! Patapusin mo din naman ako kahit one time lang Sasapakin na talaga Kita"

"Aw sorry naman, Basta sexy ako! Sexy!! Naiintindihan mo!"-sabay hila ko pa sa buhok niya, andito kasi kami sa Classroom ngayon, gaya ng dati wala pa ding maayos na klase.

"Aray! Pvtangina mo Kiely!"- angal ni Livvy na nagpahalakhak sakin at Binitawan na ang buhok niya, inayos niya ang buhok niya saka Inirapan ako.

"Ang ingay niyo talagang dalawa, arat sa Canteen!"

"Bakit! Gutom ka na naman Valerie!"

"Oo paki mo! Wala ako sa diet, hindi ako katulad niyong napaka OA sa Katawan! kasi ako! Lalamon ako ng lalamon hanggang sa ma satisfied ako"-sagot ni Valerie

"Sege ka, pag tumaba ka hindi kana magugustuhan ni Kiefy"

Agad na tumaas ang kilay niya

"Eh? Pakiilam ko sa kanya, kung gusto niya ko ede gugustuhin niya ako, Tara na nga"

Nagsitayuan na kami at naglakad na papalabas ng room. Ng nasa hallway na kami ay may naka salubong kaming isang lalaki na nag abot sakin ng bouqet of flower. Tinaasan ko ito ng Kilay

"For you Kiely"

Tinanggap ko ang bulaklak.

"Who are you?"

"I'm one of your taga hanga"-ngiting saad nito, infernes gwapo naman siya, tinalikuran na namin siya at nagpatuloy na sa paglalakad

"Freshmen yon Kiely"-saad ni Livvy

"Another new suitor"-ngiting saad na naman ni Valerie

"Talaga? Wala akong paki, tsaka idadaan ko ito sa simbahan mamaya"

"Ang alin?"-tanong ni Valerie

"Itong bulaklak malamang dzuh"

"Ay apaka bait na Bata talaga"

"Mabuti na yon kesa sa itapon ko to sayang naman"

Ganyan ako minsan, pag may nagbibigay ng bulaklak idinadaan sa simbahan para Ibigay kay God, ayos na yon para kahit papaano hindi na masayang ang mamahaling bulaklak.

Why Can't We Be? (Completed)Where stories live. Discover now